CHAPTER 48

0 0 0
                                    

Kinabukasan ay maaga din kami nagising dahil aalis kami ngayon at bibili sa mall ng susuotin ni shawn para sa graduation nya tomorrow

"Baby, luto na breakfast" yaya nya saakin dahil nag sskincare pa ako

"Okay!"masigla na tugon ko "What time pala tayo pupunta sa mall?" tanong ko

"After lunch siguro,why?"

"Wala,gusto ko kasi matulog pa. Feeling ko ang bigat ng katawan ko at masakit" sagot ko sakanya at humarap ulit sa vanity ko para mag apply ba ng sunscreen. Narining ko naman syang tumawa kaya napalingon ako sakanya

"If you want to sleep pa pwede naman na ako nalang ang bumili para makapag pahinga ka pa" suggest nya

"No!sasama ako!ako nga mamimili ng susuotin mo diba para matchy tayo hehehe bibili din ako ng sakin" sabi ko

"You sure?"paninigurado nya at tumango naman ako "are you done?let's go" yaya nya ulit sakin

Lumabas na kami ng room at naabutan ang angels namin na nag aasikaso ng lamesa

"Ate,kumain na po kayo?" tanong ko sakanila

"Opo ma'am kanina po bago kami mag umpisa magluto ng almusal nyo." sagot nya kaya tumango na ako at naupo na sa upuan

Natakam naman ako bigla sa mga nakahain sa lamesa namin dahil puro paborito kong breakfast meal ang nandito. Like Tapsilog at Chicksilog sinamahan pa ng chocolate drink

Natapos kami nag almusal at tumambay muna kami sa living area at nanood ng tv pampalipas oras namin kasi napag desisyunan namin na before lunch na kami umalis para sa mall na kami mag lunch.

Pinalipas lang namin ang oras at nanood lang kami ng dalawang movie hanggang sa naisipan na namin kumilos, ako ang nauna maligo dahil matagal daw ako kumilos sabi ni shawn at mag aayos pa daw ako ng sarili ko pati sa pamimili daw ng damit ay inaabot ako ng oras hahaha.

Pagtapos ko maligo ay nag lagay lang ako light make up sa mukha ko atsaka ako namili ng susuotin ko at ang napili ko lang ay isang plain white tshirt at denim shorts atsaka kinuha ko yung shoulder bag ko at nilagay doon ang cellphone at wallet ko, nagdala na rin ako ng liptint.

Paglabas ko ng room ay nagsuot naman ako ng socks at yung stansmith ko na sapatos.

"Im ready" sabi ko at hinanap si shawn sa sala "ate asan si shawn?" tanong ko kay ate na nag lilinis sa living area

"Nasa office nyo po ma'am" sagot nito kaya pumasok na ako sa office namin

"Tara na by" yaya ko dito at nakatayo lang sya sa harap ng closet nya at namimili ng damit na susuotin, lumingon naman sya saakin atsaka dinampot ang black shirt nya

"Wow black hahaha" komento ko sa suot nya, naka black tshirt kasi sya at denim pants atsaka naka air force na sapatos

"Para hindi tayo masyado g pareho hahaha,baka akalain nila may burol tayong pinuntahan pag pareho tayo naka white" sabi nya at natawa naman ako sa naisip nyang sasabihin ng iba

Mabilis lang rin kami nakarating sa mall dahil hindi naman traffic sa dinaanan namin at malapit lang naman tong condo namin sa mga malls

Pagbaba namin ay didiretso na sana kami sa department store ng nakita ko yung stall ng ilao-ilao na yogurt ice cream kaya bumili muna ako.

Pumunta na kami sa department store at nag ikot ikot muna dahil di rin namin kabisado tong mall na to at hindi naman to katulad ng mall na madalas namin puntahan doon sa lugar namin.

"Feeling ko mag wine red ka" sabi ko sakanya at tinitignan ang mga available polo na nasa harap ko

"Sure?" tanong nya at tinitignan ang sarili sa salamin

"Yep, kasi kung mag black ka masyado na syang common like white, if powder blue naman ay para kang bebe boy" sabi ko sakanya at natawa

"Ok, ate i get this one large size" sabi niya bigla sa staff na nandun at inabot yung sinabi ko "ikaw?ano susuotin mo?" baling nya sakin

"Hindi ko nga alam eh, wala ako nagustuhan dun sa nakita ko. Akyat tayo doon madaming pang babae na dress" sabi ko

"Bili ka rin new sandals mo ha, ako din." paalala nya sakin

"Oo naman" ako

Dumating din agad yung staff at inabot samin yung size na sinabi ni shawn atsaka kami umakyat sa 2nd floor ng department store at doon na bumungad samin ang mga pang babae na gamit. Umikot ikot lang kami at may isang dress na red ang umagaw ng atensyon ko. Hindi sya masyadong maikli siguro nga 2-3inch ang agwat sa taas ng tuhod,halter neck dress.

Chineck ko yung price at pasok naman sya sa budget ko kaya kinuha ko na iyon at pinakita kay shawn

"Gorgeous" sabi nya

"I get this one" sabi ko skanaya at tumango naman sya at tumingin sa kabilang side ng mga sandals, sya na rin namili ng sandals na babagay sa suot ko na halter dress kaa hinayaan ko na sya. Ewan ko ba sa lalaking to pag namimili ako ng damit ko gusto nya may ambag sya sa pag sstyle sakin hahaha.

After namin mamili ng mga damit namin ay tsaka kami naghanap ng kakainan

"Jollibee?" tanong nya

"No, nag c-crave ako sa pepper steak" sabi ko sakanya atsaka kami tumungo sa food court at doon hinanap ang kinakainan din namin dati na pepper steak. May pepper steak naman sa jollibee pero nas gusto ko yung lasa ng dito kaya dito na kami kumain.

Kumain lang kami atsaka nag ikot saglit sa mall hanggang sa napadaan kami sa bilihan ng jewelry at huminto kami doon, hinayaan ko naman na huminto kami dahil akala ko bibili si shawn ng susuotin nyang necklace or bracelet kaya ako humahanap hanap lang ako ng magagandahan ako pero di ako bibili kasi ang dami kong jewelry sa bahay.

Nung wala ako nagustuhan sa stante ng mga earings at necklace ay nakita ko si shawn na nakatingin sa mga singsing na naka display doon.

"Gusto mo?"tanong nya sakin

"Nope, madami akong rings sa bahay" sabi ko at tinignan ang mga naka display na singsing at may isang singsing ang umagaw sa atensyon ko, wala pa ako ng ganun na style kaya nakatitigan ko sya maigi, pero hindi ko sya priority ngayon may gagamitin pa naman ako kaya hinayaan ko na at tumingin kay shawn na nakatingin din sakin.

"Unang bili ko sayo ng singsing dapat oo ang sagot mo ha?" sabi nya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 5 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon