TKITD-32
*****
Maaga pa sa bukang liwayway ako nang magmulat. Kailangan kong makapasok ng maaga sa unibersidad. Hindi pa man ako nakakapasok sa aking banyo ay narinig ko na ang bulong sakin ng hangin.
"Catherine..." Bulong ng hangin sa akin. Bahagya akong napangiti sa nakita ko.
Agad akong lumapit sa bintana ko at kinuha ang itim na rosas na nakasukbit sa tali ng kurtina. Inamoy ko ito at hindi ko maiwasang mapangiti ng malapad. Hindi man nito ipinararamdam sakin mula sa pagbigkas ng matatamis na salita pero ipinaparamdam naman nito sakin na mahal niya ako sa pamamagitan ng mga kilos niya. Inilagay ko ito sa plorera kung kasama nito ang mga nauna pang rosas na ibinigay niya. Mabuti na lamang at hindi ito napapansin ni tiyang sa tuwing papasok siya dito sa kuwarto. Pumasok na ako sa banyo at naligo. Habang nakababad ako sa tubig ay hindi ko maiwaksi sa utak ko ang pasulit na magaganap mamayang gabi. Kinakabahan ako at puno ng takot ang umiiral sakin. Nariyan man si Steffano sa tabi ko ngunit mas nangingibaw pa din ang takot sakin. Diyos ko, sana'y gabayan niyo ako mamaya. Matapos kong maligo at makapag-ayos ng aking sarili ay agad din naman akong nagpaalam kay tiyang, lalo na kay Mama.
Habang binabagtas ang daan ay malalim pa rin ang aking pag-iisip. Gusto kong maiyak. Sasalang na naman ako sa kakaibang pagsubok, na sa tanang buhay ko ay hindi ko pa nasusubukan. Nang makababa ako ng sasakyan, laking gulat ko nang yakapin ako ni Zairan. Nabitawan ko pa ang dala kong mga gamit dahil sa pagkagulat. Marahan ngunit may puwersa pa din akong naramdaman sa yakap niya. Para bang takot na takot ito at iyon ang pakiramdam ko dahil na rin sa ayos nang pagkakayakap nito sakin. Hindi ako tumugon sa yakap niya.
"Zairan..." Ani ko pa.
"Hayaan mong yakapin kita upang mabawasan ang takot mo." Anito.
Matamis man ang mga salitang binibitawan niya ngunit hindi tuwa ang nararamdaman ko, kundi pagtataksil sa pinakamamahal kong si Steffano. Nangako ako sa kanya na hindi ako makikipagpalagayan ng loob rito. Nangako akong sapat na ang mabuti nitong intensyon para sakin. Napailing ako at buong puwersa ko siyang itinulok. Nagtagis ang mga bagang nito at kumunot ang noo. Unti-unti ding nagbago ang kulay ng mga mata nito.
"Alam kong mabuti ang iyong intensyon ngunit hindi ko gusto ang ginagawa mong pagyakap sakin. Patawad kung iyo mang mamasamain ngunit hindi ako kumportable." Dipensa ko at pinulot ang aking mga gamit.
Lumakad na ako at nilagpasan siya. Nakahinga ako ng maluwag. Magtatampo na naman iyon sa akin dahil sa ginawa ni Zairan. Siguradong higit pa sa pag-angil nito ang gagawin niya. Napatampal ako sa aking noo. Nang mag-angat ako ng tingin sa dinadaanan ko ay muntik ko nang mabangga si Mocha.
"Balisa ka yata." Aniya. Umiling ako at ngumiti ng tipid.
"Wala ito."
"Tara na sa sakayan." Gayak nito na ikinakunot ng noo ko.
"Sakayan? Bakit?" Taka kong tanong.
"Pasulit natin ngayon, 'di ba?"
Napatango ako. Walang pasabi nito akong hinila sa kung saang daanan at narating nga namin ang sakayan. Isang lumang tren ang sasakyan namin. Takang-taka naman akong napapaisip. Kay lapit lang pala nang sakayan ng tren ngunit bakit hindi ko man lang naririnig na bumabiyahe ito.
"Ngayon lang ba ito bi-biyahe?" Usisa ko. Umiling naman ito.
"Araw-araw itong ginagamit Catherine kaya imposibleng hindi mo marinig ang malakas na pagbusina nito." Sagot niya. Napaawang ang aking bibig.
"Maliban nalang kung isa kang bampira dahil ang tunog nito para samin ay parang nakabitin sa ere at kay tagal kung bumagsak. Ibig sabihin, parang tunong lang ng kotse. Mahina lang." Napaatras ako.
Hindi ako bampira ngunit sang-ayon ako sa sinabi niya. Napahilot ako sa aking sintido. Habang tumatagal ay nagiging malala na ang pagiging katulad ko sa kanila.
Huminto na ang tren sa tapat namin. Muli't muli ay hinila na naman ako ni Mocha pasakay sa loob ng tren. Muntik pa akong madapa dahil sa hindi ko pagtingin sa dinadaanan ko. Kay haba nang nilakad namin at hindi ko na matandaan kung ilang bagon na ba ang nadaanan namin. Tumigil naman si Mocha at muli na naman akong hinila paupo malapit sa may bintana. Bahagya pa akong natigilan dahil kaharap ko si Zairan sa inuupuan ko ngayon. Malungkot ang mga mata nitong nag-iwas ng tingin sa akin, marahil ay tungkol ito sa tagpong nangyari kanina. Masama siguro ang loob niya sakin ngunit umiiwas lamang ako sa kapahamakan. Baka masaktan siya ni Steffano at alam kong matatalo siya. Magkatulad man sila ng lahi ngunit kakaiba si Steffano sa kanila.
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
VampierSeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...