Ilang araw na ang lumipas at hindi na rin talaga pumapasok si leigh,miss na miss ko na sya. Nagawa ko na rin syang puntahan sakanila pero walang tao dun nung pumunta ako.
Ano bang nagawa kong mali? May nasabi ba ako? Hindi ko alam nasaan sya at wala akong idea maski ano kung nasaan sya or kung ano ginagawa nya.
"Focus" sabi ni shawn, kami ang magkatabi ngayong 2nd semester. At magka group pa kami sa project na ginagawa namin ngayon.
"S-sor-rry" sabi ko at inayos ang pagkakaupo tsaka pilit na nakinig sa dinidiscuss nya saaming mga ka grupo nya.
"Hindi na ba talaga papasok si Mr. Dela fuente? ilang activities na ang na missed nya this semester" biglang tanong ng prof sa buong klase, napayuko nalang ako at naramdaman ko naman na inabot ako ng tingin nila seb at wayne pero hindi ko na sila tinignan pabalik.
Natapos ang meeting namin na yun atsaka ako lumabas ng room mag isa
"Jeu!" tawag saakin ni seb, hindi ko sya nilingon at nag dire diretso lang ako papunta sa bench na madalas namin tambayan ni leigh kapag vacant time.
Inilabas ko ulit ang cellphone ko tsaka chineck ulit kung nakapag online na ba si leigh pero 4days ago na syang hindi nag oonline at cannot be reach parin ang phone number nya.
Naramadaman kong may sumunod saakin at tumabi sa akin, hindi ko na ito nilingon dahil sa peripheral vision ko base sa tindig ng katawan at tangkad nito ay si shawn ang taong to.
"Kung isa ka sa magtatanong kung bakit ganito ako wala akong masasagot sayo dahil maski ako hindi ko alam kung bakit" pangunguna ko sakanya.
"Di naman kita tatanungin, tinabihan lang kita" sabi nya kaya nilingon ko sya ng naka kunot ang noo ko.
"Gusto ko kasi sabihin sayo na wag mo pabayaan ang pag aaral mo dahil sa nararamdaman mo, maraming oras para malungkot wag mo na isabay sa oras ng pag aaral" sabi nya at kinagat ang dala nyang sandwich habang nakatingin ng diretso sa di ko alam kung saan.
"Wag mo nga akong turuan ng gagawin ko" sabi ko sakanya tsaka ko sya inirapan
"Sinasabi ko to sayo kasi ka grupo kita sa lahat ng groupings at partner pa kita sa isang special project, ayoko maapektuhan ang grades ko dahil lang sa kapabayaan mo" ani niya
"Edi sana ikaw mag isa nalang gumawa lahat non" sabi ko
"Eh paano ka?"
"May mga kaibigan ako"
"Okay" sabi nya atsaka kumain ulit
Dinukdok ko nalang ang sarili ko nang magsalita ulit si shawn
"I saw him,nasa states sya ngayon." biglang sabi nya kaya napalingon ako sakanya at biglang nagtayuan ang balahibo ko
"What?"
"I saw leigh sa states, he's in america" sabi nya saakin tsaka nya ako tinapunan ng tingin
"Paano naman ako maniniwala sayo?" sabi ko, hindi sya umimik at nilabas nya ang cellphone nya at may pinakita saakin.
Instagram story yun na video at kitang kita ng dalawang mata ko si leigh na may hawak na alak habang may kausap na isang lalaki sa veranda ng lugar na yon.
"Yang nag story sa IG, she's my cousin and sa america sya nakatira. At ayang place na yan ay isang party house doon" paliwanag nya, natulo ang luha ko habang pinapanood paulit ulit ang video.
"Nasa america na pala sya..." sabi ko at nagtakip ng bibig dahil hindi ko napigilan ang sarili ko na umiyak. "Hindi man lang nya ako sinabihan, hindi manlang nya ako kinausap" sabi ko pa "kaya pala nung huling araw na magkasama kami ay ayaw nya na ako halos bitawan...kung aalis naman sya hindi ko naman sya pipigilan eh susuportahan ko sya kung anong balak nya, bakit naman ganito?anong rason nya at umalis syang walang paalam" malungkot na sabi ko tsaka yumuko dahil nararamdaman ko nanaman ang luha sa mata ko
