TKITD-48
*****
Nagising ako sa biglaang paghinto ng kalesang sinasakyan namin. Nanlaki pa ang mga mata ko ng mapuna ko ang posisyon ko. Agad akong napausog at napaayos sa pag-upo. Diyos ko! Natulog ako ng nakasandal kay Zairan. Paano? Si Mocha ang katabi ko kanina lang ngunit pansin kong wala naman siya dito.
"Nakatulog ka ba ng maayos?" Napatanga ako sa tanong niya.
"Catherine..." Untag nito.
"Ha? Ah? O-oo!" Agad akong napalabas at muntik pa akong madapa sa pagmamadali ko.
Mababaliw na yata ako! Pinilig ko ang aking ulo at napamasid sa aking paligid. Bumungad sa harapan ko ang isang tore na korteng tatsulok. Maganda ito sa mata ngunit hindi maipagkakailang mapanganib ang umakyat do'n. Napapalibutan ito ng pader na hindi din naman kataasan. Tahimik ang lugar at mukhang kami palang tatlo ang narito.
Hinanap ng aking paningin si Mocha. Nakaupo ito sa isang sulok sa ilalim ng puno at nagbabasa na naman ng kanyang libro. Lumakad ako papalapit sa kanya at naupo sa tabi nito.
"Iniisip mo na naman ba ang pagkatao ni Zairan." Aniya na ikinagulat ko rin naman pero totoong puno ako ng kuryusidad na malaman ang totoo tungkol kay Zairan.
Tipid akong napatango.
"Magkapatid sila ni Cedrick sa ama..." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko ngunit nanatiling tikom ang aking bibig.
"Pero hindi maipagkakailang kabilang siya sa mga may dugong bughaw. Gaya nga ng nasabi ko sa iyo. Para sa nakakataas ay mapanganib sila. Ngunit iba si Zairan kaya mas minabuti niyang ikubli ang katauhan nito. Nakihalubilo siya sa mababang antas at pinilit na mamuhay ng normal, gaya ng isang normal na bampira." Mahabang salaysay nito.
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko lubos maisip na may ganito din pala silang sitwasyon, na anak si Zairan sa labas.
"May relasiyon ba si Zairan at Ren?" Naitanong ko bigla. Kunot-noong napabaling si Mocha sa akin.
"Ang pagkakaalam ko'y wala." Bakas sa mga mata nito ang katanungang nagkaroon kung nga ba ng relasiyon si Zairan at Ren.
"Ikaw Catherine. Kailan mo ipapakilala sa amin ang iyong nobyo." Nakangiting tanong nito na ikinabigla ko ngunit agad din naman akong nakabawi.
"Ha? Hindi ko pa alam. Siguro'y kung handa na siya." Sagot ko na lamang. Napatango-tango naman ito.
"Mamaya sa pagsilip ng buwan, bubukas ang lagusang nakakubli diyan sa pader. Kapag nabuksan 'yan ay hudyat na ng laro. Kailangan ng masusi at matalinong pag-iisip ang gagamitin mo upang masagot mo lahat ng tama ang mga tanong." Seryoso ang mukha nito at halatang hindi nga basta biro ang larong ito.
Kailan nga ba naging biro ang lahat ng ito.
"Sana'y makadalo ka sa piyesta sa bayan Catherine. Sa susunod na linggo na iyon." Kumikit-balikat ako at tipid na ngumiti.
"Kapag nabuhay pa ako sa larong ito." Biro ko pa at bahagyang napatawa. Tumawa rin ito ng kaunti.
"Kailangang mailigtas ka muna ng iyong kabalyero." Aniya.
Napangiti ako sa itinuran nito. Napatayo at hinayaan ang aking mga paa na lumakad sa malawak na lupaing ito. Kay sarap ng hanging dumadampi sa balat ko. Bumalik ako ng tanaw sa aking likuran. Abala na muli si Mocha ra pagbaba habang katabi nito si Zairan na kanina lang ay wala ito ng mag-usap kami ni Mocha. Kagaya siya ni Steffano ngunit iba pa rin ang katangiang meron ito.
"Catherine..." Napalingon ako sa daang makipot patungo sa pusod ng kagubatan.
Doon nanggaling ang tumawag sa akin. Bahagya akong sumulyap sa aking relo. Malapit ng sumilip ang kabilugan ng buwan. Lumakad ako ng kaunti sa daang nakita ngunit yumanig ang lupa ng kaunti. Napabalik ako at kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano bumukas ang kubling daan sa pagitan ng mga pader.
"Catherine! Takbo na!" Sigaw ni Mocha sa akin.
Nagimbal ako sa mga nakita ko. Ang kanina'y magandang paligid ay biglang naglaho. Pumangit ito! Dali-dali akong napatakbo dahil ang mga paa ko'y parang pinipilit na ibinabaon sa lupa. Habang tumatakbo ako'y nag-uunahan na ang aking mga kaklase. Bumilog pa ang aking mga mata ng bumaon ang isa sa kanila.
"Catherine bilisan mo!" Muling sigaw ni Mocha sa akin.
Sa kasamaang palad ay nadapa pa ako. Ngunit muli akong bumangon at tumakbong muli. Marami na akong hirap na dinanas makarating lang sa sitwasyon ito. Madami pa akong gustong malaman. Hindi ako susuko! Tako ako nang takbo hanggang sa makarating ako sa puwesto ni Mocha. Agad niya akong hinila at halos tumilapon ako.
"Catherine, may masakit ba sa iyo?" Ani Mocha.
"W-wala..." Sagot ko.
"Mga gago sila! Pinag-isa nila ang dalawang laro!" Nagpupuyos ito sa galit at malungkot na napalingon sa mga kasamahan naming nasawi sa laro.
"Mocha..." Pukaw ko rito.
Nilingon nito ako at hinawakang mahigpit ang aking kamay. Pumasok kami sa isang pinto at nauna si Mocha. Ngunit sa 'di malamang kadahilanan ay biglang may humarang na pader sa pagitan namin. Sa pagkagulat ko'y napabitaw ako sa kanya at tuluyan ng humarang ang pader sa amin.
"Mocha!" Sigaw ko.
"Mocha!" Tawag kong muli ngunit makapal ang pader na nakaharang.
Niyakap ko ang aking sarili at walang nagawa kundi ang lumakad sa pasilyong kinatatayuan ko.
"Aah!" Tili ko ng bumungad mismo sa may paanan ko ang isang bato na hugis parisukat.
May mga salita pang nakaukit sa bato. Natatakot man ngunit wala akong magawa. Kailangan ko pa rin ng sariling sikap. Inalis ko muna ang alikabok at binasa ang tanong.
"Tubo sa punso, walang buko." Napangiwi ako sa nabasa ko. Anong alam ko sa ganito!?
"Ah? Eh..." Tanging nasambit ko ngunit laking gulat ko ng mag-iba ng puwesto ang mga pader at bumungad sa aking ang dalawang taong-lobo.
Namilog ang mga mata ko sa tindi ng takot, pagkabigla at pagkagulat. Mali ang sagot ko! Napaatras ako ng hakbang. Umalulong ang mga ito ng walang humpay.
![](https://img.wattpad.com/cover/39701383-288-k941150.jpg)
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
WampirySeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...