"San ka mamaya jeu?" tanong sakin ni wayne kasi nagbabalak silang tatlo na mag dinner sa labas
"Review sa bahay, need ko habulin yung pag rereview ko eh. Next week na exam" sagot ko naman habang may kinokopya na lecture
"Dinner sa labas?ayaw mo?" tanong nya
"Pass muna, need ko talaga mag review eh"
"Siguro adjust nalang natin para makasama din si jeu tsaka si therese" suggestion ni seb
"Yeah, that's right" sang ayon ni leigh
"Oo tama, adjust nalang after exam para kahit mag bar tayo hahaha" sabi ko pa
"Oo nga no? di ko naisip yun ah hahaha" sabi naman ni wayne
"Paano mo naisip eh puro laman ng isip mo yung bagong kainan sa mall" sabi sakanya ni seb
"Hahahha kita ko sa fb yun, opening kasi mamaya"
"Wankosayo"
-
"Tara canteen!" yaya ko sakanila "libre ni leigh" sabi ko
"Walang bago" buntong hininga ni leigh tsaka ako inakay palabas ng room habang naka hawak sa bewang ko.
Kita ko naman si liza na masama parin ang tingin saamin ni leigh, aware naman ako sa feelings nya kay leigh pero wala naman akong magagawa dun at ako nagustuhan ng gusto nya. Wala naman foul saamin ni liza dahil di ko naman sya kaibigan, kaya magalit lang sya hanggang kelan nya gusto.
"Gusto ko nito!" turo ko dun sa bagong labas na menu sa counter. Barkada set sya na may pasta at chicken may kasama na rin mashed potato and drinks, meron din isang set rice naman sya and grilled liempo and fried chicken naman ang ulam non tsaka may drinks din at dessert.
Umorder si leigh nubg dalawang barkada set kaya ang dami naming pagkain ngayon dito sa lamesa.
"Seb? Yayain mo kaya si therese?" sabi ko kay seb
"Oo sige,wait lang." sabi nya at nag labas ng cellphone para icontact si therese
"Ikaw din wayne, yayain mo rin yung nililigawan mo para naman marami tayo" sabi ko rin kay wayne
"Sige, subukan ko"
Atsaka sila nag contact sa mga nililigawan nila, ewan ko ba kasi dito kay leigh bakit inorder ang dalawang set. Sinabi ko lang naman na gusto ko niyon pero hindi ko sinabi bilhin nya as barkada set kasi apaka dami ng serving pag barkada set.
"Happy 1st month" bulong saakin ni leigh
"Happy 1st month" sabi ko rin " ang bilis no?nakaraan lang di pa kita halatang may gusto sakin hahahaha" biro ko sakanya na ikinatawa naman nya ng mahina.
"Torpe nga" amin nya naman
"Hahahaha"
"Jeu?sunduin ko lang si therese sa labas. Dun kasi sila nakatambay ng friends nya eh" paalam ni seb
"Sure" sabi ko kay seb "ikaw?" baling ko naman kay wayne na naka dukdok pa rin sa cellphone
"Patapos pa lang klase nya, pero puntahan ko na rin sabay ako kay seb" sabi nya kaya tumayo ito at sumunod kay seb
"Hoy baste!! Hintayin mo'ko!" sigaw ni wayne dito kahit hindi pa ito ganun kalayo sa pwesto namin at halos hindi pa nakakalabas ng canteen.
"Ingay mo wayne!" sita sakanya ni seb
Nag kwentuhan lang kami ni leigh about sa mga nireview nya kagabi kaya napa quick review na rin ako while waiting sa mga kasama namin.
"They're here" sabi ni leigh kaya nilingon ko sila seb na kasama si therese na halatang nahihiya at ang kasama din ni wayne na halatang bwisit kay wayne
"Hello therese!" bati ko dito at nakipag cheeks to cheeks pa tsaka ako humarap sa kasama ni wayne.
"Hello! Im jeuwel" lahad ko dito ng kamay, mabilis naman nya itong tinanggap atsaka nahihiyang ngumiti. "Hi! Chalzy""Have a seat" sabi ko at inalok sakanila ang upuan na nasa harapan namin ni leigh, umupo naman sila doon at inalalayan pa nila seb at wayne.
Tignan mo nga naman itong mga lokong to, ang babait sa mga nililigawan nila hahaha daig pa sinapian ng anghel sa hinhin at bait.
"Let's eat" anyaya ni leigh saamin kaya kikilos na sana kami para kumuha ng pagkain ng biglang umubo si wayne ng sadya. Yeah alam namin hahaha
"Pray muna pala haha" si seb
"Wow, bait mo naman kier at nag ppray kapa before eating" puri sakanya ni therese
"Ah hahaha oo nakasanayan na namin talaga yun kasi si wayne hindi talaga nakain yan kapag hindi nakakapag dasal" sabi nya
"Totoo ba?hahaha ang galing naman"
Ayun at nag dasal na muna kami na pinangunahan rin ni wayne.
"If you don't mind po ate jeu, ano po meron bakit ang daming pagkain?" nahihiyang tanong saakin ni Chalzy
"Ahh hahaha wala trip lang namin kasi mukhang masarap atsaka little celebration na rin namin ni leigh. 1st month" sagot ko sakanya
"Sweet naman,sana all hahahah" si therese
Nagpatuloy kami sa pagkain atsaka kami lumabas sa canteen at tumambay sa bench, nakaupo kaming anim dito pero may kanya kanya kaming pinag uusapan. Ang labas ay naging triple date pa bigla HAHAHHAHAA
"Ok quick review ulit tayo" sabi ko kay leigh kaya nakinig lang sya saakin sa mga sinabi ko. Habang tumatango sya. Ganun lang ang ginawa namin buong oras na natira before afternoon class kaya may mga pumasok na sa isip ko at napadali ang pag rereview ko kasi tinutulungan ako ni leigh. Sinasabi nya saakin kapag may mali or nakalimutan ako, tiwala ako sa alam nya kasi matalino si leigh at always nasa top. Hindi na ako magtataka kung mag cum laude to sa college.
"Tol?jeu? Hatid lang namin sila, kita kita nalang tayo sa room" paalam samin ni wayne, chineck ko naman ang oras ay meron pang 10mins before next class.
"Bye therese! Bye Chalzy!" paalam ko sakania
"Bye jeuwel,thanks sa lunch leigh. Happy monthsarry sainyo!" bati nya saamin.
"Bye ate jeuwel, Happy monthsarry po. Salamat sa lunch" si chalzy
"Tama na kaka ate mo chalz, jeu nalang hahaha" sabi ko dito kaya ngumiti naman sya
"Sige, jeu. Salamat ulit" sabi nya samin
"Dito muna kami tol" si seb
Pagka alis nila ay nagligpit rin ako ng gamit ko na ginamit sa pag rereview para maka akyat na kami ni leigh sa room.
"Akyat na tayo love" sabi ko sakanya kaya tumango naman sya atsaka ako inakay palakad at nakahawak sha ulit sa bewang ko tsaka ako hinapit sakanya at bumulong sya saakin.
"iloveyou jeuwel khazandra...kada titignan kita ang saya saya ng puso ko."