Huling Kabanata

36.1K 947 80
                                    

Huling Kabanata

*****

Pagsikat ng bukang-liwayway...

Sa pagmulat ng aking mga mata'y kanyang mukha agad ang aking nasilayan.

"Magandang umaga..." Bulong ko rito at isiniksik ang aking katawan sa kanya.

"Hmm..." Tanging ungol nito at nakapit pa rin ang mga mata.

Alam kong hindi siya tulog ngunit tila'y pinipilit nito ang umaktong normal. Napadilat naman siya bigla nang tumama sa kanyang mukha ang sikat ng araw. Bumaling ito sa akin at masuyong hinaplos ang aking pisngi.

"Gusto ka niyang makita." Kumunot ang aking noo.

"Sino?" Taka ko rin namang tanong.

"Si Mocha, naroon siya sa duyan." Napabangon ako dahil sa kanyang sinabi.

"Bakit hindi mo sinabi agad!" Nagkukumahog akong napababa ng kama. Narinig ko pa ang pinong pagtawa nito.

"Ano?" Tila inis ko pang tanong sa kanya.

Kumikit-balikat ito at lumapit sa akin. Siya na rin mismo ang naghubad ng aking bestida at gumiya sa akin papasok sa banyo.

"Nakakainis ka talaga minsan!" Padabog ko pang isinirado ang pinto.

Agad akong naglinis ng aking katawan. Kaya ako nagmamadali ay nais ko na rin siyang makita. Ilang araw din akong hindi nagpakita sa kanya at bilang isang kaibigan ay hindi mawawala sa akin ang matinding pag-aalala sa nararamdaman nito. Nang matapos ako'y agaran din naman akong lumabas ng banyo. Naabutan kong nagbabasa si Steffano ng libro. Pahapyaw lang niya akong sinulyapan at bumalik na sa pagbabasa. Napailing lang ako. Simula't sapol ay hindi ko talaga mabasa ang ugali niya. Kumuha na ako ng pamalit sa tukador at agad din namang nagbihis. Matapos ay lumapit ako sa harapan ng salamin at sinimulang ayusin ang buhok ko.

"Maganda ka pa rin kahit hindi ka mag-ayos." Wika nito kaya't napahinto ako sa pagsusuklay.

"Bolero!" Tipid na sagot ko at inilapag na ang suklay na hawak ko.

"Tara na." Gayak ko rito.

Agad din naman siyang tumayo at itinabi ang librong binabasa nito. Magkahawak-kamay kaming lumabas ng aking silid at bumaba ng hagdan, hanggang sa makalabas kami ng bahay. Napabuga pa ako ng hangin at bahagyang napasulyap kay Steffano. Tipid itong napangiti at kinabig ako. Tinungo namin ang maliit na hardin at ang duyan sa dulo nito.

"Catherine..." Ani Mocha nang makita ako.

Nagpalipat-lipat pa ito nang tingin sa aming dalawa ni Steffano.

"Maiwan na muna kita, mahal ko." Bulong ni Steffano sa akin at lumakad na palayo sa puwesto namin ni Mocha. Napatayo ito mula sa pagkakaupo sa duyan at napatakbong yumakap sa akin.

"Alam mo bang nangulila ako sa iyo ng husto." Aniya. Mahigpit rin akong napayakap sa kanya.

"Ako rin! Galit ka ba sa akin? Patawarin mo ako Mocha." Naluluha kong sambit.

Kinalas nito ang pagkakayakap sa akin at pinahiran ang aking mga luha sa mata.

"Masaya ako't buhay ka." Tanging matamis lamang na ngiti ang aking itinugon. Hinila naman niya ako para paupuin sa sementong upuan.

"Ayos ka lang ba talaga?"

Muling pang-uusisa nito.

"Maayos ako Mocha, masaya rin ako." Napabuntong-hininga naman ito.

THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon