CHAPTER 36

0 0 0
                                    

"Muntik ka nanaman ma late" si shawn na nakasabay ko pa maglakad papasok sa campus

"Buti nalang tumawag ka,salamat!" sabi ko sakanya, sinabayan nya ako sa paglalakad kahit sa kabilang way ang building nya.

"Oh?doon building mo ah" eka ko si

"Pupuntahan ko kasi yung faculty dito sa building nyo,may ipapasa ako" sabi nya kaya tumango nalang ako at diretso na kami naglakad.

Sa taas pa ang room ko sya naman ang sadya nya ay sa baba lang, kaya iniwan ko na sya don tsaka ako nagmadaling umakyat.

Pag akyat ko ay wala pa yung prof namin, sakto lang rin ang dating ko dahil ilang minuto lang nung dumating ito. Andito na rin si seb at late din pumasok dahil hinatid nya pa sa building si therese kaya nag hiwalay kami sa parking.

"Kasabay mo si shawn kanina?" tanong ni seb saakin pagkalabas ng unang prof namin.

"Oo, sumabay sya may dadaanan daw kasi sya sa faculty dito" walang ganang sagot ko at inilabas ko ang cellphone ko para mag scroll.

"Hanggang 2pm lang tayo jeu, susunduin ka daw ni kuya symon mamaya may appointment daw kayo" paalala nya saakin

"Oo nga pala, nawala sa isip ko buti pinaalala mo hahaha"

"Kumain kaba kanina bago umalis?" tanong nya saakin

"Bakit?ano ulam mo ngayon?" excited na tanong ko sakanya

"Wala hahahaha, masarap asadong meatballs dun sa canteen. Ayun kakainin ko mamaya ikaw ba?"

"Di ko alam, wala naman ako ganang kumain gusto ko lang uminom ng tubig" eka ko sakanya at kinuha ang tubig nya sa bag tskaa uminom.

Dumating na ang next prof namin at hanggang 12nn na to, kaya nakinig ako at nag take down notes para sa mga keywords.

Natapos ang morning class namin kaya dumiretso kami ni seb sa canteen.

"Kumain ka jeu, naiinom mo ba vitamins mo?" tanong nya sakin

"Oo, wala akong trip kainin ngayon bet ko lang ng sweets" sabi ko

"Mag rice ka, susumbong kita kay symon tamo"

"Eto na nga diba?eto na lalakad na oh pipila na para maka order! Inanto sumbungero" sabi ko at natawa naman sya saakin tsaka nag dutdut sa cellphone nya.

Umorder ako ng isang rice at isang pork steak tsaka isang grahan de leche, si seb naman ay umorder ng asado meatballs atsaka ice cream.

Sabay kami kumain at nag kwentuhan lang kami about sa mga topics kanina sa discussion and yung about sa recovery ko kung kamusta na daw ba ako. Hindi ako masyado nagkwento dahil ayoko na maalala yung pangungulila ko sakanya.

"Ah jeu, hintayin mo ako dito ok lang?hahatid ko lang kay therese tong lunch nya, late na sila pinag lunch eh tapos may ginagawa pa sila kaya di sta makakababa" paliwanag nya

"Sige ok lang, mauna na ako sa room para makapag review pa ako" sabi ko

"Hatid muna kita,tara?" aya nya

Naglakad na kami pabalik sa room kaya umupo na ako sa upuan ko pagkarating at nagbasa lang ng mga sinulat ko kanina. Pumunta na rin si seb kay therese at malamang sa malamang mamaya pa ang balik non habang hindi pa natunog ang bell.

"Jeu, may naghahanap sayo sa labas" sabi ng mayor namin sa room

"Huh?sino daw?" ako, pero nag kibit balikat lang ang mayor namin sa room atsaka ako tinalikuran. Expect kong sila chalzy or wayne ang pumunta saakin dahil madalas silang ganon.

"Oh?napadayo ka dito?" tanong ko kay shawn

"Gusto ko iabot sayo to, alam ko kasing hindi ka nakapag breakfast kanina at nagmamadali ka" abot nya saakin ng paper bag na may laman na pagkain

"Ehh? Di mo naman kailangan gawin to" sabi ko sakanya at ibinalik ang tingin ko sakanya

"I insist,jeu. Take it" abot nya saakin ng paper bag at tinanggap ko naman iyon.

"Ok, kumain na ako pero mukhang masarap to kaya kakainin ko hahaha" sabi ko at tumingin sa oras 5mins nalang tutunog na ang bell.

"Guys! Listen! Nasa meeting si Ma'am yap kaya cancel daw ang meeting natin today. Expect nya daw na makakapag review tayo para sa graded recitation bukas." sabi ni mayor

"Oh?wala na rin kayong klase. Tara kainin mo na yan sasamahan kita" si shawn

"Teka! Eh paano ka?" sabi ko dahil inaalala ko na baka may klase sya

"Nasa meeting din saamin, i guess lahat ng teachers ang may meeting. Let's go?" yaya nya saakin

"Saan naman tayo?" tanong ko

"May gagawin kaba ngayon?" tanong nya saakin

"Hmm" nag iisip ako "ah oo may appointment ako sa psych ko, follow up. Pero mamayang 3pm pa siguro yun pwede naman" sabi ko

"Ok sige, dito nalang tayo sa malapit" sabi nya at hinatak ang bag ko na bitbit ko sa isang kamay tsaka ako hinatak palabas sa campus at papunta sa parking lot.

"Sana pinatay mo nalang ako shawn" hingal na sabi ko

"Hiningal ka don?naglakad lang naman tayo" sabi nya at binuksan ang sasakyan nya "get in" pumasok naman ako at inilagay ang bag ko sa backseat pati narin yung food na bigay nya.

"May alam akong lugar malapit dito, maganda at maaliwalas" sabi nya atsaka pina andar ang sasakyan. Wala pang 10mins ay nakarating na kami sa sinasabi nyang lugar.

Para syang village na hindi pa tapos pero may mga bahay na magaganda na at kakaonti palang ang tao. Andito kami ngayon sa clubhouse at ang ganda rin ng view dito dahil nasa bandang itaas ito. At style gazebo lang ang club house dito,siguro dahil hindi pa tapos?

Mula dito sa pwesto namin ay makikita mo ang maraming puno at damuhan, napaka payapa dahil puro green lang ang makikita mo.

"Alam mo ba? dyan mismo sa pinupwestuhan mo ang magandang spot para makita ang buwan" rinig kong sabi ni shawn kaya tumingin ako sakanya

"Weh?parang gusto ko tuloy pumunta dito pag gabi."

"Pwede naman, lagi rin naman ako nandito" siya

"Huh?bakit?" hindi sya sumagot at inilatag sa harap ko ang mga pagkain na binigay nya saakin.

"Bakit ako lang ang kumakain?ikaw hindi kaba kakain?" tanong ko

"Kaka kain ko lang kanina nung binigay ko sayo yan" sabi nya at tumingin sa maraming puno

Nag stay lang kami doon at nag kwentuhan ng mga experience namin sa mga course na kinuha namin, mukha naman syang nag eenjoy sa course nya at ako din.

"Bukas ako ang magbabaon ng kain at ulam, lulutuan kita" sabi ko sakanya

"Sige nga, patikim nga ng luto ng isang culinary student" biro nya sakin

"Hm!pwede na mag asawa!" eka ko at natawa kami pareho. Nawala naman agad ang ngiti sa labi ko ng may naisip ako

...pero ang gusto ko mapangasawa eh wala dito...

"What's wrong?" tanong ni shawn

"Wala!hahahha tara na mag 2pm na, mag aasikaso pa ako" sabi mo at tinext si kuya symon na wag na ako sunduin dahil ihahatid ako ni shawn.

"Sana lagi tayong ganito..." wala sa sariling sabi ilni shawn habang tulala sa kawalan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon