TKITD-28

29.9K 789 21
                                    

Nang makarating kami sa tagong parte ng silid-aklan ay agaran din naman niyang inilabas ang inomin na kakulay ang dugo at isang supot ng tinapay na may kasama pang keso. Natakam at napangiti ako sa nakita ko. Walang patumpik-tumpik ko itong nilantakan agad. Kain lang ako nang kain habang nagbabasa lang din naman ng libro itong si Mocha sa tabi ko. Kumikit-balikat lang ako at nagpatuloy na sa aking pagkain. Napapapikit pa ang aking mga mata habang sinisipsip ang inoming gawa ni Mocha. Kay sarap talaga ng inoming ito. Talagang naiiwan pa sa dila ko 'yong lasa ng mga prutas na sangkap nito.

Napatigil ako sa pag-inom nang makarinig ako ng mga yabag. Agad kong isinilid ang natirang tinapay sa supot. Pumaling pa ako kay Mocha at tila wala itong pakialam sa narinig. Napaisip ako. Wala nga ba itong pakialam o baka naman ay ako lang ang nakarinig ng yabag na iyon. Napatayo ako pero hinawakan naman ni Mocha ang aking kamay. Nilingon ko siya at tila ay nagtatanong ang mga mata nito kung saan ako pupunta.

"Hahanap lang ako nang babasahin." Pagdadahilan ko.

Bumitiw naman ito at nagpatuloy na sa pagbabasa. Humakbang na ako para hanapin ang mga yabag na naririnig ko. Panay ang silip ko sa bawat pagitan ng lagayan ng mga libro ngunit wala akong nakitang kakaiba.

Humakbang pa akong muli habang pinadaan ang mga kamay ko sa mga lamesa. May kaunting alikabok na ang silid-aralan na ito. Wala rin naman kasing nagagawi dito, maliban na lang kay Mocha.

Humakbang pa akong muli hanggang sa mahinto ako sa pinakahuling parte ng silid. Sa isang sulok kung saan masiyadong madilim dahil ang parteng bahagi na ito ay hindi nasisikatan ng araw. Napahinto ako nang marinig kong muli ang mga yabag ngunit natigilan ako dahil nasa likod ito ng pader nagmumula ang ingay.

Humakbang akong muli at idinikit ang aking mga kamay sa pader. Pati na ang aking ulo ay inihilig ko rito upang marinig ko kung ano man ang nasa likod ng pader. Nagsalubong ang aking kilay dahil wala na akong naririnig na mga yabag. Itinukod kong mabuti ang mga palad ko sa pader pero laking gulat ko nang bumaliktad ito at pati na ako. Bumagsak ako sa malambot na kama.

"Ahh!" tili ko sa sobrang takot.

"Catherine..." Napabangon ako at laking tuwa ko nang makita ko si Steffano sa may paanan ko. Agad akong napabangon at napatalon sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit at ganoon din naman ito sa akin.

"Alam mo ba, sabik na sabik akong masilayan kang muli," masaya kong wika habang isiniksik ang mukha ko sa leeg niya. Ramdam ko ang paghaplos nito sa likod ko at gumapang sa baywang ko.

"Hindi ko gusto ang ginawa mong paghawak sa kanya."

Natigilan ako at humarap rito. Kulay pula na naman ang mga mata nito at bahagyang tumaas ang mga kuko nito. Nag-igting din ang panga nito. Mariin akong napakagat ng labi ko. Galit ito at ramdam na ramdam ko iyon. Nakita niya ang nangyari kanina sa aming dalawa ni Zairan.

"Natakot lang ako kanina nang makita ko ang dalawang lalaki na nakalaban mo kahapon," depensa ko.

Kumalma ang mga mata nito at naging kulay dilaw. Dinampian nito ng halik ang aking labi at masuyong hinaplos ang aking pisngi.

"Ikaw ang pinakaimportanteng bahagi ng buhay ko, Catherine," anito.

Napangiti ako at nahilig sa balikat nito. Pansin kong napakadilim ng paligid at tanging lampara lamang na nasa tabi ng kama ang nagsisilbing ilaw naming dalawa.

"Mahal na mahal kita, Steffano," bulong ko rito.

"Catherine!" Napasinghap ako at napahugot ng malalim na hininga sa pagmulat ko.

"Nakatulog ka," wika ni Mocha sa akin. Napalingon ako sa paligid ko. Nakaupo lang ako sa isang sulok at may hawak na libro.

"Seryoso?" kunot-noo kong tanong.

Napatango naman ito. Tumayo ako at lumapit sa pader na pinasukan ko kanina. Kinapa ko pa ito at tinulak para lang bumaliktad.

"Bakit ganoon?" naibulong ko sa kawalan.

"Catherine, anong problema?" tanong ni Mocha sa akin.

"Nabubuksan 'to, e! Imposible talagang panaginip iyon," sabi ko pa.

Hinawakan naman ni Mocha ang braso ko.

"Catherine..." Nilingon ko rin naman ito.

"Ano ba ang nangyayari?" taka nitong tanong sa akin. Napabuntong-hininga ako.

"Wala ito Mocha. Namalikmata lamang siguro ako," paliwanag ko. Ngumiti ito at napatango.

"Tara na Catherine," yaya nito sa akin at umuna na sa paglakad.

Pasumandali pa akong napasulyap muli sa pader. Wala akong maalala na lumabas ako mula sa pader na iyan. Ang pagkakatanda ko ay kayakap ko si Steffano. Nagtatampo pa nga ito sa akin dahil sa tagpong nangyari kanina sa amin ni Zairan.

Napapilig ako ng aking ulo. Kakaibang nilalang nga siya sa lahat. Sumunod na lamang ako kay Mocha at tila'y napapaisip pa rin ako sa nangyari sa akin.

"Catherine, malapit na ang piyesta sa bayan. Gusto mo bang dumalo?" ani Mocha habang naglalakad kami sa pasilyo.

"Talaga? Unang beses akong makakapunta sa bayan niyo," masiglang tugon ko.

"Mabuti naman kung gano'n. Masaya 'yon Catherine," nakingiti rin namang sagot nito. Tahimik kaming bumalik sa silid-aralan namin. 

THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon