TKITD-50
*****
"Catherine..." Naalimpungatan ako dahil sa mga yapos sa akin.
"Magandang umaga..." Bahagya pang namamaos ang aking boses ng batiin ko ito. Gaya ng dati ay sa sahig na naman kami nakahiga.
"Natutulog ba ang gaya niyo?" Nailing ito.
Hinawi nito ang aking buhok na natatakip sa mukha ko at dumagan sa akin. Masuyo nitong ginawaran ng halik ang aking noo, tungki ng aking ilong, ang aking leeg at sa aking dibdib dahilan para ako'y mapasinghap.
Sa isang kurap lang ay karga na niya ako at dinala sa aking banyo. Hinubad nito ang tiyaketang suot ko at pareho kaming hubo't hubad na nakalublob na sa tubig.
Sumandal ako sa matipuno nitong dibdib. Banayad nitong binasa ang aking buhok at hindi ko na maitatago ang malaking parte ng pag-iiba nito ng kulay.
"Piyesta sa bayan sa darating na linggo at gusto kong dumalo." Panimula ko.
Dinampian nito ng halik ang aking leeg at para bang may umaaninag na alaala sa aking isipan. Kinagat nga ba niya ako kagabi ng magniig kami? Ngunit wala akong bahid na ano mang galos sa aking leeg. Nag-iilusyon na naman ako.
"Sasamahan kita." Anito na ikinagulat ko.
Napaharap ako sa kanya at ni hindi ko alintana na lantad na lantad sa mga mata nito ang hubad kong katawan.
"T-talaga?" Tila'y hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi nito.
"Oo..." Ngumiti ito ng kay tamis at hindi ko na napigilan ang mapayakap sa kanya.
"Pagkatapos ng piyesta ay iyong kaarawan." Napaawang ang aking bibig.
"Paano mo nalaman iyon?" Wika ko at mataman itong tinitigan sa kanyang mata. Kalmado ito at hindi kulay pula.
"Wala kang maililihim sa akin. Ni ang paghawak niya sa kamay mo, lalo na ang pagdampi ng kanyang labi sa iyong noo no'ng ikaw ay tulog..." Mariin akong napakagat ng aking labi. Alam kong si Zairan ang tinutukoy niya at bakas sa tono nito ang matinding selos.
Napatakip ako ng aking mukha. Agad na nag-unahang tumulo ang aking mga luha. Ayaw ko ng ganito, iyong nagtatampo siya at alam kong kasalanan ko iyon dahil hindi ako naging maingat. Inalis nito ang aking mga kamay at masuyo itong ginawaran ng halik.
"Ibabaon ko siya ng buhay sa oras na dumantay sa iyong balat kahit ni isang daliri niya lamang." Napayuko ako at napahikbi. Galit nga siya!
Inangat nito ang aking mukha at pinahiran ang aking pisngi.
"Natakot kita..." Wika nito. Umiling ako.
"Patawad, hindi ko naman intensyon iyon..." Sagot ko.
"Alam ko..." Seryoso ang mukha nito, ni mata nga nito'y 'di ko mabasa.
"Te amo..." Usal nito.
"Te quoque amo..." Tugon ko. Napangiti ito.
"Iyan lang din naman ang alam kong salita." Wika ko.
"Te amo diversi generis multa nimis, Catherine." Napakunot ako ng aking noo dahil hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya.
Bago pa man ako makasagot ay kinabig na nito ako. Sinakop nito ang aking labi at buong puso ko naman itong tinugon. Kinuha ko ang kanyang kaliwang kamay at sinugatan ang aking dibdib. Bumigat ang paghinga nito at agad na pinagpala ang aking dibdib. Hinayaan ko lang siyang sipsipin ang dugong umaagos mula sa malaking sugat na ginawa ko. Nang gumaling ito'y nag-angat ito ng kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
VampiriSeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...