TKITD-18

33.9K 967 43
                                    

TKITD-18

SA PAGMULAT ko ng aking mga mata ay ganoon na lang din ang pagkamangha ko. Nakauwi ako sa bahay at nakahiga na mismo sa kama ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at hindi ako makagalaw ng maayos dahil ramdam ko ang masasakit na parte ng katawan ko. Napatihaya ako ng dahan-dahan. Nanaginip lang ba ako? Sinipat kong mabuti ang ayos ko. Nakasuot ako ng bestida ko, pansin ko ring nasa paanan ko ang balabal na ginamit ko. Hindi nga ako nananaginip. Totoo ngang may nangyari talaga samin. Matamis akong napangiti. Dahan-dahan kong ikinilos ang aking katawan upang ako'y makababa sa aking kama. Sa aking pagtayo ay parang mabubuwal ako. Maagap ang aking paghawak sa haligi ng aking kama. Ibig kong gumapang na lamang papunta ng banyo dahil sa tindi ng sakit nang nararamdaman ko. Puna kong may mga pasa ako sa braso. Hindi isang normal na pagniniig ang naganap sa pagitan naming dalawa, kung 'di isa iyong kagila-gilalas. Wala akong mapagpipilian kaya hindi na ako nag-atubili pang gumapang na lamang patungo sa banyo. Kumapit ako sa seradora upang makatayo ako ng buong p'wersa. Halos nakasandal na ako sa dingding dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Nakipagtalik ba naman ako sa isang bampira, malamang na ganito ang kahihinatnan ko. Marahan kong hinubad ang aking bestida at matamang pinagmasdan ang aking kabuuan sa harapan ng salamin. Ang dami kong pasa sa katawan. Paano ako makakapasok ngayong araw kung ganito ako. Siguradong magtataka ang tiyang sa akin. Pilit akong kumilos at naligo. Nabitawan ko ang sabong hawak ko sa gulat. Isa-isang nawala ang mga pasa ko sa katawan. Halos pigilin ko ang aking paghinga dahil sa tindi ng pagkagulat at pagkamangha. Hindi ako normal! Gumaan din ang pakiramdam ko at para bang walang nangyari sa akin. Nagmadali akong paliguan ang sarili ko at nagbihis. Kinuha ko ang gunting sa ibabaw ng tukador. Gusto kong malaman ang totoo. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang gunting. Pikit-mata kong sinugatan ang aking braso ngunit hindi ko paman nasusubukan ay agad na bumukas ang pinto.

"Catherine, Iha. Nasasabik talaga akong makita," bungad sa akin ni Ginang Zoldic.

Naitago ko agad ang gunting sa ilalim ng kubre kama ko.

"Ang aga niyo naman ho," naiilang ko pang ani. Hindi man lang nagawang kumatok nito.

"Pagpasensyahan mo na, Iha. Masiyado lang talaga akong nanabik. Mag-ayos ka na. Marami akong pasalubong sa 'yo," aniya. Matipid akong ngumiti.

"Sige ho," ani ko.

Ngumiti lang ito at lumabas na ng aking kuwarto. Halos tinambol ang puso ko sa sobrang kaba. Nag-ayos na ako ng aking sarili at tuluyan ng lumabas ng aking kuwarto. Bahagya akong natigilan dahil sa may itim na rosas sa may paanan ko. Pinulot ko ito at binasa ang maliit na papel na nakasukbit sa tangkay nito.

~Kabilugan man ng buwan, ganda mo'y mas nag-uumapaw.~

Napangiti ako ng malapad. Sa lahat ba naman ng kulay ng rosas ay itim pa ang ibinigay. Madaming simbolo ang itim na rosas pero para sa akin ito'y pagmamahal.

"Catherine, kanina ka pa niya hinihintay," bungad sa akin ng aking tiyahin. Naitago ko agad sa likuran ko ang hawak kong rosas.

"Sige po," matipid kong sagot.

Pasimple kong inilagay sa plorera ang hawak kong rosas at ikinubli ito sa iba pang mga bulaklak para hindi nila ito makita. Nang umabot ako sa hapag, naupo ako sa tabi ng Ginang.

"Pinamili kita ng mga tsaketa at bestida, Catherine. Malapit na rin ang tag-lamig," masayang wika nito.

"Maraming salamat po–" Napatigil ako dahil sa biglaang pagsingit nito.

"Mama, tawagin mo 'kong Mama mo. Kahit pansamantala man lang."

Kumikit-balikat pa ito. Sinulyapan ko pa ang aking tiyahin na nasa kaharap ko lang nakaupo at napatigil rin ito sa pagkain. Tinanguan ako ni tiyang Nely, na para bang ayos lang sa kanya.

"Sige po, kung 'yan ang gusto niyo," naiilang ko pang sagot.

THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon