TKITD-40
*****
Inuwi ako ni Steffano sa bahay at agad din naman itong umalis. Wari'y mailap ito sa akin at wala pa akong ideya kung bakit. Pinilig ko na lamang ang aking ulo at nagpalit na ng damit. Pumanaog ako at tinungo ang kusina.
"Maupo ka na Catherine." Gayak ni tiyang sa akin.
Naupo naman na ako at pinagmasdan lang ang ginagawa ng aking tiyahin habang inihahanda ang aming hapunan.
"Tiyang..." Tawag ko rito dahilan para mapatigil ito saglit sa kanyang ginagawa.
"Bakit Catherine?" Anito.
"Gusto ko ho sana kayong makausap mamaya sa aking silid. Importante lang ho." Ani ko.
Napatango ito at ngumiti sa akin. Tipid lang din naman akong tinugunan siya ng ngiti.
"Catherine..." Bungad ni Mama sa amin at naupo na sa tabi ko.
"Po?" Kumuha ito ng tinapay at inilagay sa plato nito.
"Lumiban ka sa klase kanina at nauwi ng maaga nang 'di namin namalayan. Anong dahilan?" Anito. Mariin kong kinagat ang aking labi.
"Masama lang ho ang aking pakiramdam, Mama." Sagot ko at kumain na.
Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil alam kong mahahalata nito ang pagsisinungaling ko.
Minadali ko agad na tinapos ang aking hapunan at nagpaalam na sa mga ito. Tango lang ang natanggap ko kay Mama at isang panakaw naman na ngiti ang kay tiyang.
Nang makapagpaalam ako'y agaran din naman ako pumanhik sa aking kuwarto. Muli akong nagpalit ng aking damit na pantulog at naupo sa aking kama. Banayad ko ding sinuklay ang aking buhok upang hindi ito masiyadong magulo. Napasulyap ako sa antigong orasan. Mukhang papanhik na dito ang aking tiyahin anumang oras. Inilapag ko ang hawak kong suklay. Napabaling naman ako sa aking pinto dahil umawang ito dahil may pumihit sa siradora.
Iniluwa ng pinto ang aking tiyahin ng tuluyang lumuwag ang pagkakaawang ng pinto. Nang makapasok ito'y agad din naman nitong isinirado ang pinto at lumapit sa akin. Marahan itong naupo sa tabi ko at masuyong hinaplos ang aking kamay.
"Anong problema?" Anito. Napabuntong-hininga ako.
"Paano niyo nalaman ang hardin na iyon?" Taka kong tanong.
"Naikuwento lamang iyon ng alaga kong si Cedrick noon bago ito..." Napatigil ito at nangingilid ang mga luha nito sa mata. Kung ganoon ay taga rito nga si Cedrick.
"Ano ho ang nangyari sa kanya?" Tuluyang bumagsak ang mga luha ng aking tiyahin.
"Hindi ko alam Catherine. Bigla na lamang nilang ibinalita sa akin na wala na ang alaga kong si Cedrick. Wala akong ideya kung ano ang nangyari sa kanya." Anito. Napahagulhol ito.
Niyakap ko ito at hinagod ang kanyang likod. Mukhang masakit pa sa kanyang alaala ang pagkawala ni Cedrick.
Malinaw na sa akin ngayon kung sino si Cedrick at isa siyang Zoldic. Ngayon ay si Ren na naman ang hahanapin ko at ang nilalang na pag-aalayan ko ng aking buhay. Kumalas ako sa yakap ko kay tiyang.
"Tiyang, lulubusin ko na ang pagtatanong ko sa inyo. Sino ba si Ren? Labis nitong ginugulo ang aking isipan. Pinagkakamalan nila akong si Ren porke't nakatira ako dito." Halata sa mukha nito ang pagkagulat.
"Hindi ko siya kilala Catherine." Tipid nitong sagot.
"Pero tiyang---" Napatayo na ito na ikinatigil ng sasabihin ko.
"Hindi ko talaga siya kilala Catherine kaya huwag mo na akong tanungin pa tungkol diyan." Anito at walang paalam na lumisan sa aking kuwarto.
Nais kong magtaka sa biglaang ikinilos ng aking tiyahin. Hindi nga ba niya kilala si Ren o sadyang ayaw lamang nitong pag-usapan ang tungkol sa babaeng iyon. Napahugot ako ng malalim na hininga. Pasasaan ba't malalaman ko rin ang totoo.
