CHAPTER 26

0 0 0
                                    

"Dalawa naman room dito sa unit na to diba? Isang room is for girls and yung isa is for boys" sabi ko sakanila pagka pasok namin sa loob ng unit.

"Ang ganda naman dito, sarap mag relax" sabi ni therese habang naka dungaw sya sa veranda na ang view ay puro buildings at sa baba naman ay meron swimming pool na mala dagat dahil nilagyan nila ng white sand.

"Ako na magluluto nang lunch natin, ano ba gusto nyo?" tanong ni seb

"Masarap mag adobo si seb guys" bida naman ni wayne sa luto ni seb na fan na fan sya.

"Sige adobo nalang, mag ayos muna tayo gamit para mamaya kain nalang tayo then swimming naaaaa" sabi ko sakanila

Pagkapasok ko sa room namin ay buti nalang may 3 bed dito na halatang pang barkadahan pr family ang unit.

Nag umpisa na ako mag ayos ng gamit ko pero si therese ay nakikipag kwentuhan muna kay seb
habang nag luluto, si chalzy naman ay bumaba kasama si wayne para bumili ng softdrinks namin.

"Love? Done kana?" tanong saakin ni leigh, pumasok sya sa kwarto. Hinayaan ko lang kasi na bukas ang room dahil maya't maya din ang sigawan namin ni seb dahil tanong sya ng tanong kung nasaan ang mga ingredients na dinala namin.

"Patapos na, ikaw ba?"

"Hindi pa, pero tulungan na kita dyan" anyaya nya

"Oh sige, pagtapos natin dito yung sayo naman ayusin natin. Malamang tinatamad ka nanaman ayusin yun, apaka dami mo ba naman dala eh hahhaa"

Nag tutupi kami ng damit at inaayos ang toiletries ko ng dumating sila wayne at chalzy, dumiretso si chalzy sa kwarto para mag ayos ng gamit nya tskaa sumunod si wayne skanya para tulungan sya.

Pagtapos namin sa gamit ko ay tinulungan ko na rin si leigh ng sakanya, apaka dami nya kasing dalang gamit. Ganito talaga sya tuwing aalis, lagi sya naka maleta tsaka pang hiking na bag. Akala mo eh mag lalayas na.

Natapos namin ayusin ang gamit nya sakto naman natapos magluto si seb, kaya tinawag nya na kami. Atsaka namin sila tinulungan mag handa ng plato at mag asikaso ng lamesa.

"Swimming time na pagtapos nito!" masayang sabi ni wayne

"Ang init init wayne" sabi sakanya ni seb

"Kaya nga mag suswimming eh"

"Mamaya na kaya tayo mag swimming? Mga hapon" suhestyon ni chalzy

"Tama!" agree si therese

"I agree" singit ni leigh

"No choice ka na, majority dito gusto mamayang hapon lumangoy hahaha" sabi ko kay wayne na napanguso nalang.

"Ano nalang gagawin natin?palipas oras?" tanong ni wayne saamin

"Ako matutulog muna saglit,bitin tulog ko eh" eka ko sakanila, naramdaman ko naman na tumingin sakin si seb at wayne pati na rin si leigh "Don't worry guys, hindi ako nag puyat. Maaga lang ako nagising dahil sa maagang byahe kaya gusto ko lang umidlip" paliwanag ko sakanila, kaya nagsipag tuloy sila sa pagkain.

"Jeu, dun muna kami sa taas na floor. Nakita namin may gaming hall dito eh,puntahan lang namin" paalam ni seb, kasama nya si therese, chalzy at wayne.

"Sige, enjoy kayo!" paalam ko sakanila tsaka ako tumayo sa pagkakaupo sa couch. Kanina pa kasi kami tapos kumain bali nag chikahan lang kami dito sa living area. "Ikaw? Hindi kaba sasama sakanila?" baling ko kay leigh na nakatingin saakin,palagi akong pinag mamasdan nito hahaha

"Nope, mas gusto ko dito. Kasama ka" sabi nya kaya ngumiti naman ako

"Tutulog ka din?" tanong ko sakanya at tumango naman sya

"Dito nalang tayo sa living area, nagiging bed naman tong sofa eh, bawal ka sa room namin" sabi ko sakanya na ikina kunot ng noo nya.

"Ang panget tignan na may sariling kwarto tayo pero nasa kwarto ka namin diba? Edi dito nalang tayo. Malamang mamaya pa naman ang balik nila mag eenjoy yun dun. Si wayne pa" sabi ko

"Ako na mag aayos dito, kuha ka nalang unan" sabi nya kaya sinunod ko sya, kumuha ako ng tatlong unan. Isa sakanya at dalawa saakin, hindi kasi ako sanay na walang dantay o yakap.

Paglabas ko ay ok na yung sofa kaya pinatay ko ang ilaw para makatulog talaga ako, may liwanag na nag mumula sa veranda dahil hindi naman namin isinara yon. Tsaka sa tv na nakabukas dahil naglaro sila kanina ng playstation.

"Iloveyou jeu" bulong saakin ni leigh habang nakahiga kami

"Iloveyou leigh" sagot ko "hanggang ngayon di ako makapaniwala na magiging tayo hahaha"

"Why?"

"Eh syempre best friend tayo tapos biglang ganun diba? Hahaha ang kulit lang" sabi ko "ikaw ba?" baling ko sakanya tsaka ako humarap

"No, dati palang naman alam ko sa sarili kong gusto kita. Sinubukan kong pigilan para hindi lumala kasi alam ko magkaibigan tayo, pero habang pinipigilan pala mas lalong lalala" sabi nya at tumingin din saakin "noong una hindi ko din naisip na dadating sa ganito, halos mula elementary hanggang high school to senior high magkasama tayo. Magkaibigan tayo kaya hindi ko din inakala tong nararamdaman ko" dagdag nya "Sabi ko pa noon sa sarili ko na delubyo yung nararamdaman ko sayo kasi magiging magulo dahil magkaibigan tayo. Hindi ko alam paano ko ieexplain kila wayne at seb, syempre need nila malaman o yung explanation ko. And especially yung family mo. They know us as a friend, kaya nung sigurado na talaga ako sa nararamdaman ko dinahan dahan ko lahat" kwento nya saakin,nakikinig lang ako sakanya. "Dinahan dahan ko ipaalam kila wayne at seb yung nararamdaman ko but it turns out... mas alam pa nila kung ano yung nararamdaman ko dahil halata daw ako hahahahaha, the next is symon. I explained to him everything even kila tita and tito. Months passed i talked to them again and i told them na hindi na kayang pigilan talaga, gusto kita ligawan, kasi nagseselos ako kapag nakikita kitang close kay shawn oh sa ibang lalaki" paliwanag nya "i want to tell them na sakin ka"

"Psh hahahhaa, ako talaga diko nahalata as in. Sabagay pigil na pigil ka eh tsaka yung actions mo kasi and acts of service mo eh na normalize ko na sa sistema ko kaya wala sakin malisya yun haha yun pala iba na" eka ko

"Mahal kita jeu, at hindi ako magsasawa paulit ulitin sayo yan." siya

"Mahal din kita leighsander" sabi ko,atsaka kami matagal na nagkatitigan. Dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko. MUKHANG ALAM KO NA TO!! Waaaahhh!!! Eto na ba yon??WAAHHAHHAHAAHA ITO NA ATA!!

then our lips met, that was a simple kiss but full of love. sa saglit na kiss na yun para akong naghabol ng hininga, magkadikit ang noo namin ngayon at parehong naka ngiti.

"That's what on your mind yesterday right?" tanong nya sakin, anong yesterday? anong nasa isip ko——- owww hahahhaa that one.

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon