"Jeu!!tara dito dali make upan kita!" excited na sabi sakin ni therese,lumapit naman ako sakanya atsaka umupo sa kama nya.
"Marunong ka pala mag make up?" tanong ko sakanya habang tinitignan yung mga make up nya na naka lagay sa isnag pouch
"Natuto lang rin kakanood sa mga friends ko" sabi nya at tinatapat pa sakin ang mga shades,tinitignan kung bagay ba saakin yon.
Inumpisahan nya ako ayusna habang nag kukwentuhan kami about sa mga buhay buhay. Naikwento nya saakin ba noon palang ay kilala nya na si leigh dahil nakasama nya na ito sa isang business meeting dahil isinama din sya ng parents nya.
"Ready girls?" tanong saamin ni seb pagkabukas nya ng pinto
"Yeaaaaahs!!" sagot naming tatlo at umikot pa sa harap ni leigh si therese
"Calm woman, its too early" biro ni seb dito
"Hahahahahaha" tawanan namin tatlo, atsaka kami lumabas ng room, nakita ko si leigh na naka tayo banda sa veranda at naka dukdok sa cellphone.
Lumapit ako sakanya atsaka umupo kinatok ang glass door ng veranda.
"Love?" tawag ko sakanya, bumaling naman sya saakin at ngumiti.
"Gorgeous" bati nya saakin at tiningnan ang suot kong maong shorts na naka tuck in sa see trough ko na damit at nasa loob ko naman ay black bra din.
"Sino kausap mo?" tanong ko sakanya habang
"It's mom, may pinag usapan lang" sabi nya atsaka nya ako inakay papunta sa mga kasama namin na ready na lumabas.
Sabay sabay kami lumabas ng room at sumakay sa elevator dahil nasa roof top daw ang bar dito.
"Astig pala dito" sabi ni wayne
"Hindi ba kayo galing dito kanina?" tanong ko
"Hindi, doon kami sa kabila eh. Doon kasi yung gaming hall"
Pumasok kami sa loob ng bar at kita namin ang dami ng tao kahit 10pm palang ng gabi, nasabi saamin dito na 1am pa daw talaga ang happy hour at masyado pa maaga para don. Pero may mga pumunta siguro dahil ganitong oras nila pinili pumunta dahil chill palang ang mga tao.
Kami namn ay umorder muna ng mga cocktails dahil mamaya pa talaga start ng kasiyahan. Habang ang boys ay nag red label na agad.
Umandar ang oras namin at happy hour na pala at medyo may amats na kami dahil sinali na kami sa shots ng boys na red label pero naka 2 is to 1 kami.
Pumunta kami sa gitna at nagsasayaw kaming mga girls doon habang ang boys ay nakatingin lang saamin. Napansin ko ang sobrang titig saakin ni leigh kaya nilabanan ko ang tingin nya habang sumasayaw ako.
Hinatak ako nila therese para pumunta sa pwesto nila dahil sa kalasingan ko eh kung kani kaninong circle na pala ako napupunta. Nagsayaw lang kami ng nagsayaw nila chalzy ng may biglang humatak sa bewang ko. Nahampas ko pa ang kamay nito at mabilis na lumayo pero mas hinigpitan nito ang hawak saakin.
"Ampota!" sabi ko sabay harap dun sa humawak sa bewan ko pero pag tingin ko ay si leigh pala. "OMG!" sabi ko at takip sa bibig
"So sungit huh" sabi nya at lumapit na ako sakanya at sumandal sa dibdib nya, naramdaman ko naman na hinalikan nya ang ulo ko.