*****
Sa pagsibol ng bukang liway-liway ay masigla ang aking gising. Maraming mang nangyari sa akin kahapon ngunit mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang aking kasalukuyan. Bumaba na ako sa aking kama at agad na inayos ang aking sarili. Akmang lalabas na sana ako ng aking kuwarto ngunit hayan na naman ang ugong ng isang kadenang kinakaladkad. Nagsitayuan ang aking mga balahibo sa katawan at napaangat ng tingin sa kisame. Ngayon ko lang ulit narinig ang ugong ng kadena at hindi ko na iyon ikinagulat pa. Nakakatakot lang isipin na ako lang ang nakakarinig ng tunog na iyon. Napagpasyahan ko ng lumabas ng tuluyan sa aking kuwarto ngunit laking gulat ko ng mas lalong lumakas sa aking pandinig ang ugong ng kadena. Napatakip ako ng aking tainga. Masakit sa pandinig ang pabalik-balik na pagkaladkad nito. Sumasagitsit ito na 'di ko mawari. Napaluhod na ako sa sobrang sakit nito sa aking tainga. Nangingilid na din ang aking mga luha sa aking mga mata. Nagimbal ako sa nakita kong halusinasyon sa aking isipan. Puno ng kadena ang inaapakan ko, buong sulok ng bahay ay puno ng kadena.
"...aah!" Daing ko.
"Catherine!" Narinig ko pang tawag sa akin ngunit wala akong makita kundi ang mga kadena lamang.
"Catherine!" Naibalik ako sa aking katinuan ng masampal nito ako ng kay lakas.
Bumungad sa akin ang mukha ni Mama. Agad akong napayakap sa kanya at napahagulhol.
"Anong nangyari?" Tanong nito.
Umiling-iling ako. Hinagod nito ang aking likod na ikinagaan din naman ng aking pakiramdam. Hindi man agaran ngunit nakatulong pa din ito sa akin.
"Lumiban ka muna sa klase Catherine." Anito. Umiling ako.
"Papasok po ako." Tipid kong sagot at pinahiran ang aking mga luha. Pinakalma ko ang aking sarili at kumalas ng yakap rito.
"Sigurado ka ba?" Napatango ako at tumayo na.
Inalalayan ko din ang Mama na makatayo at sabay na kaming pumanaog.
"Nely, maaari bang ihatid mo si Catherine sa iskwelahan." Pakiusap ni Mama sa aking tiyahin. Tumango naman ito at inakay ako.
"Anong nangyari?" Ani Tiyang Nely.
"Wala ho tiyang." Tipid kong sagot.
Natatakot ako ng sobra ngunit pinairal ko ang maging matatag.
"Tiyang, sa sasakyan na ho ako kakain. Ipagbalot niyo na lamang ho ako ng makakain ko." Ani ko at lumabas ng bahay. Diretso ako agad sa loob ng sasakyan.
"Maayos lang ho ba kayo, Binibini?" Ani ng taga pagmaneho ng Mama.
Napatango ako at lihim na napakuyom ng aking kamao. Gusto kong sabihing hindi ngunit natatakot ako. Baka ikapahamak ko. Dumungaw ako sa bintana at tinanaw ang aking silid. Laking pagkamangha ko ng may mahulog na rosas. Hindi ko siya nakita ngunit alam kong siya ang naghulog niyon. Agad akong lumabas ng sasakyan at lumapit sa puwesto na pinaghulugan ng rosas. Pinulot ko ito at binasa ang nakasukbit na maliit na papel sa tangkay nito.
~
Mahal kita Catherine~
Napangiti ako at inamoy ang itim na rosas. Bumalik akong muli sa sasakyan ngunit nanatili pa muna ako sa labas.
"Saan niyo ho nakuha iyan!?" Ani Mang Isko.
"Ito ho ba?" Tukoy ko pa sa hawak kong rosas.
Napatango ito at agad na napalabas ng sasakyan. Bigla na lamang itong lumuhod at yumuko sa harapan ko.
"Ipagpatawad niyo ho ang aking kalapastanganan sa pakikitungo ko sa inyo ng walang galang." Anito na ikinakunot ng aking noo.
"Catherine..." Ani Tiyang Nely.
Bahagya itong napatingin sa hawak ko at agad din namang napasunod sa pagluhod at pagyuko na ikinagulat ko.
"Tiyang! Tumayo ho kayo." Awat ko pa sa mga ito. Napatayo naman silang dalawa ngunit nanatili pa din ang pagkayuko.
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
VampireSeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...