TKITD-8

36.1K 1K 5
                                    

TKITD-8

"Huwag ka sabing titingin! Akin na 'yong pabango mo!" pagmamadaling utos sa akin ni Mocha kaya agad kong hinugot sa bulsa ko ang bote. Mabilis niyang iniwisik ito sa akin at halos maubos ang laman nito. Siya na rin mismo ang nagtago ng pabango ko. Paano niya nalaman ang tungkol sa pabango ko.

"Bb. Agustin, umusog ka," mariing utos ng guro namin.

Kalmadong napausog naman si Mocha. Marahan lang na lumapit sa amin ang guro namin at parang kumalma ang mukha nito.

"Jacob! Nagkamali ka. Maari bang magsibalik na kayo sa inyong mga upuan. Bb. Agustin, maari bang ilabas mo muna si Bb. Lumibao. Pareho ko muna kayong pansamantalang ipaliban sa klase. Pagpasensiyahan mo sana ang kaguluhang ito Catherine," sabi pa nito.

Mabilis na kinuha ni Mocha ang mga gamit namin at kinaladkad na ako palabas.

Nang makalabas kami, dinala niya ako sa isang tagong lugar na bahagi pa rin ng unibersidad. Puwersahan niya akong pinaupo at nakapamaywang na humarap sa akin.

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo? Hindi ka kabilang sa amin," Sabi niya pa.

Nalukot ang mukha ko sa tanong niya.

"Alam mo? Hindi ko rin maintindihan kung ano iyang mga tinutukoy mo," inis kong sagot.

"Naamoy kita kanina, masuwerte ka dahil hindi halang ang bituka ko sa isang gaya mo." Napanganga naman ako sinabi niya.

"Ha?" tanging nasambit ko.

Laglag ang balikat niyang umupo sa damuhan.

"Bakit ang hina mo? Tao ka, bampira kami. Nakuha mo ba 'yon?" sabi niya na para bang wala lang sa kanya ang salitang nabigkas niya. Na sa pandinig ko ay nakakagulat at nakakatakot. Napatayo ako at napaatras.

"Oh? Bakit?" kampanteng tanong niya pa.

"Diyan ka lang! Huwag kang lalapit!" sigaw ko.

Napahalukipkip naman ito at nanatiling nakaupo sa puwesto nito. Wala sa huwisyo akong napatakbo. Diyos ko! Hindi ito totoo! Takbo lang ako nang takbo sa masukal na lugar na ito kahit hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

"Bampira..." naibulong ko sa kawalan. Napailing ako.

"Hindi sila totoo Catherine! Praning lang si Mocha!" nasabi ko sa sarili ko.

"Sinong praning?" biglang litaw ni Mocha sa harapan ko kaya napatili ako at bumagsak sa damuhan.

Diyos ko! Ayaw ko pang mamatay! Naupo naman ito sa harapan ko.

"Pa-paanong..." hindi ko maituloy-tuloy na tanong sa kanya.

"Pa-paano nangyari na totoo kami? Ang teyorya at mga haka-haka patungkol sa amin ay totoo, Catherine. Pasalamat ka at mapili ako, ibig sabihin dugo ng hayop ang puntirya naming mga Class E. At ikaw? Tao ka, pero sa amoy mo kanina na sobra kung manuot, na kahit isang leyong maamo ay magwawala kapag naamoy ang isang gaya mo," paliwanag niya pa.

Napailing-iling ako at napagapang sa kung saan pero laking gulat ko nang bumungad siya ulit sa harapan ko kaya napatili na naman ako sa pagkabigla. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko.

"Nahihilo ako sa 'yo, hindi paman din ako sanay na magpapapalit-palit ng p'westo," nakanguso niya pang sabi.

Tinabig ko siya at napaatras ulit.

"P'wede ba!? Kung... Kung nagbibiro ka lang, bawiin mo na," nagkandautal kong sabi at pekeng napatawa ng kunti. Mataman din naman siyang napatigtig lang sa akin.

THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon