TKITD-SC-Part-2

24.3K 439 13
                                    


TKITD-SC-Part-2

*****

"Steffano..." Nagagalak kong sambit.

Mabilis ang naging pagkilos nito upang maabutan ang sinasakyan kong kalesa. Mahigpit akong napakapit sa kinauupuan ko dahil isang dipa nalang ay mahuhulog na ako ng tuluyan. Ngunit bago pa man mangyari iyon ay walang kahirap-hirap na ibinalibag ni Steffano ang mga kabayo; dahilan para ito ay makalas sa pagkakatali ng mga ito. Mabilis ang naging galaw niya at walang pag-aalinlangang sinalubong ang sinasakyan kong kalesa. Buong lakas niyang pinigilan ito at halos mabaon ang kanyang mga paa sa lupa, mapahinto lang ito. Pigil-hininga at tulalang napatitig ako sa mukha niya. Kitang-kita ko kung gaano katindi ang galit na nagkukubli sa kanyang mga mata.

"Ste-steffano..." Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses nang sambitin ko ang kanyang pangalan.

Kumalma ang kulay ng mga mata nito at inabot ang aking kamay. Walang pag-aatubili akong diretsong napayakap sa kanya at napahagulhol ng matindi. Ang akala ko kanina ay katapusan ko na; namin ng anak ko. Kinarga naman niya ako at mabilis na umalis sa puwesto niya kanina. Tuluyang nahulog sa bangin ang sinasakyan kong kalesa.

"Si...mang Isko...wala na siya..." Wika ko sa pagitan ng aking pag-iyak.

"Tahan na mahal ko..." Alo niya sa akin. Nailing ako ng marahan.

"Muntik na akong mamatay kanina! Paano kung...kung 'di ka dumating? Marahil ay wala na ako ngayon, maging ang anak natin." Masuyo niya namang kinulong ang aking mukha gamit ang kanyang mga kamay.

"Hindi iyon mangyayari." Mariin niyang sagot. Niyakap niya akong muli at masuyong dinampian ng halik sa aking noo. Bigla namang may umalolong ng pagkalakas.

"Seltzer!" Nagtagis ang mga bagang nito at ang kanina lang na kalmadong anyo ay nagbago.

Humaba na naman ang buhok nito at naging kulay puti; mga kuko niyang humaba ng higit pa sa nakasanayang haba nito. Pati mga mata niya'y mas lalong nag-aalab. Natatakot ako sa nakikita ko kay Steffano. Ito na ang pangalawang beses na nakita ko siyang nagbago. May binanggit siyang Seltzer at mukhang ito ang dahilan ng pagbabagong anyo niya. Itinago naman niya akong bigla sa kanyang likuran. Natatakot man ako ngunit ayaw kong umalis sa tabi ni Steffano. Puna kong may parang kung anong nilalang siyang hinihitay na lumabas sa gitna ng kagubatan. Napahakbang ako paatras sa tindi ng gulat nang bumungad sa amin ang isang taong-lobo.

"Zoldic!" Anito at umalolong pa.

"Muntik mo nang pinatay ang asawa ko!" Napaangil si Steffano.

"Kalapastanganan ang ginawa mong pagsuway sa kasunduan natin!" Anito.

"Hangal! Kailanman ay hindi ako nakipagkasundo sa iyo!" Ramdam ko ang galit ni Steffano sa kanyang kaharap. Hindi ko maintindihan ang pinagtatalunan nilang dalawa.

"Banta ang batang 'yan sa angkan ko at angkan mo! Ang propesiya ay matutupad kapag nabuhay ang anak mo!" Muling siwalat nito na ikinaatras ko pa ng hakbang. Napayakap ako sa aking sarili at napayapos sa aking tiyan.

"Steffano, ano 'to!?" Puno ng kuryusidad kong tanong.

Nanginginig pa ang aking boses nang tanungin ko siya. Nilingon niya lamang ako at muling itinuon ang atensyon sa kanyang kaharap.

"Hindi iyon mangyayari!" Ani Steffano.

"Puwes walang kasiguraduhan ang sinasabi mo kaya't dapat siyang mamatay!" Sa isang kisap-mata ko lang ay siya ring paglalabanan nilang dalawa.

Pilit na inilalayo ni Steffano sa akin ang taong-lobong iyon, ngunit masiyadong pantay ang lakas nilang dalawa. Wala akong nagawa kundi ang lumuha at panooring nakikipagpatayan ang dalawa sa isa't isa.

"Tama na!" Sigaw ko ngunit parang bingi ang dalawa.

