"Yes!" sagot ko kay shawn at niyakap nya ako ng mahigpit
"Thankyou!thankyou jeu!!" paulit ulit na sabi nito saakin
"Oh my god!!" sabi ko pa atsaka sya humiwalay sa pagkakayakap namin at inalalayan ako umupo sa nag iisang lamesa at upuan na nandito.
Nag umpisa kami kumain at kwentuhan kami ng kwentuhan about sa mga plano nya before this at pinag isipan nya maigi paano daw nya sasabihin or paano nya ako yayayain dito.
Para saakin ngayon ito ang pinaka masayang araw ko, i feel free and loved.
Lumipas ang ilang buwan at nabusy kami pareho ni shawn sa kanya kanya namin pag aaral at sya naman ay pati sa business na inaasikaso nya. Minsan ay tinutulungan ko sya about sa business pero madalas eh ayaw nya at hayaan ko daw sya dahil trabaho nya daw iyon.
Kahit natutok kami sa pag aaral ni shawn ay may araw na nag d-date kami at nag celebrate ng monthsary namin syempre, masaya ako sa kung anong relasyon meron kami. Ngayon na kami na ay mas naramdaman ko yung pagmamahal nya at yung care nya saakin. Masyado nyang pinanindigan ang perfectionist kaya walang tapon sakanya pagdating sa relasyon,tulad ng sabi ko. He's the standard
This is my last day of being college student,bukas ay graduation ko na. Si Shawn naman ay next week pa dahil magkaiba talaga kami ng sched at iba ang course nila, hindi kasi nag agree na pagsabayin lahat ng course dahil masyado raw madaming students.
"Oh my god!!" sigaw ko nung regaluhan ako ni dad ng new car
"You deserve it! You did great job anak! Im very proud of you" sabi nito dad at hinalikan ako sa noo
"We're very very very proud of you baby" si kuya
"Kuya naman eh!"
"Bakit? Baby padin kita habang hindi ka ikinakasal tandaan mo yan."
"I agree." si dad
"And jeuwel need to enroll the driving school" singit ni mom
"Of course" si dad "wag ka nerbyosa dyan honey, malaki na yan si jeu"
"Hay nako dad, nerbyosa talaga yan si mom. Remember? When my first driving school? Hahahahah"
Nauwi sa kwentuhan at tawanan ang dinner namin, tinanong din nila ako about sa plans ko after graduation, actually hindi ko pa talaga alam. Parang gusto ko muna mag travel habang nag bubusiness sana.
"Goodnight mom!dad and kuya" paalam mo sakanila pag akyat namin
"Goodnight, restwell baby!" si mom
"See you tomorrow" sabi ko atsaka pumasok na sa room ko.
Ginawa ko muna ang night routine ko atsaka ako umupo sa kama ko at nagbukas ng cellphone, bumungad naman saakin ang message ni shawn.
Baby❤️
"Congratulations baby!"Me
"Thanks baby! See you tomorrow"Baby❤️
"Pwede ka ba yayain para bukas?"Me
"Strict ang parents ko eh"Baby❤️
"Ako magpapaalam sakanila mismo hahahaha"Me
"Loko! Hahahaha sige na sleep na ako need ko mag beauty rest"Baby❤️
"Palagi kang maganda"
"Look at the moon, maganda. Parang ikaw"Nagreply lang ako at nag paalam na rin kami sa isa't isa, bago ako humiga ay pumunta muna ako sa veranda para tignan ang buwan.
Bilog na bilog ang buwan at napaka ganda nito dahil sa liwanag na taglay nito. Kinuhanan ko ito ng litrato atsaka ko rin nilagay sa story ko sa instagram.
"payapa ang puso"
Iyon ang naging caption ko atsaka ko na ibinaba ang cellphone ko at ninamnam muna ang ganda ng buwan. Hanggang sa naisipan ko na pumasok sa loob at matulog na.
-
-
"Goodmorning!!!" bati ko sa sarili ko pagkabangon ko atsaka humarap sa salamin.Pagtapos ko titigan ang sarili ko sa salamin ay dumiretso na ako sa CR at ginawa ang morning routine ko.
Nang matapos na ako nag asikaso ay tsaka ako bumaba para mag breakfast
"Goodmorning fam!!" sigaw na bati ko sakanila
"Goodmorning babyyy!" si mom
"Goodmorning love" si dad
"Goodmorning panget" si kuya
"Okay, dahil good mood ako at ayoko masira araw ko, hindi kita papatulan" sabi ko at dumiretso sa upuan ko tsaka nag salin ng kakainin
"What time ang celebration pala?" si kuya
"Dinner time dito nalang sa house kasj ayaw ni jeu lumabas" dad
"Dad after po sana ng ceremony may lakad kami ni shawn"
"Okay, make sure babalik before dinner"
"Noted!" sagot ko at magana na kumain
Nag message lang ako kay shawn atsaka ako kumilos at nag ayos ng sarili ko, dumating na rin yung mga make up artist na hinire ni mommy para mag ayos samin for today.
Matapos kaming ayusan ay kinuha na ni kuya ang toga ko atsaka kami dumiretso sa sasakyan, this time ay si dad ang driver at si mom sa tabi nya. Kami naman ni kuya sa likod.
Mabilis lang kami nakarating sa pag gaganapan ng graduation at sumalubong saamin pagbaba si seb na kasama si tito at ang kapatid nya.
"Hi tita!" bati ni seb "Hi tito!"
"Hello! Congratulations seb!" bati ni mom at si dad naman ay tinapik ito sa balikat.
"You can build your own restaurant seb, dalawa kayo ni jeu" suhestiyon ni dad
"Planned na po tito hehehe nagkasundo na po kami ni jeu about dyan" si seb
Dumiretso na kaming lahat sa loob at pumunta na sa kanya kanyang pwesto, mabilis lang ang naging andar ng paunang seremonyas hanggang sa nagtawagan na ng mga students na aakyat sa itaas ng stage.
Mabilis lang ay natawag na ako at umakyat na kami ni mom together with dad ang kuya sa stage, as usual mom is very emotional kaya umiiyak nanaman habang paakyat kami hahaha. Nakipag kamay lang kami at kinuhanan ng litrato atsaka kami bumaba ng entablado. Sakto g pagbaba ko naman ay sinalubong ako agad ni shawn ng bulaklak
"Thanks" sabi ko dito
"Balik kana sa pwesto mo, dito lang ako sasama kila tita. Hintayin kita" sabi nya at hinalikan ako sa noo tsaka ako bumalik sa upuan ko kanina.
Natapos din naman agad ang seremonyas at tumungo na ako kila shawn at kasunod ko si seb na malaki ang ngiti
"We did it jeu!!!" tuwang tuwang sabi nya at niyakap ako habang nag tatatalon kami.
"Picturan ko kayo" sabi ni shawn atsaka kami ngumiti sa camera ng cellphone nya
Pagtapos niyon ay lumapit ako sakanya at yumakap, ganun din ang ginawa ko kila mom and dad pati kay kuya.
"Tita,tito. Picturan ko po kayo nila jeu" sabi ni shawn "ikaw din sy" yaya nya kay kuya, lumapit naman sakin ang pamilya ko kaya nag picture kami.
Sakto naman pagtapos ay nagdatingan mga kaibigan ko si wayne, therese and chalz kaya kinuhanan din kami ni shawn ng litrato.
"Shawn and jeu naman, akina ako ang kukuha" sabi ni dad, kaya napatingin kami ni shawn kay dad dahil nag insist siya bigla.
"Ako na po tito" sabi ni wayne
"Ako na iho haha mamaya kayong lahat naman" atsaka kami kinuhanan ni shawn ng picture bitbit ko ang bulaklak na bigay nya.
"Family picture naman!" sabi ni dad
"Tapos na ah?" sabi ko
"Hindi tayo kumpleto kanina, wala si shawn" sabi ni dad na ikinagulat namin ni shawn "iho wayne,kuhanan mo nga kami ng litrato pamilya" sabi nya kay wayne at sinunod naman sya nito.
Katabi ko si shawn sa kanan ko at sa kaliwa ko si mom na katabi si dad, katabi naman ni shawn si kuya.
"You're part of the family shawn, don't be shy" si mom