TKITD-39
Pakiusap, magbasa ng author's note dahil hindi po ako laging online sa wattpad. Nandito lahat ng sagot.
Mukhang matatagalan pa updates ko dahil nasira memory card ko, nandoon kasi lahat ang back up ko.
Salamat sa pang-unawa. Sa mga nakausap ako sa fb palagi, I love you fairies ko, all of you.
Maikitamahome/Miaki
#CediErine o #ZaiErine
*****
Ang daming tumatakbong katanungan sa utak ko ngayon. Sino si Akesha? Si Cedrick, sino nga ba talaga? Bakit niya ako tinawag bilang si Ren? Pakiramdam ko'y sasabog na ang utak ko. Napahugot ako ng malalim na hininga at nagpatuloy lamang sa paglalakad pauwi.
*****
Nang makarating ako sa bahay ay diretso ako agad sa aking kuwarto. Nahiga ako sa aking kama at tumitig lamang sa kisame. Sino si Cedrick? Bakit pakiramdam ko ay parang kilala ko ang lalaking iyon. Nang banggitin ng babaeng iyon ang pangalang Cedrick kanina ay parang gumaan ang aking pakiramdam.
Kinumutan ko nalang ang aking sarili at umidlip muna. Kailangan ko ring itulog ito ng sa gano'n ay gumaan ang aking pakiramdam.
*****
Napaungol ako nang may dumamping malamig na bagay sa aking pisngi. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang kaakit-akit nitong labi. Nang tuluyan akong tumihaya ay kitang-kita ko na ang mukha nito.
"Steffano..." Wika ko.
Ngumiti ito ng kay tamis na siya ring pagkagat ko ng aking labi. Nakakatunaw ang mga ngiti nito at para bang panandaliang nawala ang seryoso at walang emosyong si Steffano.
Pansin kong nakasarado ang aking bintana pati na ang kurtina. Pahapyaw ko din namang sinilip ang orasan sa likuran nito. Ala-singko pa ng hapon at kay haba nang naitulog ko.
"Nagising kita..." Anito at hinaplos ang aking buhok.
Bahagya pa itong natigilan nang hawakan nito ang parte ng hibla ng aking buhok na nag-iba na ng kulay. Inalis ko ang kamay niya at napayuko.
"Hindi ko alam kung bakit nag-iba iyan ng kulay." Ani ko.
Nagitla ako nang halikan nito ang aking buhok. Pakiramdam ko'y gumapang ang halik nito sa leeg ko.
"Hindi ako normal..." Nakanguso ko pang wika.
"Ispesyal ka para sa akin, Catherine." Anito na ikinakilig ko din naman.
Napangiti ako at bahagyang lumapit sa kanya ng husto. Ipinulupot ko ang aking mga braso sa leeg nito at walang pag-aalinlangang kong dinampian siya ng halik sa labi niya. Tinugon naman niya ito ng puno ng pananabik. Humiwalay ako matapos ang ilang segundong halikan namin.
"May nangyari sa akin kanina. Gusto akong paslangin ni Akesha nang pumasok ako sa iskuwelahan." Kuwento ko pa.
Nagbago ang kulay ng mga mata nito. Tila galit na galit ang nakikita ko sa mga mata niyang kulay pula.
"Bakit? Kilala mo siya?" Tanong ko.
Naigting ang panga nito at agad na nawala sa harapan ko. Napatayo ako at lumapit sa aking bintana. Kitang-kita ko ang mabilis na paglipat nito sa iba't ibang puwesto. Daglian kong kinuha ang tiyaketa nito. Gusto ko siyang sundan dahil hindi ako kampanti sa mga ikinikilos niya. Pagkalabas ko ng bahay ay agad ko siyang sinundan. Tinatahak niya ang daan papunta sa tagong hardin. Halos madapa na ako sa ginagawa kong paglakad at takbong ginagawa kong pagsunod sa kanya. Nang umabot ako sa tagpuan namin ay natigilan ako. Sa kabilang dako ng ilog ay wasak ang mga puno. Nagmadali akong lumusong sa kabilang dako.
"Steffano..." Usal ko nang ako'y umahon.
Mabagal ang aking paghakbang dahil baka lumayo na naman ito sa akin. Lumapit pa ako ng kaunti at nasilayan ko ang bulto ng katawan nito. Nakaupo ito sa lupa habang nakasandal ang likod nito sa punong kahoy. Maingat ang aking paglapit sa kanya upang hindi ito magwalang muli. Nang makalapit ako mismo sa harapan niya ay lumuhod ako upang magpantay kami. Nakayuko lang ito at parang hindi niya ako napapansin. Hinawakan ko ang mukha nito upang maiangat. Nahabag ako sa aking nakita. Umiiyak ito at hindi ko alam ang gagawin ko.
"Steffano bakit? Magsalita ka, mahal ko." Alo ko rito. Bigla naman nito akong niyakap.
"Steffano bakit?" Tanong kong muli.
Nag-angat ito ng mukha at pinagdikit ang aming mga noo.
"Hindi na sana kita ginambala pa..." Makahulugan nitong wika.
"Hindi kita maintindihan." Umiling-iling pa ako."Nagkamali ako. Hindi ka sana dapat nandito." Anito at humiwalay sa akin.
Mabilis na namuo ang mga luha ko sa aking mga mata.
"Ang sinasabi mo ba'y dapat wala ako dito? Na sana'y hindi kita nakilala?" Napahagulhol ako.
Bahagya naman din itong natigilan at agad akong niyakap.
"Hindi ko intensyong saktan ka." Aniya.
Tinugunan ko din ito ng mahigpit na yakap. Nasaktan ako sa sinabi niya.
"Mamatay man ako ngayon at mabuhay mang muli, ito pa rin ang pipiliin kong buhay. Mahal kita Steffano, kahit ano ka pa." Mangiyak-ngiyak kong wika. Ramdam ko ang pagdampi ng labi nito sa aking noo.
"Ang laki naman ng nasira dito." Ani ko habang napamasid sa paligid namin. Kumikit-balikat lamang ito.
"Si Akesha ba ang dahilan kung bakit ka nagwala ng ganito?" Lakas-loob kong tanong.
"Hindi ko siya kilala." Tipid lamang nitong sagot sa akin.
Napaawang lang ang aking bibig at napatikom muli. Ayaw ko nang magtanong pa dahil wala din naman akong makukuhang sagot sa kanya. Ngunit malakas ang aking pakiramdam na ang babaeng iyon ay may kagagawan ng pagwawala ni Steffano. Ngunit Cedrick ang binabanggit nitong pangalan at hindi si Steffano. Napabuga ako ng hangin. Sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayari. Wala na nga yatang katapusan ito.
*****
Grabe hula niyo kay Ren ano? XD Nagmukhang criminal case pero nag-enjoy ako sa mga feedbacks so abangan nalang kung sino nga ba si Ren. Pasensiyahan niyo nat kaunti lang ang na-retrieved ng utak ko sa updates. Sira ang memory card ko eh. XD
Maraming salamat fairies ko.
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
VampiriSeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...