TKITD-3

38.9K 1.2K 17
                                    

TKITD-3

KINAUMAGAHAN ay maaga pa sa tilaok ng manok kami umalis ng bahay. Tanging mga importanteng gamit lang ang dala namin. Sumakay muna kami ng Jeep bago nakarating sa pantalan kung saan sasakay kami ulit ng bangka.

"Dating gawi," matipid na utos ng tiyahin ko at agad kaming sumakay sa bangka.

Ang nakapagtataka lang ay kami lang dalawa ni tiyang ang pasahero sa bangkang sinakyan namin. Iyong iba ay hindi sumabay sa amin at maghihintay na lamang daw ng susunod na biyahe gayong kay laki pa nang espasyo ng bangka. Nagtataka man ngunit nanatili akong walang imik sa mga nangyayari sa paligid ko.

"Matulog ka muna," nakangiti pang ani ng tiyahin ko.

Napatango lang ako at pumuwesto na nang upo para makatulog ako. Ang lamig pa naman ng simoy ng hangin, kakabagin pa yata ako nito mamaya.

NAALIMPUNGATAN ako sa mahinang tapik ng tiyahin ko sa braso ko. Agad akong napaayos nang upo. Mataman akong nagmasid sa paligid ko. Kakaiba ang nakikita ko. Dumadaan na kami sa ilog at sobrang linaw pa ng tubig. Ang pagkakaalala ko ay nasa dagat kami bumabaybay.

"Tiyang? Sigurado ho ba kayong hindi tayo naliligaw?" tanong ko pa.

"Oo naman. Nandito na tayo," sagot niya pa at agad nahinto ang bangka.

Inalalayan pa akong bumaba ng bangkero sa bangka niya. Napayakap ako sa sarili ko. Masiyado kasing malamig. Hinawakan naman ni tiyang ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad. Wala pang isang metro ang nilakad namin ay bumungad na sa akin ang napakalaking pader. Bigla ding bumukas ang tarangkahan at bumungad sa amin ang anim na lalaki at isa-isang yumukod nang mapadaan kami. Ano ito? Parang sa pelikula ko lang napapanood ang ganitong eksena. Magtatanong na sana ako pero bumungad naman sa amin ang may edad na babae. Maganda pa rin siya kahit bakas sa mukha nito ang katandaan. Niyakap naman niya ako na siyang ikinabigla ko.

"Ito na ba siya?" malumanay na tanong nito at pumaling nang tingin sa tiyahin ko. Yumukod naman si tiyang.

"Siya na po," sagot ni tiyang.

Ang gulo lang nila. Masiyadong pormal at seryoso ata si tiyang ngayon. Nginitian lang ako ng may edad na babae at kinayag na ako. Nag-aalangan pa akong magpahila rito pero nginitian ako ng tiyahin ko kaya nagpatianod na lang ako. Ang laki ng bahay nila, kaya ko kayang linisan ito?

Itinuro na niya sa akin ang magiging kuwarto ko.

"Sigurado po kayong dito?" paninigurado ko.

Malaki ang kuwarto ko. May malaking kama, mga muwebles na mamahalin. May maliit din na sala at nakahelerang mga libro sa gilid nito.

"Oo naman," masaya niyang wika.

Seryoso ba siya?

"Nely, pag-usapan natin ang mga dapat gagawin mo," aniya at humarap ulit sa akin.

"Ako nga pala si Ginang Zoldic." Pakilala niya kaya napayukod ako agad.

Ang tanga! Siya pala ang amo ng tiyang ko.

"Pakiusap, huwag mo na sanang ulitin 'yan. Huwag na huwag." Bakas sa mukha nito ang matinding takot at biglaang pag-alis nito sa harapan namin. Nagsalubong ang kilay ko.

"Tiyang–" Napatigil ako sa senyas ng aking tiyahin.

"Ako na ang bahala, magpahinga ka na," sabi pa niya at kinabig na ang pinto pasarado.

Naiwan akong lutang ang utak at napapaisip. Nagkibit-balikat na lang ako at sinimulan ng ayusin ang mga gamit ko. Nasa ikalawang palapag ang kuwarto kong ito. Hindi man lang sinabi ni tiyang kung tabi ba kami o may sarili rin ba siyang kuwarto na kagaya nito. Nagtataka pa rin ako kung bakit ganitong kuwarto ang ibinigay sa akin, samantalang isang hamak na utusan lang naman ako dito. Binuksan ko ang isang antigong kabinet. Tumambad sa harap ko ang nakahelerang mga damit na puro diretso lang at hanggang tuhod ko lang ito kung susukatin ko. Uso pa rin pala ang bestida sa lugar na 'to. May nakasabit pang maliit na papel sa damit. Nakasulat dito na para sa akin ang lahat ng ito. Kasama na ang mga pares ng sapatos, mga alahas at bagong uniporme.

"Akin 'to lahat?" manghang sambit ko pa.

"Sa 'yo iyan lahat Catherine kaya maari bang isuot mo 'yan lagi," biglaang saad ng tiyahin ko sa likuran ko.

Nakadamit na ito ng pangkasambahay. Napasimangot ako at sinipat ng mabuti ang unipormeng nasa kabinet ko. Kinuha ko at ito at pinakita kay tiyang.

"Iba ho ang uniporme natin?" taka kong tanong.

Marahan namang napatawa ang tiyahin ko at kinuha 'yong hawak ko.

"Uniporme mo ito sa eskwelahan Catherine. Mag-aaral ka na ng kolehiyo," pagpapaliwanag niya.

Nagulat ako sa narinig ko.

"Po? Pero paano po ang trabaho ko?" tanong ko pa.

Marahan naman hinaplos ni tiyang ang buhok ko.

"Sabihin na nating mabait sila para tulungan tayo," sabi niya pa. Umiling-iling ako.

"Pero–"

"Huwag ng maraming tanong," singit pa ni tiyang sa sasabihin ko.

Napabuga na lang ako ng hangin. Ang bait naman ng amo namin. Nagkibit-balikat na lang ako at tinulungan ni tiyang na mag-ayos ng gamit ko.

THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon