"L-leigh??!!" napalakas na banggit ko
Napatingin ako kila seb dahil mukhang nagising sila sa pagkakasabi ko, naka tulog pala sila.
"bakit jeu?" tanong ni wayne
"si leigh" eka ko at nakatingin parin sa cctv
"huh?" si seb, atsaka pumunta sila dito sa pwesto ko sa likod kahit nahirapan sila sa pag urong dito dahil masikip. Atsaka nila tinignan ang tinitignan ko
"hala si leigh nga!" si wayne na napatakip pa sa bibig nya
"kuya pwede po ba bumalik tayo sa baguio?" tanong ko sa driver
"hindi po mam nasa express way po tayo" si kuya driver
"bawal mag u turn dito jeu" si seb na abala na rin sa pag call sa cellphone at titingin ulit sa cellphone ko.
"hello" si seb, kaya inispeaker phone nya ang call tsaka kami nakinig
"yo tol" tugon ni leigh sa telepono
"asaan ka?" si seb
"here in baguio, almost kakarating ko lang"
"i know" si seb na kunwaring seryoso
"i know that you know bro!hahahaha masyado nyong binalot ng cctv ang bahay eh" eka nito
"bakit hindi ka manlang nagsabing uuwi ka" si wayne pa kunwaring nagtatampo
"hindi rin ako magtatagal, nagbakasakali ako na maabutan ko kayo dito at surpresahin"
"ang dayaaaa" amok nanaman ni wayne
"flight ko rin 8am, gusto ko lang talaga sana makita at mayakap si jeu" seryosong sabi ni leigh, at napatingin naman saakin si wayne at seb
"cancel flight pare, tara bonding" anyaya ni seb
"i have something very important to do,bro. Im sorry talagang nag bakasakali lang ako dito"
Habang mag uusap sila ay tumulala nalang ako sa bintana para makaramdam ng antok, mabilis naman ako dinalaw nito kaya nakatulog din ako.
"We're here!" nagising ako sa sigaw ni therese "sorry jeu hehe" paumanhin pa nito ng makitang napa balikwas ako. Kakapasok lang naman sa subdivision namin kaya umayos na ako ng upo.
Sinilip ko ang cellphone ko at may message si shawn
Shawn Jasper Villano sent you a message.
"Welcome back to manila! Sunduin kita bukas, sabay tayo pasok. Pahinga ka mahaba and see you!"Nagmessage sya 48minutes ago at naka offline na ito. Nakaraang araw pa kasi sya nakabalik dito sa pilipinas pero may mga pinuntahan din syang meeting kaya kahit gusto nya sumunod sa baguio ay hindi na nya nagawa. Nag reply lang ako sa message nya at sinilid ko na ang cellphone ko sa bag ko tsaka na ako bumaba ng sasakyan.
"Jeu,dito na kami. Thankyou sa pa baguio" si seb na umakbay pa saakin
"Salamat jeu! Sa susunod ulit! At sana kumpleto na tayo" si wayne na lumapit din saakin dahil sya nag pasok ng maleta ko sa loob
"Thanks gurl!" si therese at nag beso pa saakin
"Thankyou jeu! More trips pa sana" si chalz
"Ano ba kayo! Wala yun hahaha deserve natin lahat mag bakasyon after nung hell week sa school hahahaha" yun lang at sumakay na sila sa mga sasakyan nila pagkatapos humalik sakin.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko tsaka ako naligo at ibinagsak ang sarili sa kama para maka idlip pa ako. Masyado pa kasing maaga 3am palang kaya need ko pa matulog