Halos nagkagutay-gutay na ang suot na tuksedo ni Steffano. Sira na ang pinapangarap kong kasal! Halos hindi ko na makita kung paano magpatayan ang dalawa dahil sa nanlalabo kong mga mata.

"...aah!" Biglang daing ko at napahawak sa aking tiyan. May kung ano sa loob ko ang pilit na kumawala.

"...aah!" Muling hiyaw ko at napaluhod na sa sobrang sakit.

"Catherine!" Narinig kong tawag sa akin ni Steffano ngunit abala ang pandama ko sa sobrang sakit at kirot ng aking tiyan. Napahiyaw akong muli at tuluyang naitukod ang mga kaamay ko sa lupa.

"...aah!" Maluha-luha kong daing at hiyaw sa kawalan.

Namilog ang aking mga mata ng mapuna kong humaba ang mga kuko ko. Ang kulay gintong mapusyaw kong buhok ay naging kulay itim muli ngunit mas humaba ito. Ang tangkay ng itim na rosas na nakamarka sa aking kamay ay umakyat sa mga braso ko. Pakiramdam ko'y maging ang mga mata ko'y nagbago rin dahil kahit ang langgam na nasa lupa ay kitang-kita ko ng malapitan, maging kung ano ang itsura nito.

"...aah!" Muli kong hiyaw.

Pakiramdam ko'y parang may kumokontrol sa akin at mukhang ang anak kong si Cereina ang dahil ng pagbabago ko ng anyo. Mariin akong napakagat ng labi. Nasugatan ito dahil sa aking pangil. Napatayo ako at pasuray-suray na lumakad palapit sa puwesto ni Steffano. Nakita kong ibinalibag niya ang taong-lobo at tumama ito sa malaking bato. Dinaluhan ako ni Steffano at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko sa mukha.

"Mahal ko, naririnig mo ba ako? Catherine!" Ungol lang ang naitugon ko. Gustohin ko mang tumugon ngunit hindi ko magamit ang aking dila.

"Hangal ka Zoldic! Nagsisimula na ang propesiya!" Ani ng taong-lobo.

Akmang susugod itong muli kay Steffano ngunit biglang gumalaw ang kaliwang kamay ko at sinalubong ito ng sakal. Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon. Galit at uhaw! Ngungit hindi ako ang kumukontrol sa aking katawan, kundi ang aking anak.

"Catherine!" Bumaling ako kay Steffano. Napalunok ako at binasa ang aking labi.

"Nagugutom siya." Wika ko.

"Huwag siya, mahal ko. Cereina huwag siya!" Ani Steffano.

Bumaling ako sa taong-lobo na hawak ko pa sa leeg.

"Layuan mo ang anak ko!" Wika ko.

Marahan naman itong napatango. Niluwagan ko ang pagkakasakal ko sa kanya. Pasumandali pa itong sumulyap sa amin bago tuluyang umalis.

"Catherine..." Pukaw sa akin ni Steffano.

Bumaling ako sa kanya at kusang bumagsak ang katawan ko sa lupa. Agad niya akong dinaluhan at isinandal sa malaking puno.

"Babalik ako..." Aniya at dinampian ng halik ang aking noo. Nang makaalis ito'y wala sa sarili akong gumapang hanggang sa umabot ako sa may bangin. Gusto ko ng hangin.

"Catherine..." Nilingon ko si Steffano.

Lumapit siya sa akin at kinarga ako. Naupo siya sa malaking bato habang nakakandong ako sa kanya. May kinuha siya sa gilid ng malaking bato at ibinigay sa akin. Isang batang usa. Bigla akong nakaramdam ng uhaw. Agad ko itong hinablot sa kanya at sinakmal ang leeg niya. Ito ang unang beses na nakainom ako ng dugo dahil sa anak ko. Natuyo ang usa dahil sa ginawa kong pag-ubos ng dugo nito. Unti-unting bumalik sa ayos ang itsura ko, maging ang kay Steffano rin. Ngunit nakaramdam ako ng kakaiba sa aking tiyan. Diyos ko! Ngayon ko tuloy nalasahan ang nainom kong dugo ng hayop. Naduwal ako at isinuka ang dapat na gusto kong maisuka. Hinayaan lang ako ni Steffano. Kusa rin naman akong tumigil sa pagsuka at bahagyang gumaan din naman ang pakiramdam ko.

"Iyong kasal natin..." Paalala ko pa sa kanya. Ngumiti lang ito at tumayong muli.


THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon