"Congratulations jeu!!" bati saakin ni chalz at niyakap ako nito
"Thankyouuu,buti nakapunta kayo" sabi ko sakanila nila wayne,therese and seb
"Kanina pa kasi ginanap ang celebration ko, hindi naman ganun kabongga kaya kumain lang kami sa labas nila papa kasama si therese" si seb
"Yeah right, sa bohol kami mag celebrate next week after my graduation" si therese
"Wow, kami din next week after graduation ni shawn" sabi ko sakanila
"Saan kayo jeu?kami ni chalz sa batangas" si wayne
"Actually wala akong idea hahaha si shawn ang may balak" sabi ko at natawa
"Secret yan hahhaa" sabat agad ni shawn dahil malamang tatanungin namin sya.
"Andito na pala kayo, punta na kayo garden. Andun na yung iba" si kuya
"Ikaw san ka?" tanong ko
"May susunduin lang sa labas" sabi nya at lumabas, kami naman ay dumiretso sa garden. May dalawang malaking bilog na lamesa doon.
Isang table ay nakaupo na sila dad and mom kasama ang ibang business partners nila, sa isang lamesa naman ay wala pang nakaupo. At mukhang nakalaan para saamin.
Doon na kami dumiretso umupo at inasikaso naman kami agad ng mga staff ng catering na inavail ni mommy. Nagkukwentuhan kami nila shawn ng bigla may huminto sa table namin kaya napatingin ako dito.
"What are you doing here???" mataray na tanong ko dito
"Jeu" saway sakin ni kuya
"Congratulations sis in law!! Here's my gift" abot nya saakin ng regalo nya, tinignan ko si kuya at parang sinasabi nya na tanggapin ko ito. Kaya tinaggap ko ito at umupo na agad. Umupo naman sa harap ko sila kuya at kasama si chelseah kaya tinarayan ko lang to.
"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni chelseah kay chalzy
"Ikaw?anong ginagawa mo dito" balik ni chalzy ng tanong
"Mr and Mrs Vargas invited me here, how about you?" mataray na sagot ni chelseah, omg. Sila mom pa talaga nag invite sakanya
"Kaibigan ko si jeu" sagot ni chalzy na wala sa mood at hindi na pinansin si chelseah
"Excuse us" si kuya at tumayo sila ni chelseah dahil tinawag sila ni dad
"Kilala mo yun chalz?" tanong ko
"She's my sister" walang ganang sagot nya
"What?!" sabay na tanong namin ni wayne at seb
"Yeah, what's the problem?" tanong nya samin "ginugulo ba nung bruha na yun ang buhay nyo?"
"No" sabi ko "irita ako sa ate mo" diretsang sagot ko kaya hinawakan ni shawn ang kamay ko
"Same" sagot ni chalz kaya natawa kami " i don't like her, suppeeeeer!"
"bakit hindi ko sya nakikita love nung pumunta ako sainyo?" tanong ni wayne
"Hindi na sa bahay nakatira yan, sa condo na nya. Lagi kasi kami nag aaway kaya sya na mismo lumipat sa condo nya. Sya na nag adjust" sabi nito
Nag kwentuhan lang kami habang kumakain kaya mas napahaba ang oras namin doon sa garden.
"Jeuwel?anak" dinig kong tawag sakin ni daddy kaya napaligon ako sakanila, tumayo ako agad atsaka lumapit sakanya
"Here is my daughter, sya ang celebrant." pakilala sakin ni daddy "ang kauna unahan chef sa pamilya namin" dagdag nya pa kaya natawa ako at nakipag shakehands sa mga ipinakilala nya saakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/226917132-288-k96584.jpg)