TKITD-29

28.6K 785 33
                                    


#CediErine

OST: Just a kiss by Lady Antebellum and Eternal love by Michael Learns To Rock


"Catherine ginagamit mo pa ba ang iyong pabango?" tanong nito nang makaupo na kami.

"Oo naman. Bakit Mocha? Wala na bang epekto?" sagot ko na may halong kaba sa aking dibdib. Napailing ito ng kunti.

"Kakaiba lang ang iyong amoy, halimuyak ng rosas ang naaamoy ko sa 'yo," paliwanag naman nito. Nakahinga ako ng maluwag. Ang akala ko ay amoy ulam pa rin ako.

"Baka dahil sa pabango," sabi ko pa.

"Siguro nga," aniya.

Muli na nitong ipinagpatuloy ang pagbabasa. Napatungo ako sa mesa. Nagtataka ako kung bakit wala talaga akong maalala. Nagtataka rin ako kung paano napunta si Steffano doon. Hindi ko rin mapagtanto kung bakit may lihim na kuwarto sa silid-aklatan.

Para na akong mababaliw sa kakaisip kung paano nagagawa ni Steffano ang mga ganoong bagay.

"Ika-dalawang yugto ng pasulit. Maghanda para rito." Napaangat ako nang tingin at nagulat sa narinig ko mula sa aming guro.

"Mocha ano 'to!?" kinakabahan kong baling rito.

"Kung may ikalawa pa, ibig sabihin hanggang lima ang pasulit na ito," tila gulat din nitong sambit. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Nagbibiro ka lang, 'di ba!?" Ibig kong lumubog sa kinauupuan ko.

Ang akala ko ay 'yon na ang una at huli. Ngayon ay may pangalawang pasulit pa na maaring umabot hanggang lima.

"Kung tama ang hinala ko. Maaring may nakakaalam na ng katauhan mo Catherine," ani Zairan habang nakatayo sa likuran namin. Natigilan ako sa narinig ko.

"Imposible!" hindi mapigilang sambit ni Mocha, dahilan para mapagawi sa amin ang atensyon ng aming mga kaklase.

"May problema ba?" tanong ng aming guro.

Napalunok ako sa sobrang kaba. Kumalma ang mukha ni Mocha at sinalubong nang tingin ang aming guro.

"Masiyado lamang matindi ang aking pagnanasang malaman ang ika-dalawang pagsusulit," ani Mocha.

Patigasan sila nang pagtitig sa isa't isa at hindi ko na gusto ang nangyayari. Pasimpleng ngumiti ang aming guro.

"Leron-Leron Sinta sa ilalim ng kabilugan ng buwan ang ika-dalawang pagsusulit," sagot nito at bumalik na sa unahan.

Walang pasabi naman akong hinila ni Mocha palabas ng silid. Nakasunod lang din naman si Zairan sa aming dalawa. Hindi ko magawang kumibo man lang dahil sa sobrang pagkabahala. Napapaisip ako sa sinabing iyon ni Zairan. Posible nga kayang may nakakaalam sa tunay kong katauhan. Ngunit sino ang nilalang na iyon?

Nabalik ako sa aking kaisipan ng bigla na lang sinipa ni Mocha ang pinto. Dinala niya ako sa isang kuwarto na punong-puno ng mga naipintang larawan. Nilibot ko ang aking paningin sa buong kuwarto. Napakunot ako ng aking noo nang mapatingin ako sa isang larawan. Napapaawang rin ang aking bibig dahil sa tindi ng pagkagulat.

Ang nasa larawang naipinta ay isang babaeng nakahiga sa dayami at nasa isang hardin. Mala paraiso ang hardin kung iyong ilalarawan. Ngunit hindi iyan ang mas lalong pumukaw sa aking atensyon. Sa karugtong nitong larawan ay ganoon pa rin ngunit sa kabilugan ng buwan ay magaganap ang isang kahindik-hindik na pangyayari. Naliligo sa sariling dugo ang babaeng nakahiga sa dayami. Warak ang dibdib nito na tila parang inialay ang puso nito sa makapangyarihang nilalang. Namamanhid ang buo kong katawan. Ganito ang nasa panaginip ko. Hindi man ditalyado ngunit alam kong ito iyon, base na rin sa nakapintang larawan na ito.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sobrang takot. Isa akong alay ngunit para kanino ang pagbubuwis ko ng buhay. Napaiyak ako sa sobrang pagkagulo ng aking utak. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Paano si Steffano. Paano siya?

"Catherine! Magiging ligtas ka," ani Mocha habang hawak ang aking mukha at niyakap ako.

Napapikit ako ng mariin. Kung magiging duwag ako, hindi ko malalaman kung sino ang pag-aalayan ko ng buhay. Ngunit bago ko alamin iyon ay kailangang harapin ko muna ang mga pagsusulit na ito. Kumalas ako nang yakap kay Mocha at pinahiran ang aking luha.

"Ano ba ang larong iyan?" pang-uusisa ko.

Tinanguan ni Mocha si Zairan. Wari ay pinapahintulutan niya itong magpaliwanag. Kahit hindi na sila magkasundo ay may saya pa rin dito sa aking puso. Dahil sa akin maaring maibalik ko ang pagkakaibigan nilang dalawa. Lumapit nang kunti si Zairan sa amin.

"Ang ginawa nating taguan at ang lima pang pagsusulit ay hindi isang normal o nakagawian naming mga bampira. Pagsusulit iyon sa mga bampira na puwedeng ipadala sa mundo mo Catherine," panimula nito.

"Pero bakit?" Sumeryoso ang anyo nilang dalawa.

"Base nga sa kutob ko. Maaring may nakakaalam na narito ka at pilit kang inilalagay sa kapahamakan," ani Zairan.

"Imposible 'yon Zairan! Alam mo kung gaano ako kaingat kay Catherine." Tila nagpupuyos na ng galit si Mocha kaya napaatras ako ng kunti.

"Kung ganoon bakit ganito? Isang laro lang dapat ang gagawin bawat taon!" segunda rin naman ni Zairan at parang nakakabali ng buto ang pagkakakuyom ng mga palad nito.

"Kalma nga puwede!? Sa inyong dalawa ako matatakot e!" inis kong singit sa mga ito.

"Ano nga ba ang larong 'yon sa inyo?" puno ng kuryusidad kong tanong.

Sana naman ay hindi mahirap gaya ng nauna naming pagsusulit.

THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon