TKITD-61

28.3K 777 47
                                    

TKITD-61

*****

Nakakatakot siya kung magalit. Ang maamo nitong mukha ay napalitan ng isang mabangis na nilalang. Naging pula ang mga mata nito, maging ang mga kuko ay humaba. Maging ang kanyang buhok ay nag-ibang ng kulay.

"Mattheaus!" Narinig ko pang pagtawag ni Steffano sa kanya.

Napabitaw ito sa aking leeg kaya't napaubo ako ng matindi.

"Mamatay ka!" Biglang singhal nito at akmang itatarak sa akin ang punyal, ngunit bago pa man ito maitarak sa akin ay naibalibag na siya ni Steffano at tumama sa pader.

"Catherine..." Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala.

Walang kahirap-hirap nitong tinanggal ang solidong kadena na nakatali sa akin. Nang matanggal ang mga ito ay agad ko siyang niyakap at napahagulhol ng matindi. Natatakot ako ng sobra! Maging ang aking mga tuhod ay nanginginig pa sa tindi ng takot. Narinig naman namin ang malutong na pagpalakpak nito.

"Nakakaiyak na eksena ngunit nakakasuka!" Ani Mattheaus.

Napaangil si Steffano sa kanya.

"Magtigil ka Mattheaus!" Ani Steffano at itinago ako sa kanyang likuran.

Para naman akong batang paslit na napapakapit sa damit nito. Nakakatakot man ngunit anong magagawa ko para makalayo rito. At isa pa'y narito si Steffano at hindi ko maaatim na iwanan ito.

"Pedicabo ego vos!" Galit na sagot ni Mattheaus.

"Hangal!" Ani Steffano at biglang inatake ang kanyang kapatid.

Nagpalitan ito ng mga suntok. Palitan nang pagbalibag sa kung saan-saang sulok. Hindi ko alam kung mamamangha ba ako o matatakot sa nakikita ko. Pareho silang malakas! Pareho din silang dalawa na walang natamong galos kahit matindi na ang mga binibitawang suntok ng bawat isa.

"Siya ang pagbabayarin ko sa ginawa mo sa akin!" Ani Matteaus habang nakikipagpalitan nang suntok kay Steffano.

"Tama na!" Sa wakas ay sambit ko.

Pareho silang dalawa na napalingon sa akin at parehong lumayo sa isa't isa. Ngunit ang akala ko'y naawat ko na silang dalawa, nagkamali ako. Sa isang kisap ng aking mga mata ay siyang paglitaw ni Mattheaus sa aking harapan. Hindi ko napaghandan ang naging pag-atake niya kaya't imbes na makaiwas ako'y sinalag ko ito gamit ang aking kanang kamay. Tumagos sa palad ko ang punyal na hawak niya at hindi ko kayang pigilan ang matinding lakas nito.

"Ahh!" Daing ko.

Sobrang kirot at hapdi ang nararamdaman ko habang nakatarak sa aking palad ang punyal.

"Mattheaus!" Galit na sunggab ni Steffano sa kapatid niya.

Mabilis niya itong nahawakan sa batok at ibinalibag sa lupa. Halos bumaon ito sa lupa dahil sa tindi ng mga suntok na natatanggap niya kay Steffano. Nagimbal ako sa pagbabago ng anyo niya. Ang mga kuko nito'y mas lalong humaba! Maging ang buhok nito'y umabot hanggang dibdib. Nagbago din ang kulay ng kanyang buhok. Kung dati ay itim ito, ngayon ay nagkulay puti ito. Hindi lang siya isang simpleng bampira, kundi isang halimaw na bampira.

"Ugh!" Ungol nito ng pagkalakas.

Natatakot man ngunit napatakbo ako sa kanya at niyakap siya ngunit wala na ito sa huwisyo. Tinabig niya ako at tumilapon sa sementong altar. Napapakit ako ng mariin.

Pakiramdam ko ay may nabaling mga buto sa akin. Ngunit hindi ko siya dapat hayaang lamunin ng kadiliman. Gumapang akong muli palapit sa kanya at buong lakas kong hinarang ang aking sarili sa kanya. Akmang sasakmalin niya ako ngunit natigilan ito.

THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon