CHAPTER 45

2 2 0
                                    

"Ito baby, gusto ko nito." sabi ko kay shawn, andito kasi kami ngayon sa department store para bumili ng ibang kulang sa condo. Almost kumpleto naman na ang furnitures and appliances pero naghahanap pa ako ng mga pang decorations and mga needs like bedsheets,towels and ano ano pa.

"Lagay mo na dito sa cart" si shawn, atsaka kami nag proceed papunta sa bedsheet section.

"I like this design" sabi nya, turo nya  sa bedsheet na  may polygon design at black and gray ang kulay. Inilgay ko naman agad sa cart, naka indicate din naman sa lalagyan nito ang size kaya di na ako naghanap pa ng sizes. Kumuha din ako ng iba pang nagustuhan ko na sheets at karamihan ng napusuan ko ay plain colors lang at umiikot lang sa kulay na black,gray,white at beige.

Matapos kami mag ikot ikot ay tsaka kami dumiretso sa cashier para magbayad na at anong oras na rin kasi. Maaga kasi kami maglilipat bukas at sa gabi naman ay mag dinner kami nila mom sa condo namin.

"Thanks for today baby" sabi ko kay shawn habang naka kawit ang kamay ko sa braso nya habang tulak tulak nya ang cart ng mga pinamili namin.

"You're welcome baby, anything." eka nya kaya nangiti ako "you want to eat?" tanong nya

"Busog pa ako dun sa kinain natin kanina haha, uwi nalang tayo para matapos ko pa ipack mga gamit ko" sabi ko naman

"Me too" dugtong nya at natawa kaming dalawa

-
"Dito nalang tong mga pinamili natin,para diretso dala nalang natin bukas" sabi nya

"Okayyy" sang ayon ko

"Goodnight baby" eka nya "wag na magpuyat kakanood ng mga DIY decoration sa facebook at ig ha?" paalala nya kaya natawa ako

"Noted po, malamang pagtapos kong mag asikaso mamaya ay matutulog na ako"

"Sige na pumasok ka na, iloveyou" sabi nya at hinalikan ako sa noo"

"Ingat sa pag dadrive, iloveyoumore" paalam ko din atsaka ako pumasok sa loob ng bahay

-
"Kelan ang lipat mo?" si kuya

"Bukas na" sagot ko "dinner bukas ha?" sabi ko sakanya

"Yeah okay" sabi nya atsaka tinap ang ulo ko at dumiretso paakyat, kaya ako din at dumiretso na papasok sa kwarto ko.

Mabilis ko din sinimulan na ayusin mga gamit ko habang ka videocall ko si shawn na nag aayos din ng gamit. Matapos ko mag ligpit ay kumatok si mommy at pumasok

"Dinner is ready" sabi nya

"Sunod po ako mom, ayusin ko lang po ito" sagot ko

"Help na kita" sabi nya atsaka ako pumasok lumapit saakin para tulungan ako isara ang natitira kong maleta. Pagkasara namin ng maleta ko ay tinignan nya isa isa ang mga maleta na naka ready na "You sure about this love?" tanong nya ulit

"Yes mom, why?" tanong ko

"Nothing haha, di ko lang maimagine talaga na yung baby ko eh aalis na sa bahay. Yung baby ko dati naiyak pa pag aalis ako for work pero ngayon sya na ang aalis" sabi nya

"For work din po mom, and don't worry hindi pa po ako mag papamilya or what. Gusto ko rin po muna maging successful na business owner" sabi ko

"I know anak,i know. mamimiss kita lalo"

"Mamimiss din kita mommy, lagi po ako pupunta dito at dito po ako mag sstay pag nandito kayo ni dad" sabi ko at niyakap si mommy.

Natapos namin magkausap ni mommy ay bumaba na kami pareho para sa dinner, andun na rin si dad and kuya

"What time kayo mag lilipat bukas anak?" si dad

"Mga 8am po dad, dadalhin na po namin nga gamit namin at ibang gamit na pinamili namin, para po makapag linis at ayos pa po before tayo mag dinner bukas" sabi ko

"What if mag hire kayo ng angel?" patukoy ni dad sa kasambahay

"Yes dad, wala pa lang po update samin yung agency na kukuhanan namin" sabi ko

"Eh? bakit kukuha ka pa? Yung iba dito na aalis na sila nalang ilipat mo dun sainyo tutal nagbawas talaga ako ng maids dito" dad

"Yes dad, kausapin ko po sila later" sabi ko

"Ako na kakausap anak, para makapag pahinga ka na mamaya after nito."

Nag dinner kami at nag kukwentuhan tsaka nag tatawanan, nag suggest din sila mommy na sila na daw magdadala ng ibang foods para daw hindi na kami mag luto at alam nya mapapagod kami ni shawn sa pag aayos ng unit bukas.

Bukas na bukas din daw ay ipapasunod nya na ang mga maids na ililipat namin sa unit which is dalawa lang naman, para daw may makatulong kami ni shawn. Nakita kasi nila sa magazine ang style ng condo na kinuha ni shawn at malaki nga daw ito masyado para saamin at kailangan talaga namin ng angel na makaksama dito.

Pagtapos kumain ay umakyat na ako dahil inaantok na rin ako, nag half bath nalang ako at skincare para makatulog ako agad at hindi na mag blow dry ng buhok.

Matapos ko mag asikaso ay ibinagsak ko na ang sarili ko sa kama, tinignan ko lang ang message ni shawn at nag reply. Nag update na rin ako na matutulog na ako, antok na antok kasi ako. Napuyat ako kagabi dahil sa kakanood ng mga decorations inspo sa fb.

Nagising ako sa ingay ng cellphone ko kinabukasan dahil tumatawag na pala si shawn sakin

"Goodmorning baby." bati nito

"Hmm,morning" sabi ko

"Bumangon ka na dyan, andito na ako sa baba" sabi nya at napa balikwas ako at bumangon na.

"Ok, ligo lang ako mabilis" atsaka ko binaba ang call at kumilos na. Matapos kong maligo ay naghanap ako ng masusuot ko dito sa damitan ko, marami rami din akong iniwan na damit dito at hindi ko kinuha lahat ng gamit ko dahil still bahay pa rin namin to. At hindi naman ako naglayas no.

Nagsuot lang ako ng croptop polo at loose pants para mabilis at maayos ako makaka kilos mamaya. Tinali ko lang ng pa ponytail ang buhok ko at nagsuot na ako tsinelas na crocs.

Bumaba din ako agad kasi anong oras na at madami pa kaming gagawin sa condo, may mga iunbox at inuwrap pa kami.

"Goodmorning"bati ko kay shawn na nakatingin sakin pagbaba at di na naalis ang paningin

"Goodmorning baby" sabi nito

"Sara mo yan" ako sakanya dahil halos naka nganga na ang bibig nya sa pakattitig nya saakin

"Ang ganda mo lalo kapag simple ka lang" sabi nya kaya nag blush naman ang pisngi ko kaya nayuko ako.

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon