TKITD-57
*****
Matapos ang ritwal na isinagawa namin ni Nely ay agad naming hinanap si Cedrick.
"Senyorita Ren..." Malungkot na wika ni Nely sa akin.
"Kaya ko ito Nely. Para sa kanya ito." Nanghihina kong sagot.
Pakiramdam ko'y may kung anong nabubuo sa loob ng tiyan ko.
"Senyorita Ren! Ang inyong tiyan..." Tila takot na takot pa ito sa biglaang pag-umbok ng aking tiyan. Mapait akong napangiti.
"Siya ang sagot." Ani ko. Napasinghap ito.
"Ikamamatay niyo po iyan!" Tinabig ko siya.
"Wala akong pakialam!"
Nanghihina man ay tuloy pa rin ako sa paglakad. Hanggang makarating kami ni Nely sa lumang bahay na puno ng mga salamin.
"Cedrick!" Tawag ko rito.
Nakita ko itong papasok sa lumang bahay. Sumunod kami sa loob.
"Ren..." Kunot-noo ito napabaling sa akin.
"Cedrick!" Agad ko siyang niyakap. Kinalas nito ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Ano'ng ginawa mo!?" Aniya at sinulyapan ang nakaumbok ko ng tiyan.
"Nilason ka ng kapatid mo at ito ang lunas. Sa oras na bago siya tumuntong ng bente uno ay ialay mo siyang muli sa buwan Cedrick." Mas lalong kumunot ang noo nito.
"Kabaliwan iyang ginawa mo, Ren!" Napakuyom ako ng aking kamay.
"Oo! Kabaliwan nga ito pero mahal kita!" Pag-amin ko sa aking nararamdaman. Bahagya naman itong natigilan.
"Hangal! Alam mong ni minsan ay hindi kita ginusto Ren!" Para akong tinarak ng ilang libong punyal sa aking dibdib.
Napakahangal ko nga para ibuwis ang aking buhay para sa kanya, ngunit mahal ko siya. Akmang tatalikod na ito ngunit pinigilan ko siya.
"Mamili ka Cedrick! Ang mamatay o tatanggapin mo ang lunas!" Hamon ko sa kanya.
Habang lumilipas ang oras ay ramdam na ramdam ko na ang nabubuong sanggol sa aking sinapupunan. Tila minu-minuto lang ito kung umumbok ng dahan-dahan.
"Ahh!" Hiyaw ko sa sobrang sakit.
Muntik na akong bumagsak, mabuti nalang at maagap si Cedrick sa pagsalo sa akin.
"Mali ito Ren! Kasintahan ka ng kapatid ko." Nangilid ang aking mga luha.
"Ngunit ikaw ang mahal ko Cedrick." Mapait kong sagot.
"Ren! Ren! Lumabas ka na! Ren!" Narinig naming pagtawag ni Mocha sa labas ng lumang bahay.
"Nely! Magkunwari ka na ikaw si Ren. Humingi ka ng tulong kunwari ngunit huwag kang magpapakita sa kanya. Magkita tayo sa ilog, sa tagong hardin." Utos ni Cedrick.
Agad din namang tumalima si Nely at tumakbo palayo sa kinaroroonan namin.
"Hinayaan mo na lamang sana akong mamatay." Walang bahid na pag-aalinlangan nitong ani.
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
VampirSeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...