TKITD-31
*****
Bawat galaw nito'y hindi ko mahulaan. Walang pasabi niya akong kinarga at inilublub sa maligamgam na tubig na kanyang inihanda. Agad din naman itong sumunod sakin at pareho na kaming hubad. Napaigtad pa ako nang maipulupot niya ang kanyang kanang braso sakin at isinandal ang aking katawan sa matipuno nitong dibdib. Sa pamamagitan ng kanyang braso ay bahagyang natatakpan ang aking kahubadan. Siguro ay nangangamatis na ang aking mukha dahil sa mga ginagawa niya. Napalunok ako.
"Pinunit mo na naman ang aking damit. Pasalamat ka't madami ako niyan." Wika ko pa.
"May dinadamdam ka..." Anito sa halip na sagutin ako.
Biglang pumasok sa utak ko ang larawang nakita ko sa unibersidad.
"Isa akong alay..."
Napaluha ako. Hindi ko maaatim na maging isang alay nang kung sino. Muli nitong ipinulupot sakin ang isa pa niyang braso at marahang ipinatong ang kanyang baba sa aking kanang balikat.
"Iyan ba ang dahilan kung bakit matamlay ka gayong wala namang basehan ang mga larawang nakita mo." Anito.
Bahagya akong pumaling sa kanya.
"Paano mo nalaman iyon?" Gulat ko pang tanong. Pumasok din sa utak ko ang eksenang nangyari sakin sa silid-aklatan. Totoong may lagusan ang pader na iyon.
"Wala kang maililihim sa'kin. Lagi akong nakabantay sa'yo kahit hindi mo man ako nakikita."
Napangiti ako. Kinakabahan man at natatakot ngunit pinapagaan niya ang aking kalooban.
"Paano ako hindi kakabahan. Iyon ang nakikita ko sa panaghinip ko. Inaalay ako sa isang nilalang at wala man lang akong alam kung sino at kung bakit." Dipensa ko. Hinagkan nito ang aking leeg dahilan para manlumo ang aking katawan.
"Magtiwala ka sa'kin Catherine." Aniya at pinunasan ang butil ng luha sa aking pisngi.
Bahagya akong tumagilid. Kay gandang lalaki talaga nito at hindi ko maitatanggi na wala akong pagnanasa sa kanya. Hinawakan ko ang mukha nito at pinagdikit ang aming mga noo."Mahal kita..." Mahina kong sambit.
Hinagkan ko siya sa noo, sa mga mata nito, sa magkabila niyang pisngi, sa tungki ng kanyang ilong at sa kanyang labi. Walang pag-aalinlangan ko namang kinuha ang kamay nito at sinugatan ang palad ko gamit ang kuko niya. Nagsalubong ang dalawang kilay nito at agad akong pinaiwas sa kanya ngunit mabilis kong nilapat ang kamay ko sa labi nito. Kumalat ang dugo ko sa bibig niya at agad din namang nagbago ang kulay ng kanyang mga mata.
"Catherine..." Tutol nito.
Ngiti lang ang itinugon ko. Agad din naman niya akong hinapit sa baywang ko at hinawakan ang kamay ko. Maingat niyang sinipsip ang dugo ko at pinipigilang maging marupok. Nakakatuwa siyang panoorin habang abala sa pagdila sa kamay ko. Nang tumigil na ang pagdurugo ng kamay ko ay parang nabitin pa ito. Walang pasubali nito akong hinila at niyakap.
Halos dalawang oras niya akong yakap hanggang sa umalis na ito. Ilang minuto din ang itinagal ko bago ako umahon at nagbihis. Pinulot ko ang punit kong uniporme at inilagay sa kahon. Itinabi ko ito sa ilalim ng kama ko at pumanaog na. May sigla sa mukha ko nang tumungo sa kusina upang makapaghapunan.
Naabutan ko ang aking tiyahin na nagliligpit na ng mga pinagkainan. Tumigil ito sa ginagawa niya at bumaling sakin. Lumapit ito agad at niyakap ako.
"Akala ko'y may kung ano na ang nangyari sa'yo." Hinagod ko ang likod nito.
"Tiyang maayos po ako." Wika ko.
"Halika at nang makakain ka na." Gayak nito sakin at pinaupo na ako.
Mukhang nasa kuwarto na ang Mama. Napangiti ako sa pagkaing nasa harapan ko. Isang menudo at may kasama pa na panghimagas, minatamis na mangga.
"Tiyang sabayan niyo po ako." Alok ko.
"Nako Catherine busog pa ako. Mas gusto ko ay ang panoorin ka na lamang." Kumikit-balikat nalang ako at simulan nang kumain.
"Tiyang, matatagalan ho ako sa pag-uwi bukas ng gabi." Pagpapaalam ko pa.
"Bakit Catherine?" Tila nag-aalala ito ng husto. Ginagap ko ang kamay niya.
"May aktibidad lang na magaganap sa unibersidad. Huwag ho kayong mag-alala." Nakangiti kong saad.
"Hindi ko mapigilan ang mag-alala sapagka't alam mo namang kakaiba ang lugar na ito." Binitawan ko ang hawak kong kubiyertos.
"Magtiwala ho kayo sakin, Tiyang." Nakangiti kong sabi. Tipid itong ngumiti at hinaplos ang kamay ko.
"Kumain ka na at ako'y maghuhugas pa ng mga pinggan." Anito.
Tumango lang ako at kumain na.
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
VampireSeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...