TKITD-43

24.8K 676 31
                                    

TKITD-43

*****

Lumipas ang ilang oras na paghihintay ay nagpakita na ang buwan. Napakapit ako kay Mocha. Para akong gaga! Iba pala talaga iyong pakiramdam kapag nagsisimula na ang laro. Nakuha ko pa maging matapang gayong ang totoo'y takot na takot ako ng sobra dito sa kaloob-looban ko.

"Huwag kang bibitiw sa aking kapag nakapasok na tayo. Mapanganib din ang larong ito Catherine." Bilin ni Mocha sa akin.

Tumango lang ako. Lumakad na kami palapit sa lumang bahay. Masiyado itong malaki kaysa sa bahay ng mga Zoldic. Bumukas na ang tarangkahan papasok at baliwala sa mga kaklase ko ang larong ito dahil panay pang pag-uunahan nilang makapasok.

"Hindi tayo puwedeng magtagal sa loob Catherine kaya kumapit ka sa aking mabuti." Ani Mocha.

Tango lang ako nang tango. Daig ko pa ang pipi dahil hindi ko man lang makuhang sumagot sa mga habilin niya. Nang humakbang na kami ng hagdan paakyat ay muntikan pa akong madapa.

"Ingat ka." Ani Zairan habang nakaalalay sa akin.

Agad akong umayos sa pagtayo dahil pansin kong hinila ako ni Mocha ng marahan. Tipid na ngiti lamang ang ibinaling ko kay Zairan. Nakakailang! Nakakailang iyong alam ko na may pagtingin na ito para sa akin at hindi ko iyon gusto. Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa aking harapan. Nang tuluyan kaming makapasok at lahat ng naging kalahok sa loob ng bahay ay sumiradong bigla ang malaking pinto. Halos atakihin ako sa puso sa sobrang gulat. Napakapit ako ng husto kay Mocha. Nang mailibot ko ang aking paningin ay halos lahat ng muwebles ay puro salamin. Sa bawat sulok, sa pasilyo, pati na ang kisame ay puro may nakadikit na salamin, maliban nalang sa inaapakan namin dahil gawa naman ito sa semento. Napalinga akong muli. Iba't iba ang mga disenyo nito ngunit talagang nakakatakot dahil wala kang makikita kundi ang sarili mong replika.

"Kailangan nating makarating sa tuktok upang tayo ay maging ligtas. Mukhang hindi nila tayo palalabasin agad." Ani Mocha.

"Bakit!? Ano ba ang mangyayari?" Kinakabahan kong tanong.

"Magsisilabasan ang mga replika natin sa oras na manatili pa tayo dito." Sagot nito na ikinagimbal ng buong sistema ko. Pumaling ako sa aking likuran ngunit wala na si Zairan.

"Mocha tara na! Nandoon ang hagdan." Hila ko rito at itinuro pa ang hagdan na nasa kaliwa ko.

"Replika lang 'yan Catherine. Ang totoong hagdan ay nasa kisame!" Wika nito na ikinanlaki ng mga mata ko dahil sa sobrang pagkagulat.

Napaangat ako ng aking paningin. Natutop ko ang aking bibig. Nasa kisame nga ang hagdan! Nababalutan ito ng mga salaming animo'y aakalain mong palamuti lang. Umunang umakyat si Mocha ng walang kahirap-hirap.

"Catherine bilis!" Ani Mocha at pilit na inaabot ang aking kamay.

Para akong naistatwa sa nahagip ng aking paningin. Nakita ko ang kang replika na dumaan. Narito si Steffano at hindi puwedeng magkamali dahil siya lang ang may laging suot na tiyaketa.

"Catherine!" Pukaw ni Mocha sa akin.

Nabalik ako sa aking katinuan at agad na inabot ang kamay ni Mocha. Hinila din naman niya ako at nakakamangha lang dahil narating nga namin ang ikalawang palapag. Ngunit hindi pa din mawala sa isipan ko ang nakita ko kanina. Si Steffano iyon at sigurado ako doon. Hila-hila pa rin ako ni Mocha habang hinahanap ang hagdan paakyat sa ikatlong palapag.

Kay laki ng bahay na ito at talagang mahihirapan kaming hanapin iyon dahil puro salamin ang nakapalibot sa amin. Bahagya naman akong napahinto dahil pakiramdam ko ay may umihip na hangin sa batok ko. Nilingon ko ang aking likuran at muli ko na namang nakita ang replika ng katawan ni Steffano sa mga salamin. Mabilis din naman itong naglalaho at natatakot na ako sa ginagawa niyang iyon.

"Catherine!" Hinawakan ni Mocha ang mukha ko.

"Huwag kang maniniwala sa mga makikita mo. Naiintindihan mo ba!" Napatango ako at napatanga dahil lumitaw si Steffano sa likuran niya. Pero gaya nga nang nangyari ay nawala na naman ito. Hinila ako ulit ni Mocha ngunit binawi ko ang aking kamay at napadungaw sa bintana. Si Steffano, nasa pinakagitna ng bahay na ito. Nakatali ito sa isang posteng bakal at pilit na kumakawala. Nangingilid na ang mga luha ko.

"Catherine ano ba!" Awat ni Mocha sa akin pero nagpumiglas ako.

"Bitawan mo ako! Kailangan niya ako!" Pagwawala ko.

"Hindi totoo ang nakikita mo Catherine!" Bulyaw ni Mocha sa akin ngunit 'di ako nakinig bagkus ay tumakbo ako palayo sa kanya.

Dinala ako ng aking mga paa sa isang silid kung saan nakapalibot pa din sa akin ang mga naglalakihang salamin. Panay pa din sa pagtulo ang aking mga luha. Kailangan niya ako! Kailangan kong makarating doon! Nanindig ang aking mga balahibo sa narinig kong paghalakhak ng isang babae. Kasabay nang halakhak nito ay ang paglitaw ng dalawang katawan sa salamin. Magkasiping ang dalawa at halos magunaw ang mundo ko sa nakita ko. Para akong tinarak ng ilang libong punyal sa aking dibdib.

Ang pinakamamahal kong si Steffano ay kasiping si Akesha. Kinuha ko ang silya at ibinato sa salamin ngunit kahit wasak na ito'y nandoon pa din ang mga eksenang unti-unting gumugunaw ng mundo ko. Halos kapusin na ako ng aking hininga dahil sa tindi ng aking pag-iyak. Pinulot kong muli ang silya at pinagbabasag ang mga salaming nakapalibot sa akin. Wala sa sarili akong napadungaw sa bintana at laking pagkamangha ko na naroon pa din si Steffano. Agad kong binasag ang bintana ngunit hindi man lang ito nagalusan. Buong lakas kong hinampas ito ngunit wala pa din iyong epekto. Nangangalay na ang mga kamay ko ngunit wala pa ding epekto ang mga hampas ko sa bintana.

"Steffano! Pakiusap!" Sigaw ko dahil baka sakaling marinig niya man lang ang tawag ko ngunit mataman lang itong nakatitig sa akin.

"Pakiusap mahal ko!" Pagmamakaawa ko ngunit umiling lang ito at napatingala.

Umawang ang takip sa itaas ng kisame at tumama sa kanyang kamay ang sikat ng araw. Hindi ko man rinig ang pagdaing niya ngunit nagpupumiglas ito. Ngalingali kong hinampas ulit ang bintana ngunit wala pa din itong epekto. Pinilit kong makalabas sa pinto ngunit nakakandado ito. Muli kong tinanaw ni Steffano sa ibaba at halos abo na ang kaliwang kamay nito. Sinulyapan ko pa ang aking suot na relo. Ala-sais na ng umaga!

"Steffano! Hindi! Hindi!" Halos magwala na ako at nagkasugat-sugat na din ang aking mga kamay dahil sa pagpipilit kong masira ang bintana.

"Ano ba! Pakawalan ninyo ako dito!" Halos mapaos na ako sa kakasigaw ngunit wala man lang nakakarinig sa akin.

"Pakiusap! Tama na! Parang awa niyo na!" Hindi ako magkamayaw sa pag-iyak at sa paulit-ulit na pagmamakaawa.

Unti-unti na naging abo ang kaliwang bahagi ng katawan niya. Halos ingudngod ko na rin ang aking mukha sa bintana at basang-basa ko kung paano niya bigkasin ang pangalan ko.

"Hindi!" Pagwawala kong muli at pilit na winawasak ang bintanang nasa harapan ko.

Nagimbal ako sa nakita ko. Binuksan pang lalo ang takip na nasa kisame at halos malusaw na ang buong katawan niya.

"Hindi! Ahh!" Pagwawala ko ng husto. Wala na siya! Wala na! Para akong mababaliw sa sobrang sakit!

"Ahh!" Sigaw ko at halos lahat ng salamin sa paligid ko'y nabasag, kahit na ang mga bintana. Diretso akong bagsak sa sahig at pakiramdam ko'y nawalan ako ng lakas.

"Steffano..." Huling bigkas ko bago ako mawalan ng ulirat.

THE KNIGHT IN THE DARK [Zoldic Legacy Book 1] (WATTYS2016 WINNER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon