TKITD-60
*****
Napapakunot ang aking noo at dahan-dahang napapatihaya. Kay bigat ng aking pakiramdam, hindi ko maigalaw ng maayos ang aking katawan. Parang may nakadagang bloke ng semento sa akin. Muli akong napakunot ng aking noo at dahan-dahan na iminulat ang aking mga mata. Tatlong beses din muna akong napakurap bago tuluyang luminaw ang aking paningin. Nagsalubong ang mga kilay ko nang mabatid ko na narito pala ako sa aking silid. Napabuga ako ng hangin. Pakiramdam ko ay napakahaba nang tulog ko. Dahan-dahan kong iginalaw ang aking mga kamay. Bahagya pa akong natigilan dahil may nakapulupot na itim na marka sa aking kaliwang kamay. Mukha siyang tangkay ng itim na rosas at puno ng tinik. Napakunot ako ng aking noo. Kailan ba ako napalagay ng ganito? Wala akong matandaan.
Dahan-dahan ko rin namang iginalaw ang aking mga binti. Namamanhid pa rin kasi ito ng kaunti. Kumapit ako sa kama at buong puwersa kong iginalaw ang mga binti ko.
"Ay!" Daing ko nang mahulog ako sa kama.
Bahagya pa akong napangiwi ng kaunti dahil sa kaunting sakit na nararamdaman ko sa aking bewang. Kumapit akong muli sa kama at itinukod ang aking mga kamay upang kumuha ng suporta. Unti-unti kong inihakbang ang aking mga paa hanggang sa nakakaya na ng aking mga binti ang aking bigat. Nang mag-ang at ako ng tingin ay natigilan ako nang makita ko ang itsura ko sa salamin. Tuluyan ng nagbago ang kulay ng aking buhok. Talagang nagkulay gintong mapusyaw na ito. Doon lamang pumasok sa utak ko ang mga nangyari.
"Si Steffano..." Naisambit ko dahil sa tindi ng aking pangamba.
Wala akong maalala masiyado sa ginawa naming ritwal. Gusto kong malaman kung nasa ayos ba ang lagay niya. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto ngunit bago pa man ako makalapit dito ay bumukas ito at bumungad sa akin si Steffano. Natigilan ako sa nasilayan ng aking mga mata. Puno ng sigla ang mukha nito nang makita ako. Nagsimula ng mangilid ang aking mga luha sa aking mga mata. Lumapit ito sa akin at agad akong niyapos ng yakap. Mahigpit na yakap din ang itinugon ko sa kanya at pinupog ng halik ang buong mukha nito.
"Buhay ka..." Naluluha ko pang wika.
Hindi talaga ako makapaniwalang na nabuhay siya ng dahil sa akin.
"Magaling ang kaniig ko..." Namilog ang aking mga mata at marahang napahampas sa kanyang braso.
"Pilyo ka talaga!" Sabi ko pa.
Napatawa ito ng kaunti at niyapos ng husto ang aking bewang.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Masakit ang buong katawan ko ngunit nakakaya ko naman." Hinaplos naman ng kanang kamay niya ang aking pisngi at pinadaan ang kanyang daliri sa aking mga labi.
"Nangulila ako sa iyo, tatlong araw ka ring tulog." Napaawang ang aking bibig.
"T-tatlong a-araw!? Paano na ang huling laro? Hindi ako nakasali?!"
Tila hindi pa ako makapaniwala sa sinabi niya. Tatlong araw pala akong tulog at wala man lang ideya kung ano ang nangyayari sa paligid ko.
"Wala ng laro Catherine."
Nagsalubong ang aking mga kilay.
"Bakit wala?" Taka ko pang tanong.
"Ipinatigil ko ito dahil hindi naman dapat na paglaruan ang mga iyon at alam na rin ng lahat na nagbalik na ako." Paliwanag nito. Napataas ako ng aking kilay.
"Kaya mo naman palang ipatigil ang mga buwis buhay na larong iyon, pinahirapan mo ako." Pagtatampo ko pa.
Nakakainis lang isipin na kaya niya palang manipulahin ang taga-pamahala ng laro, pero nakapagtataka ay kung bakit hinayaan niya lang ito.
BINABASA MO ANG
THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)
VampirSeries 1 Highest Rank on Vampire Genre #1 Highest Rank on Vampire Genre #2 (3-9-2018) Highest Rank on Vampire Genre #3 (3-12-2018) WATTYS2016 WINNER Zoldic Legacy Series Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pina...