TKITD-51

24.3K 726 33
                                    

TKITD-51

*****

Dumagan naman ito ng husto sa akin at isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg. Inayos ko pa ang kumot upang huwag siyang matamaan sa sikat ng araw.

"Nahihirapan ka na..." Anito.

Hinaplos ko ang buhok nito.

"Wala namang madali sa buhay ng isang tao, kahit kayo nga'y ganoon din. Ngunit simula ng mahalin kita'y natuto na akong maging matapang." Matapat kong sagot.

Bumuntong-hininga ito. Hindi ko man maaninag ng husto ang kanyang mukha ngunit ginawaran ko ito ng halik sa kanyang noo.

"Iyong pangako mong sasamahan mo ako sa bayan, huwag mong kalimutan." Paalala ko pa. Napatango ito at hinalikan ang aking leeg.

"Aalis ka na ba?" Naitanong ko. Umiling naman ito.

"Sasamahan kita..." Ikinagulat ko ang sinabi niya.

"Sigurado ka ba?" Napatango itong muli.

"Sige, magpapalit lang ako ng damit. Kukuha na rin ako ng pagkain sa kusina." Wika ko pa.
Lumabas ako sa loob ng kumot at bumababa ng kama. Lumapit ako sa bintana upang isarado ng kaunti ang mga kurtina. Inayos ko ito na parang hindi halata na sinadyang takpan.

Sinulyapan kong muli si Steffano na umayos na sa paghiga sa kama ngunit nakatalukbong pa rin. Napangiti ako at nagpalit na ng damit sa banyo. Nang makalabas ako'y naabutan ko ito na abala sa paglalaro ng mga holen at ewan ko lang kung saan niya ito nakuha. Pinapalutang niya ito at pinapagalaw gamit ang pagkamupas ng kanyang mga daliri. Ngunit ganoon pa man ay nakakatuwa siyang panoorin.

Lumapit na ako sa pinto, bago ako lumabas ay tinapunan ko ito ulit ng tingin. Hindi pa man ako nakakababa ng hagdan ay sumalubong na sa akin ang aking tiyahin na may dalang pagkain.

"Tiyang, ako na ho." Presinta ko pa.

"Ako na..." Humarang ako sa pinto.

"Ha? Ako na ho tiyang." Kumunot pa ang noo nito.

"Batang ito oh, ako na." Hindi ko na napigilan pa itong huwag pumasok sa kuwarto ko.

Nang makapasok kami'y wala na si Steffano sa kama ko, ngunit nasa ibabaw lamang ito ng aking tukador. Nakatayo pa man din sa tiyang malapit sa puwesto nito. Napatampal ako sa aking noo.

"Catherine, bakit?" Ani tiyang. Napatuwid ako ng tayo.

"Ho? Wala po tiyang, salamat po dito." Alanganin ko pang sagot at pilit na inaagaw ang atensyon nito huwag lamang mapalingon sa likuran niya.

"O siya, aalis na ako." Anito at lumabas na ng aking silid.

Ikinandado ko pa ang pinto dahil baka'y pumasok bigla ang tiyang, lalo na si Mama.

Napailing na lamang ako at akmang uupo ngunit bago pa man ako makaupo ay naunahan na ako ni Steffano. Nakakandong tuloy ako sa kanya ngunit hindi na ako nagreklamo pa. Naglalambing ito sa akin at gusto ko din namang makabawi sa kanya. Alam kong nagseselos pa rin ito kay Zairan at hindi ko naman iyon maiaalis sa kanya.

"Kumain ka na..." Aniya.

Isiniksik nito ang kanyang mukha sa aking leeg at ipinulupot ang kanyang mga bisig sa aking bewang. Napabuga ako ng hangin at nagsimula nang kumain.

"Hindi ka ba nagugutom?" Naitanong ko.

"Abala ang ulam ko..." Bulong nito.

Napalunok ako sa isinagot niya. Minadali kong tinapos ang aking agahan. Nagsisitayuan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi niyang iyon.

"Natatakot ka..." Nailing ako.

"Nagulat lamang ako." Sagot ko. Sinulyapan ko ito.

"K-kung gusto mo, puwede naman." Alok ko pa at hinawi ang hibla ng aking buhok na natatakip sa aking leeg.

