TKITD-24~

25K 822 12
                                    

Sa isang kisap lang ng aking mga mata ay narating namin ang tagong hardin. Ibinaba ako nito at parang hinang-hina na ito dahil pasuray-suray na ito kung maglakad. Tinungo nito ang ilog at inilublob ang sarili sa tubig. Pinilit kong tumayo upang sundan ito.

"Steffano..." mahinang usal ko.

Halos gumapang na ako masundan lang ito. Inilublob ko din ang aking sarili sa tubig at sinisid si Steffano ngunit wala akong makita dahil napakadilim sa ilalim ng tubig. Napaangat akong muli at ganoon na lamang ang aking pangamba nang makita ko siyang nakadapa sa kabilang pampang. Agad akong lumangoy palapit dito.

"Steffano..." mahinang pukaw ko rito habang napapahawak sa braso nito.

Bigla na lamang nito akong sinakal ngunit hindi ako natinag kahit aminado akong 'di makahinga ng maayos. Kay tulis ng mga kuko nito. Nangagalit din ang mga ngipin nito, lalo na ang pangil nito. Ang mga mata nitong kay pula, na para bang may halimaw na nakakubli rito.

Masuyo kong hinaplos ang mukha nito. Bahagyang lumuwag ang kamay nitong nakasakal sa akin at pinagdikit ang aming mga noo. Damang-dama ko ang paghihirap nitong pigilin ang ninanais nitong mainom ang aking dugo. Bahagya na itong kumalma dahil sa normal na ang paghinga nito.

Ginagap nito ang kamay ko at masuyo na naman nitong isinubo ang aking mga daliri. Iniingatan niyang huwag masugatan ito. Pero sa 'di inaasahan ay wala sa loob na inialis ko ang aking kamay at sumagi ito sa pangil niya, dahilan upang masugatan ito at magdurugo. Nagtagis ang mga bagang nito.

"Hindi ko sinasadya..." kinakabahan kong paliwanag.

Napaangil ito at agad na lumayo sa akin. Pero bago paman ito makalayo ay lakas loob ko siyang kinabig sa batok nito at hinalikan nang mariin. Mahal ko siya! Katangahan man ito kung maituturing ngunit wala na akong pakialam pa.

Buong puso ko siyang ginawaran nang mapupusok na halik. Gumaganti na rin ito sa akin ng buong pag-iingat. Gumapang ang mga halik nito sa leeg ko. Napunit rin niya ang aking suot na uniporme ng wala man lang kay hirap.

"...aah..." daing ko nang gumapang ang malalamig nitong labi sa dibdib ko.

Puno ng pananabik nitong pinagpala ang aking hinaharap at hindi ko maiwasang mapaliyad ng matindi. Nararamdaman ko na rin ang hapdi sa aking tagiliran. Dumidiin ang mga kuko nito sa akin. Bawat galaw nito ay kinapananabikan ko.

"...aah..." ungol ko sa tindi ng sensasyong ipinalalasap nito sa akin.

Halos buong lakas na akong napapakapit sa batok nito para kumuha ng matinding suporta. Sa isang iglap ay ramdam ko na ito sa kaibuturan ko. Napahiyaw ako sa pagkabigla. Halos mariin na akong napapapikit ng aking mga mata. Patuloy lang ito sa kanyang pagbayo at parang kay sarap sa pakiramdam nito. Puno ng ungol at paghiyaw ang tanging namutawi sa aming pagniniig hanggang sa tuluyan naming narating ang sukdulan nito.

Napahilig ako sa matipuno nitong dibdib. Puno ng pasa ang aking katawan at kay bigat din ng aking pakiramdam. Ngunit masaya ako sa nangyari sa aming dalawa ngayon. Lalo lamang nitong pinagtibay ang aking pagmamahal para rito.

Ramdam ko ang pag-angat nito sa akin sa ere at maingat na ipinasuot sa akin ang kanyang tsaketa. Binabagtas na namin ang daan pauwi habang karga niya ako sa kanyang mga bisig. Mahigpit akong napakapit sa batok nito. Wala itong imik ngunit kalmado naman ang anyo nito.

"Steffano..." mahinang usal ko.

Napalunok pa ako dahil natuyuan yata ang aking lalamunan. Bahagya itong pumaling sa akin. Hinalikan nito ako sa noo at nawalan na naman ako ng ulirat.

THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon