CHAPTER 35

0 0 0
                                    

Ilang buwan na ang lumipas at huling beses na ano nakatanggap ng sulat o mensahe kay leigh noong nagpadala sya ng bulaklak at mga regalo. Until now ay hindi ko parin binubuksan ang mga regalo na iyon kaya wala akong idea sa kung anong laman nito.

Ilang buwan din ako palaging umiiyak at hindi masyado kumakain dahil namimiss ko parin sya at pakiramdam ko ay pagod ako palagi.

Ngayon ay first year college na ako,si seb ang classmate ko sa culinary arts habang si wayne naman ay engineering pero sa kabilang building lang.

Si shawn naman ay nagiging malapit kami sa isa't isa, noong bakasyon ay niyaya nya ako palagi kumain sa labas at gumala. Tinanong ko sya kung para saan yung ginagawa nya pero wala lang daw iyon kaya hindi na para mag assume ako.

"Jeu?tara sabay kana sakin pauwi" si seb

"Paano si therese?"

"Malilate sya ng uwi pero sabay sila ng daddy nya uuwi at dadaanan sya mamaya" sabi nya

"Okay sige! Daan tayo 7/11 libre moko ice cream ha" sabi ko dito

"Oo ba basta wag yung magnum ha?" paalala nya pa kaya natawa naman ako hahaha

May sasakyan na si seb na ginagamit, hindi bago dahil pinaglumaan ng papa nya. Hindi narin naman madalas nagagamit ng papa nya kaya sya na ang gumagamit kasi mas nahihiligan na ni tito ang motor.

"Kamusta na kayo ni therese?" tanong k sakanya habang kumakain kami ng cornetto sa labas ng 7/11

"Ok naman kami, going strong. Ikaw kamusta kana?" baling nya sakin ng tanong

"Ok naman na...siguro" sabi ko

"Maghihilom din yan jeu, dito lang kami para sayo pag kailangan mo kausap" sabi nya saakin, na touch naman ako.

"Seb?"

"Hmm?"

"Tingin mo ba dapat ba buksan ko na yung regalong binigay nya?"

"Hindi mo parin ba binubuksan?"

"Hindi pa eh"

"Bakit?"

"Wala lang, feeling ko kasi iiyak nanaman ako pag naalala ko nanaman sya"

"Ganun talaga jeu, face your fears"

"Hindi ako takot no!" depensa ko

"Pero iniiwasan mo buksan?kasi maiiyak ka?bakit ka maiiyak?" sunod na sunod na tanong nya

"Buksan ko nalang siguro no?para wala na akong isipin ba parang may kulang saakin hahhaa, ganun kasi pakiramdam ko eh"

"Yeah, tsaka regalo lang yun no hindi ka naman sasaktan ng sobra ng regalo hahaha"

Pagtapos namin kumain ng ice cream ay hinatid nya na ako sa bahay, sakto naman pag hinto ng sasakyan nya ay nasa labas si kuya may kausap sa phone. Humalik lang ako sa pisngi nito at kumaway lang sya kay seb bago ako pumasok.

"How's school?" tanong nya sakin

"Ok naman, doing good naman ako palagi" sabi ko sakanya

"Good to know, drink your vitamins palagi ok?"

"Noted" sabi ko atsaka paakyat na sa kwarto

"Jeu? Appointment mo bukas sa sa psych mo" naiilang na sabi ni kuya sakin

"Okay, ano oras?" tanong ko

"Pag uwi mo from school siguro punta tayo, until 2pm kalang naman bukas diba?"

"Yep" sabi ko at umakyat na. Yes nag papa psych ako nung mga time na wala na akong ginawa kundi umiyak, maski pag tulog hindi ko na magawa ng maayos. Nag aalala sila dad sakin noon kaya sinuggest nila ako na magpa psych na.

Hindi naman ako na offend or what, alam ko rin sa sarili ko na need ko na din ng advice at taong makakausap. Wala naman masyadong naging problema saakin bukod sa hindi ko pag tulog ng maayos. Kaya binigyan ako sleeping pills kaso mataas ang dosage ng iniinom ko dahil palaging putol putol ang tulog ko.

Hanggang sa kada bisita ko dun ay ang kukwento ako about sa nangyari sa buong araw na hindi kami nagkita ng psych ko at kada punta ko din ay nababawasan ang dosage ng sleeping pills ko dahil nagiging better na daw ako.

Pagpasok ko sa room ko ay nag asikaso lang ako at nagpahinga para makapaligo na. Pagkatapos ko maligo ay umupo ako sa kama ko para mag isip isip. Naalala ko yung mga regalo na bubuksan ko kaya kinuha ko ito sa closet ko.

Inilapag ko ang mga paper bags sa gilid ng kama ko tsaka inumpisahan buksan ang unang paper bag. Sweatshirt ang laman nun at kulay pink and white tsaka may naka burda sa gitna na "My love" napangiti naman ako sa regalong to kaya itinabi ko at isasampay ko mamaya sa closet ko.

Pangalawang regalo na binuksan ko ay malaking box , binuksan ko ito at nakita ko ang jewelry set na napaka ganda. May letter sa loob kaya binasa ko iyon "Wear this pag pumunta ka sa baguio" huh?baguio? Ako pupunta? Tinitigan ko ulit yung jewelry set. Hindi sya ganun kabongga na mabato at malalaking pendant pero set sya na maganda sobra.

Pangatlong regalo na binuksan ko is yung pinaka maliit,isa lang syang maliit na box. Pag bukas ko niyon ay nakita ko ang susi ng bahay ni leigh sa baguio, may keychain ito na nakasabit at mukhang may kapareho ang keychain na 'to.

Pero bakit nya binibigay saakin to? Unang regalo sweatshirt tapos jewelry set and last susi ng bahay nya sa baguio?

Ibinalik ko iyon sa closet ko at dinisplay ko na ang jewelry at hinanger ko na yung sweatshirt, yung susi naman ay itinabi ko sa bed side table ko.

Natulog na ako at gumising kinabukasan dahil sa ring ng phone ko.

"Hello?" nakapikit na sagot ko

"Kilos na aba malilate ka nanaman" si shawn

"Omg!oo nga pala sige bye!" pagka kita ko sa oras ay 7am na tapos ang first subject ko ay 9am. Medyo malayo layo pa naman dito ang pinag aaralan namin compare nung school namin nung senior high.

Kumilos na ako agad atsaka bumaba, minessage ko si seb na daanan ako sa labas ng village namin para sumabay ako sakanya at sakto naman na papunta na sya at medyo malapit na.

Pagbaba ko ay bumati lang ako kay kuya at dumiretso na palabas, wala naman sila mom and dad kasi nasa ibang bansa na sila ulit dahil nagka problema daw yung business partner nila tungkol sa business.

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon