TKITD-35
*****
Walang patlang na naglabasan ang mga ito mula sa yungib. Nakakagimbal ang mga anyo ng mga ito. Wari'y sabik na sabik sa pagkaing nasa harapan nila dahil sa mga naglalaway nitong mga bibig. Sabay-sabay itong umalolong at nakakabingi iyon sa tainga. Muli kong tinapik ang mukha ni Steffano.
"Pakiusap gumising ka mahal ko, pakiusap!" Masuyo ko siyang kinantilan ng halik sa labi niya.
Napapalibutan na kami ng mga taong-lobo na halang ang mga kaluluwa. Bigla na lamang akong kinabig ni Steffano at ipinagpapasalamat ko iyon sa poong maykapal na maayos siya.
"Ipikit mo ang mga mata mo, Catherine..." Utos nito na agad ko din namang sinunod ang nais niya.Mariin akong napapikit ngunit rinig ko pa rin ang mga nangyayari. Mga nagbabagsakan sa lupa, pagsagitsit ng mga bato at ang pag-iyak ng mga lobo. Nanginginig ako habang nakatayo at nakikiramdam sa paligid ko. Puna kong natahimik naman ang aking paligid at tanging haplos nito sa dibdib ko na gumapang sa leeg ko, hanggang umabot sa pisngi ko. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang kamay nito. Idinilat ko na ang mga mata ko. Bulagta lahat ang mga lobo. Hindi ko alam kung ilan sila ngunit marami din ang napabagsak niya. Mas lalo tuloy akong naiyak.
"Pinatay mo sila?" Tanong ko pa habang napapahikbi.
Umiling ito at ngumiti ng kay tamis na ikinagulat ko din naman.
"Pinatulog ko lang..." Nayakap ko siya sa sobrang galak.
Natutuwa ako at hindi niya pinaslang ang mga nilalang na iyon, may kasama pang matamis na ngiti na ikituwa ko pa ng husto.
"Hinahanap ka na nila..." Aniya at pinakapit ako sa batok nito.
Walang anu-ano pa'y mabilis niyang tinakbo ang matarik na bangin habang karga ako. Inihilig ko na lamang ang aking ulo sa leeg nito.
*****
Nang makarating kami sa itaas ay ibinaba na nito ako sa lilim ng puno at sinandal rito. Muli nitong inangkin ang aking labi ng ilang segundo bago ito humiwalay at nawala na naman na parang bula nang magdilat ako.
"Catherine! Nasaan ka!" Napasilip ako.
Si Mocha, na tila balisa at hinahanap ako. Lumakad na ako palapit sa kanya.
"Mocha?" Pukaw ko rito. Nilingon nito ako at niyakap.
"Ligtas ka! Ang akala ko'y may nangyari ng masama sa'yo." Hinagod ko ang likuran nito.
"Maayos ako Mocha, sobrang maayos." Ani ko na napapangiti pa. Kumalas ito nang yakap sa'kin.
"Tayo na at nang makapagpahinga tayo." Ani Mocha at inalalayan pa ako sa paglakad.
*****
Nang makasakay kami sa tren, lahat ay tahimik lang. Si Mocha naman ay nagbabasa lang ng kanyang liro. Si Zairan naman ay nakapikit lang ngunit alam kong hindi natutulog ang mga bampira. At ako? Nakatanaw lamang sa labas habang inaalala ang mga naganap na pangyayari sa pagitan naming dalawa ni Steffano. Ang mga ngiti nitong nakakahalina na hindi mawala sa aking isipan. Kay gandang lalaki talaga nito at hindi ko maitatanggi sa sarili ko ang napakatindi kong paghanga sa kanya. Araw-araw na sa pamamalagi ko sa mundo niya ay mas lalong pumapailalim ang pagmamahal ko para dito. Wala sa sarili akong napahawak sa aking labi. Kabaliwan at kahangalan na nga itong naiisip ko ngunit gusto siyang mahagkan muli.
"Sino siya Catherine." Pukaw ni Zairan sakin. Nagitla ako sa sinabi nito.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Taka ko pang tanong.
"Sino siya Catherine!" Pagtataas ng boses nito.
"Huminahon ka Zairan! Kung umasta ka ay parang pag-aari mo si Catherine. Kung sino man ang nakita mo, malamang ito ay ang kanyang nobyo. Nakalimutan mo na bang nakatira siya sa pamilya ng mga Zoldic!" Ani Mocha na ikinagulantang ko rin.
Nakita nila si Steffano? Natigalan naman si Zairan at napakuyom na lamang ng kamao.
"Nakita niyo kami?" Baling ko kay Mocha. Napatango ito.
"Sa lilim ng puno na pinagbabaan niya sa'yo. Hindi ko man nakita ang mukha niya ngunit masaya ako dahil nailigtas ka niya, Catherine. Walang bahid din nang paghihinampo sa akin sapagka't buhay mo iyan Catherine at alam kong gusto mo din ng pribadong buhay." Sagot niya habang napapangiti. Napayakap ako sa kanya.
"Salamat sa pang-unawa, Mocha." Wika ko.
"Huwag mo na lamang pansinin si Zairan. Mukhang nagseselos ito dahil iba na ang iyong napupusohan." Ani Mocha at napatawa pa ng kaunti.
Napatango-tango ako at kumalas ng yakap sa kanya. Napasulyap ako kay Zairan. Malungkot ang mga mata nito at halata sa kanya ang matinding hinanakit sa akin.
"Zairan..." Tawag ko rito. Pumaling ito sa akin ngunit agaran din namang nag-iwas ng kanyang tingin."Nobyo ko siya at patawad kong hindi ko matanggap ang alok mo kahit kaibigan lamang. Sana'y nauunawaan mo ako." Hindi ito umimik, bagkus ay lumipat pa ng upuan.
"Hayaan mo lang siya Catherine. Lilipas din ang kahibangan niya." Aniya. Tango lang ang naitugon ko.
Sinulyapan kong muli si Zairan sa nilipatan nitong upuan. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng pagiging iba ko sa kanila ay natutunan niya kaagad akong pag-ukolan ng pag-ibig. Ngunit sadyang mapili ang aking tadhana dahil kay Steffano ako umibig ng husto. Patawad Zairan, kailanman ay hindi natuturuan ang puso na piliting ibigin ka.
![](https://img.wattpad.com/cover/39701383-288-k941150.jpg)
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
VampiroSeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...