TKITD-25

30.5K 839 21
                                    

"Iha nariyan ka ba?" Napadilat at napabangon ako sa narinig ko. Suot ko pa rin ang tsaketa ni Steffano nang mag-mulat ako.

"Catherine..." muling pagtawag sa akin ni Mama.

Hinubad ko agad ang tsaketang suot ko at kinumutan ang kahubadan ko.

"Pasok ho..." sagot ko. Bumukas naman ang pinto at agad itong naupo sa kama ko.

"Hinahanap ka sa ng isa sa mga kaklase mo," anito.

"Sino raw ho?" kunot-noo kong tanong.

"Si Mocha." Napatayo ito.

"Sasabihin ko sa kanya na ikaw ay papanaog na." Bahagya pa itong ngumiti at lumabas na ng aking kuwarto.

Nakahinga ako ng maluwag. Bumaba ako ng kama ko at laking gulat ko dahil wala na ang mga pasang natamo ko kanina. Pati na rin ang malaking sugat sa aking hita ay tila nawala na parang bula. Napasapo ako sa aking dibdib. Ano ba ang nangyayari sa akin? Napailing ako. Malalaman ko rin ang totoong nangyayari sa akin.

Tinungo ko na agad ang banyo upang makapagbanlaw at nagbihis. Sinipat ko pa ang aking kuwarto at baka'y dinala rin ni Steffano ang aking unipormeng nagkapunit-punit na. Ngunit wala naman akong nakita. Dinampot ko ang tsaketa at hindi ko maiwasang mapangiti. Niyakap ko ito at masuyong inalala ang bawat sandaling magkasama kami kanina. Itinago ko na ito sa ilalim ng kama kung saan may maliit akong kahon. Sinipat ko pang saglit ang aking anyo sa salamin bago tuluyang lumabas.

Nang marating ko ang sala ay agad akong napayakap kay Mocha.

"Ang... Ang akala ko ay kung ano na ang nangyari sa iyo." Mangiyak-ngiyak pa ako habang nakayakap dito.

"Maayos ako Catherine. Ikaw ang inaalala ko. Nawala ka bigla sa pasulit natin. Mabuti na lamang at natapos iyon agad." Tila nag-aalala rin ito para sa akin.

Sinipat din nito ang aking katawan. Wari'y tinitingnan nito kung may galos ba akong natamo.

"Natakot ako ng sobra kaya napagpasyahan ko na lang ang umuwi rito ng palihim," pagsisinungaling ko.

"Mabuti na lamang at maagang natapos ang pasulit natin," anito.

"Pasado ba tayo?" nangangamba ko pang tanong dito. Napatango ito at nakahinga ako ng maluwag.

"Aalis na ako Catherine. Hindi ko nanaising magtagal dito at alam mo iyon. Ikaw lang naman ang sadya ko rito," seryoso nitong saad.

Napatango ako at iginiya na siya palabas ng bahay. Nakukunsensya ako dahil sa napilitan pa itong pumarito dahil sa akin gayong napakabigat nang dinaramdam nito sa pamilya ng mga Zoldic.

"Magkita na lamang tayo bukas Catherine," paalam nito.

Kumaway lang ako bilang pag tugon. Napaangat ako nang tingin sa kisame dahil sa narinig kong kalabog sa itaas. Agad akong napatakbo sa ikalawang palapag. Ngunit wala naman akong napansin na kakaiba. Nakinig akong muli at pinalawak pa ng maigi ang aking pandinig. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang tunog ng kadena. Umaalingaw-ngaw ang tunog nito mula sa hagdan ng ika-tatlong palapag. Pigil hininga kong inakyat ang ikatlong palapag. Napapakapit pa ako sa hawakan ng hagdanan dahil sa sobrang nerbiyos at takot.

Nang umabot ako ay ganoon na lamang ang pagtataka ko. Walang bakas na may kadena rito. Narito ang kuwarto ni Mama. Napuna ko rin na may malaking espasyo sa lugar na ito. Ngayon ko lamang naikot ang aking paningin rito. Ang itsura nito ay parang darausan ng mahahalagang okasyon.

Mabibigat ang aking hakbang at nahinto sa gitna. Maganda ang mga muwebles na nakapalibot sa malaking espayong ito. Sa pagpaling ko, bumukas na lang bigla ang bintana at nililipad ng malakas na hangin ang kurtina nito. Napalapit ako rito at hinawi ang kurtina ng bintana.

Hindi pa man ako nakakasilip sa labas ay narinig ko na naman ang kadenang iyon na tila hinihila ito papuntang ika-apat na palapag. Laking pagtataka ko lang ay wala naman akong nakikita. Muli ko itong sinundan at tama nga ang aking hinala. Ang tunog na iyon ay papunta sa ika-apat na palapag. Minadali ko ang aking pag-akyat. Walang muwebles ang nakalagay dito at tanging isang kuwarto lamang ang nakikita ko.

"Catherine!" tawag sa akin ni Mama at paakyat na ito rito. Nagmadali akong dumaan mula sa bintana.

"Catherine!" muling tawag nito sa akin.

Nang makalabas ako ay mahigpit akong napakapit sa mga baging sa pader. Sa kalumaan na ng bahay ay talagang mapapaligiran na ito ng mga halamang ligaw.

"Catherine!" pagtawag nitong muli sa akin.

Tila galit na galit na ito. Mariin akong napakagat ng aking labi. Maari kaming mapalayas rito ni tiyang dahil sa katangahan ko.

Kumapit akong muli sa baging at laking gulat ko nang mabuwal ito dahilan para mahulog ako. Parang huminto ang oras at bumagal ang takbo ng paligid ko. Isa lamang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Si Steffano, siya lang at wala ng iba. Pakiramdam ko ay katagal ng aking pagbasak sa lupa at matagal na nakalutang sa ere. Sa isang kisap ng aking mga mata ay tuluyan ko nang naramdaman ang malakas na pagdampi ng aking katawan sa lupa. Napahawak ako sa aking tiyan at puro dugo ang nakikita ko. Nag-uumapaw ito at para bang naliligo na ako sa sarili kong dugo. Unti-unting nawala ang aking paningin at tuluyan na akong nawalan ng malay.

THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon