"Kagaya iyon sa larong pambata ninyo Catherine ngunit mas ginawa itong kakaiba dito sa lugar namin. Bukas ng umaga dadalhin nila tayo sa isang liblib na lugar. Sa lugar na iyon ay may dalawang bangin na kung saan nagdudugtong lamang gamit ang napakaraming tulay." Napalunok ako at pinagpawisan ng husto sa ipinaliwanag niya.
"Tatawid?" tanong ko pa. Napatango naman silang dalawa. Nakahinga ako ng maluwag.
"Iyon lang pala," tila kampante ko pang sagot pero tila mali yata ang nasabi ko dahil wala silang imik. Napangiwi ako at kinabahang muli.
"Maraming tulay ngunit isa lang ang totoo, ang ibang tulay ay ilusiyon," ani Zairan.
Napanganga ako sa narinig ko. Nanlulumo akong umupo sa sahig. Napakabobo ko pa naman sa hulaan.
"Sa kanta ng Leron-Leron Sinta, ikaw ang bunga at ang tulay ang magiging buslo mo. Kapag nabali ang sanga o nalinlang ka ng tulay? Tapos ang kapalaran o tapos ang buhay mo," ani Zairan.
"Zairan labas!" utos ni Mocha.
Malungkot na tingin ang ipinukol sa 'kin ni Zairan bago ito tuluyang lumabas. Hindi ko na napigilan ang mapaiyak. Ano ba itong pinasok ko. Bukod sa nalaman ko na ang tungkol sa panaginip ko, may mas malala pa pala.
"Gagawin ko ang lahat mailigtas ka lang Catherine," paniniguro ni Mocha sa akin habang hawak ang magkabila kong braso.
Tango lang ang naitugon ko. Parang ayaw pa rin tanggapin ng utak ko ang mga mangyayari. Malalagay na naman ako sa kapahamakan. Papaano kung hindi ako makaligtas sa pagsusulit na iyon?
Muli akong napatitig sa larawang nakapinta. Ito nga ba talaga ang tadhana ko, ang maging isang alay nang kung sinong 'di kilalang nilalang. Paano ko malalampasan ang mga ito.
Matapos ang tagpong nangyari kanina ay wala na naman ako sa sarili ko nang lumakad ako pauwi ng magdapit hapon na. Ni hindi alam ni Mocha na umuwi na ako. Lutang ang aking utak at 'di malaman kung ano ang nararapat gawin. Mapapasubo na naman ako sa kapahamakan bukas ng gabi. Paano kung hindi nila ako mailigtas? Paano kung wala si Steffano para iligtas ako? Puro katanungan ang nasa utak ko.
Napayakap ako sa aking sarili nang dumampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Bahagya ko ring inayos ang aking buhok dahil nagulo ito nang liparin ng hangin. Napatingala ako sa kalangitan. Sumisilip na ang mga bituin ngunit nagkukubli pa rin ang buwan sa likod ng mga ulap. Wari'y nakikipagtaguan ito kung iyong pagmamasdan. Humugot ako ng malalim na hininga at lumakad ng muli.
Sa 'di kalayuan ay tanaw ko na ang volkswagen na sasakyan ni Mama. May kalumaan na ito ngunit maganda pa rin at parang inaalagaan ng mabuti. Huminto ito sa harapan ko at bumakas ang pinto. Tipid akong ngumiti sa tsuper at sumakay na sa likod. Nang maisirado ko na ang pinto ay agad kong isinandal ang aking kanang braso at itinukod ang aking baba rito.
"May problema po ba?" anito.
"Wala naman ho, pagod lang," ani ko pa.
Hindi na ito umimik at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Nakakatuwa dahil kinakausap na nito ako gayong dati rati ay wala itong imik at nakamasid lang.
Nang makarating kami sa bahay ay agad akong dumiretso sa kuwarto ko. Matamlay ang aking pakiramdam at para bang wala akong gana. Kumuha ako ng maliit na papel at pandikit. Idinikit ko ito sa labas ng pinto ko ang salitang ayaw ko ng istorbo.
Matapos kong idikit iyon ay buong puwersa kong ibinagsak ang katawan ko sa aking malambot na kama habang ako'y nakadapa. Pinikit ko ang aking mga mata. Pakiradam ko'y napakarami kong ginawa ngayong araw gayong ang totoo ay wala naman. Nerbiyos, takot at matinding kaba lang ang bumalot sa akin kanina ngunit parang kay bigat ng aking pakiramdam. Puno ng agam-agam ang aking utak. Gusto kong maiyak sa mga nangyayari sa akin ngunit napagtanto ko rin naman na walang maidudulot na maganda kung iiyak lamang ako. Napahugot ako ng malalim na hininga. Biglaan din naman akong natigilan dahil sa malakas na hangin ang pumasok sa kuwarto ko. Didilat na sana ako ngunit napaurong ako. Nanlumo ang buo kong katawan ng dumantay ang mga daliri nito sa hita ko.
"Steffano..." mahina kong usal at napabangon.
Laking tuwa ko nang masilayan ko siya. Malawak akong napangiti. Walang imik ito ngunit kalmado naman ang kanyang anyo. Lumapit ito ng husto sa akin at marahang hinaplos ang aking pisngi. Napapikit ako. Malamig man ang kamay nito ngunit sapat na ang init ng aking katawan upang labanan ito.
"May dinaramdam ka..." anito ngunit hindi patanong ang pagbigkas nito.
Mukhang alam na alam niya ang nangyayari sa akin. May maitatago pa ba ako rito, sa tingin ko ay wala na. Hinawakan ko ang kamay nitong nakalapat sa pisngi ko.
"Maayos ako," wika ko.
Hindi ito umimik bagkus ay kinarga nito ako at dinala sa aking banyo.
"Anong ginagawa mo?" tila taka ko pang tanong ngunit wala akong nakuhang sagot.
Napasinghap na lamang ako ng punitin nito ang aking uniporme. Napapaawang pa ang aking bibig dahil sa gulat. Pati ang aking pang-ibabaw na kasuotan ay napunit din at tanging ang aking pang-ibaba na lamang ang natira. Para akong napipi dahil hindi ko man lang nagawang umimik. Kay laki talaga ng epektong dulot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
VampirosSeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...