Idinampi nito ang kanyang labi at tila nanuyo ang aking lalamunan dahil sa tindi ng aking kaba. Ramdam ko ang pag-awang ng bibig nito na para bang handa na itong kagatin ang aking leeg. Ngunit imbes na kagatin ito ay dinilaan niya lamang ito. Para tuloy akong nawalan ng lakas sa ginawa niyang iyon. Malutong itong napatawa ngunit mahina lamang. Inaasar niya lamang ako at talaga ngang naasar naman ako sa ginawa niya.

"Pilyo!" Inis kong sambit at inirapan siya.

"Gusto ko maglaro." Anito.

"Ha---ay!" Gulat kong sambit nang mabaliktad na lamang ako ng upo sa kandungan niya.

Kung kanina ay nakatalikod ako, ngayon naman ay talagang nakaharap na ako sa kanya.

"Anong laro?" Usisa ko.

"Domino..." Sagot niya sabay latag ng malapad na kahoy sa pagitan namin. Korte itong parisukat na talagang ginagamit para sa larong domino.

"Saan mo nakuha iyan?" Taka ko pang tanong.

"Dala ko kanina, regalo ko sa iyo." Simpleng sagot niya lang.

Pagkunot lamang ng aking noo ang tanging naisagot ko.

Binuksan naman niya ang kahon na naglalaman ng mga maliliit na bloke ng domino. Napaawang ang aking mga labi ng may maliit na itim na rosas itong kasama. Kinuha ko ito at inamoy.

"Salamat..." Wika ko.

Hindi ito umimik at ipinagpatuloy ang ginagawa niya.

"Mamili ka..." Utos niya pa sa akin. Kumikit-balikat lang ako at sinimulan na namin ang laro.

*****

Makalipas ang ilang oras na paglalaro namin ay umayaw na ako. Lagi niya kasing nahuhulaan ang mga galaw na ititira ko kaya lagi akong talo.

"Tumira ka na." Utos niya pa. Napairap ako at inalis iyong kahoy na nakalatag sa pagitan namin. Inilapag ko ito sa lamesang maliit.

"Ayoko! Dinadaya mo ako!" Maktol ko.

Bigla niya naman akong kinabig ng husto kaya halos magkadikit na ang mga katawan namin.

"Kailan ka magpapagupit?" Naitanong ko bigla habang ginugulo ang kanyang buhok na may kahabaan na't hanggang leeg na ito.

"Kapag naikasal tayo." Simpleng sagot lamang nito at aminado akong kinilig sa sinabi niya.

"Talaga?" Paniniguro ko pa.

"Hmm..." Simpleng tugon niyang muli.

Napasinghap na lamang ako sa sunod niyang ginawa. Dinampian niya ng halik ang aking dibdib. Alam ko, uhaw na uhaw siya sa akin ngunit pinipigilan niya lang na masaktan ako.

"Nagugutom ka?" Tanong ko pa.
"Hindi..." Tipid niya lang na sagot.

"Anong gusto mong gawin?" Tila napapaisip pa ito kung ano nga ba talaga.

"Makasama ka..." Napanguso ako at ipinulupot ang aking mga braso sa kanyang batok.

"Gusto kong gumala sa dati naming tinitirhan." Wika ko.

"Kapag maayos na ang lahat, dadalhin kita sa lahat ng lugar na gusto mo." Napangiti ako ngunit sumagi sa isip ko iyong naitanong ni Mocha sa akin, kung sino talaga si Steffano.

"Maari ko bang malaman ang totoo mong pangalan?" Lakas-loob kong tanong.

Nag-aalangan man ngunit kailangan ko pa ring malaman ang buo niyang pagkatao.

"Sa darating na kaarawan mo'y malalaman mo ang sagot sa lahat ng katanungan mo." Nahilig ako sa dibdib nito.

"Bakit kailangan pang itaon sa kaarawan ko." May panghihinampo ko pang tanong.

Hindi ito umimik bagkus ay niyakap lamang ako. Napahikab pa ako dahil pakiramdam ko'y hinahatak na ako ng antok.

"Te amo..." Narinig kong sambit nito bago ako tuluyang makatulog.


THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon