TKITD-17
Pawisan at naghahabol ako ng aking hininga. Lagpas na ng alas-otso akong nakarating sa tagong hardin na ito. Ramdam ko pang nanunuyo ang lalamunan ko kaya hindi na ako nag-atubili pang uminom ng tubig sa malinaw na ilog. Nagsalok ako gamit ang mga palad ko at agad na uminom. Itinabi ko pa ang balabal ko dahil masiyado itong sagabal sa pag-inom ko. Sa pagtungo ko ulit ay laking gulat ko nang may gumapang na uod sa kamay ko. Impit akong napatili at nawalan ng balanse dahilan para mahulog ako ng tuluyan sa tubig. Iritado akong napaangat mula sa pagkakalublob at talagang basang-basa ako.
"Ugh! Bakit ngayon pa!" Inis kong sambit sa kawalan.
"Catherine..." Napaharap ako pakaliwa.
Halos pigilin ko ang hininga ko. Nandito na siya! Gaya nga ng lagi niyang itsura, nakasuot ng tsaketa at nakatago ang mukha nito sa sumbrero. Kitang-kita ko ang kabuuan nito dahil sa tindi ng liwanag na nagmumula sa buwan.
"Ah... Ano... Pasensya ka na kung ganito ang itsura ko. Nadulas kasi ako kaya... Ganoon," nagkandautal kong paliwanag.
Wala itong naging kumento sa sinabi ko at nanatiling nakatayo lamang.
"Bulag mang ituring ngunit malakas ang pakiramdam."
Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko. Hayan na naman ang mga katagang binibitawan niya. Napaisip ako saglit. Mukhang gusto niya yata akong pumikit. Bahala na nga lang. Ipinikit ko na ang mga mata ko at pilit na nakiramdam. Ramdam ko ang pag-galaw ng tubig sa paligid ko. Napasinghap ako dahil sa biglaan nitong paghapit sa baywang ko. Ramdam ko ang malamig nitong balat na dumadampi sa akin. Ramdam ko rin ang bawat paghinga nito. Marahan niya akong niyakap at para bang kay gaan ng pakiramdam ko. Napakapit ako sa batok nito. Pansin kong mahaba ang buhok nito na hanggang leeg lang. Iginalaw ko ang kanang kamay ko at dinama ang mukha nito. Malapad ang noo nito. Makapal din ng bahagya ang mga kilay nito na sa tingin ko ay bumagay lang sa kanya. Mahaba din ang pilik-mata niya at kay tangos din ng ilong nito. Napangiti ako at napakagat ng labi ko. Huli kong dinama ang labi nito. Bahagyang napaawang ang labi ko dahil ramdam ko ang marahang pagsubo nito sa isang daliri ko. Kay init ng dila nito. Ramdam ko din ang mga pangil nito. Walang duda, isa nga siya sa kanila. Pero kapag kasama ko siya ay para bang ligtas ako lagi at kailanman ay hindi ko iyon maitatanggi sa sarili ko na may namumuo na akong pagtingin sa kanya. Kahit na hindi ko man alam ang buo nitong pagkatao.
Bahagya kong inalis ang daliri ko sa bibig nito at inilapat sa matipuno nitong dibdib. Pilya akong napangiti ulit. Tama nga ang hinala ko. Hindi lang siya isang isang misteryosong lalaki, kung 'di ay may maibubuga rin.
"Parang nasisiyahan ka yata sa nakakapa mo..." biglang aniya. Napatawa ako ng bahagya.
"Hindi ko mapigilan..." nahihiya kong sagot.
"Kay tagal kitang hinintay..." sabi nito.
Gusto ko na talagang imulat ang mga mata ko. Gusto ko siyang masilayan. Nagtataka rin ako sa sinabi nito. Bakit pakiramdam ko ay alam ko ang ibig sabihin nito.
"Bakit naman?" Sagot ko na lang sa tanong nito at niyakap siya ng mahigpit.
"...malalaman mo rin pagdating ng panahon..." anito.
Ramdam ko ang pagdausdos ng suot kong bestida. Para akong nanghihina sa dulot nitong paghaplos sa buo kong katawan. Para akong nahipnotismo.
"...akin ka lang, Catherine..." bulong nito sa akin at labis ko iyong ikinagalak.
Bahagya nitong idinampi ang mga labi nito sa leeg ko. Pakiramdam ko ay parang kinukumbulsyon ako sa sobrang init ng kalamnan ko. Napakapit ako ng mahigpit sa batok nito ng maramdaman ko ang pagpapantasiya nito sa dalawang matayog kong hinaharap. Marahan ngunit mapusok. Ramdam ko ang matinding pag-iingat nito na huwag akong masugatan sa pagkagat nito sa dalawang korona ko. Napaliyad ako sa sobrang galak na pinapatamasa sa akin.
"...aah..." Ungol ko nang paulit-ulit. Ramdam kong parang umangat ang dalawang hita ko.
"...aah!" Matinding hiyaw ko sa kawalan ng maramdaman ko ang agarang pagsilid nito sa kaibuturan ko. Sa tindi ng lakas nito ay hindi ko iyon nasalubong at napaghandaan. Parang winarak ang kaloob-looban ko.
"...ssh..." bulong nito sa akin.
Ramdam ko ang matinding hapdi pero kalaunan ay napalitan ito ng matinding sarap. Patuloy ito sa pagbayo sa akin at hindi ko na napigilan ang mapahiyaw. Saksi ang kabilugan ng buwan kung paano kami naging isa. Sa bawat pagbayo nito ay walang humpay din ang aking paghiyaw sa kawalan. Ramdam ko ang matinding paghawak nito sa beywang ko. Aminado akong nasasaktan pero hindi ko iyon ininda. Sa sobrang tigas ng kanya ay hindi ko na napigilan pa ang mapakapit sa magkabilang balikat nito, dahilan para dumiin ang mga kuko ko. Ni hindi ako makadilat sa sobrang sensasyong idinudulot niya. Sa isang iglap lang ay ramdam ko na ang pagbaon ng aking sarili sa mayayabong na damuhan.
"...aah..." hiyaw ko habang napapaliyad.
Parang mawawasak ang akin dahil sa tindi ng pagbayo nito. Laking pagtataka ko lang ay nakakaya kong salubongin ang pagbayo nito gayong napakalakas nito.
"....aah..." hiyaw ko pa nang paulit-ulit hanggang sa umabot ako sa aking sukdulan.
"...ugh..." rinig kong malakas na ungol nito dahilan para magliparan ang mga ibong nananahimik sa mga puno.
Sa isang iglap ay pumaibabaw na ako sa kanya. Hindi ko na talaga nagawang idilat pa ang mga mata ko dahil na din sa tindi ng pagod. Pakiramdam ko ay hinihila na ako ng antok.
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
VampiroSeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...