TKITD-7
SA ika-limang palapag pa pala ang silid-aralan ko. Ang tanga ko lang! Pansin ko lang na sobrang tahimik. Disiplinado siguro ng mabuti.
"Ump!" impit na ungol ko dahil biglang napatigil itong kasama ko.
Nakasunod pa man din ako sa kanya ng wala sa huwisyo. Napatingin ako sa harapan namin. Isang malaking pinto na may nakasulat na CLASS-A-R1 sa ibabaw nito. Para yatang kinabahan ako bigla. Marahan niyang pinihit ito at bumungad sa akin ang isang may edad na babae na nakaupo sa mesa nito at may kung anong inaatupag na basahin sa kaharap nitong libro.
Sa gawing kaliwa ko naman, mga kaklase kong napaangat ang tingin sa amin. Sa tantiya ng pagbilang ko, nasa dalawampung estudyante lang ang nandito. Kasama na kaming dalawa nitong kasama ko sa bilang ko.
Mabibigat ang mga hakbang ng paa ko habang papasok sa loob. Sa lakas ng pagpintig ng puso ko, parang ito lang ang naririnig ko.
"Bb. Catherine Lumibao. Maligayang pagdating!" biglang masiglang ani ng guro namin. Napairap ito nang makita ang katabi ko.
"Sa iyo din, Bb. Agustin," baling niya sa katabi ko.
"Maari na kayong maupo," dagdag pa nito.
Napatanga ako dahil sa mga titig ng mga kaklase ko. Para bang may iba sa kanila na hindi ko mawari. Namalayan ko na lang na hinihila na ako nitong kasama ko patungo sa upuan namin.
"Bumalik ka sa huwisyo mo, Catherine! Hindi mo sila dapat titigan pabalik," pabulong niyang sita sa akin. Napaigtad ako at napayuko.
"Patawad nga pala kanina. Ako nga pala si Mocha Agustin, kanang kamay ni Maestro Keanno. Ikaw?"
Napakurap ako. Ayaw pumasok sa kukute ko 'yong sinabi niya.
"Ah? Iyon...iyon na nga...Catherine Lumibao. Iyon lang!" alanganin ko pang sagot at pinaglalaruan ang mga daliri ko. Ganito ako kapag kabado ako. Kanang kamay!? Maestro Keanno? Pagsasatinig ng bahagi ng utak ko.
"Sigurado ka ba?" kunot-noo niyang tanong.
Napatango-tango ako. Diyos ko Catherine! Ano ba nangyayari!?
"Sige. Ikaw bahala kung ayaw mong ibahagi," sabi rin naman niya kalaunan.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Nagsimula na ang klase pero lahat sila, hindi naman nakikinig. Maliban na lang siguro sa aming dalawa ni Mocha.
"Anong klase ka?" pukaw bigla sa akin ni Mocha.
Nakakatuwa ang pangalan niya dahil lasa ng pagkain ang naiisip ko. Nagsalubong ang mga kilay ko.
"Klase? Dito..." sagot ko pa.
Napabuntong-hininga naman siya.
"Hindi ka man lang ba binigyan ng pagsubok at impormasiyon bago ka makarating sa lugar na 'to?" mangha naman niyang usisa sa akin.
"Ah..." tanging naisambit ko at napailing.
Napatampal naman ito sa noo.
"Kung ganoon paano ka nakapasok dito?" pang-uusisa niya ulit.
"Bb. Agustin! Tahimik!" madiing sita bigla ng guro namin. Pareho kaming napayuko ni Mocha.
"Patawad..." ani ko ng pabulong. Marahan naman siyang napailing.
"Wala iyon. Mamaya na lang kita tatanungin," pabulong din niyang sagot sa akin at itinuon na ang atensiyon sa hawak na libro.
Napabuntong-hininga na lang ako at inaliw ang aking sarili sa pagbabasa ng libro.
Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko, humangin naman bigla sa may gawi ko na siyang nagpalipad sa hibla ng mga buhok ko.
"Ugh!" biglang ungol no'ng isa sa mga kaklase kong lalaki at matalim na napatitig sa akin.
Nagtagis ang mga bagang nito. Sa isang iglap lang ay nagpulasan sa kanilang kinauupuan ang iba ko pang mga kaklase at inawat ang lalaki kong kaklase.
"Buwesit!" Narinig ko pang mura ni Mocha sa tabi ko at hinila ako bigla papunta sa isang sulok.
Nagwawala na ang kaklase ko. Para bang gusto niya akong patayin dahil sa tindi niyang makatitig sa akin.
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
VampireSeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...