"Let's go!!" sabi ko pagkababa ko ng hagdan
"Wow excited ah" si kuya bumungad saakin at may dala ng toga ko nakaka plantsa lang nila manang
"Syempre duh, baka may award to!" pagmamalaki ko
"Ano award mo? The most kupal award?"
"Ikaw kupal"
"Shh tama na yan, tara na at baka malate pa tayo" sabi ni mom at kinuha ang toga ko kay kuya tsaka nauna sa sasakyan dahil iniabot nya sa driver yung toga ko.
"Let's go baby" si dad "you look gorgeous"
"Thanks dad" sabi ko
"Mas maaliwalas ang mukha mo kesa noong mga nakaraan" si kuya
"May built in ring light na kasi tong mukha ko ngayon" sabi ko at nauna na sumakay sa sasakyan.
Pagka alis namin ay puro asaran lang kami ni kuya dahil hindi rin matahimik ang bibig nya kaka asar saakin.
Nakarating na kami sa mismong gaganapan ng graduation namin at sinalubong agad ako nila chalzy,therese, wayne at seb.
"Hello po tita!!" bati ni wayne at seb kay mom ay bumeso sila dito tsaka nila binati si dad
"Ah tita si therese po pala" pakilala ni seb kay therese na mukhang nahihiya "soon to be girlfriend ko" at nakipag beso naman si therese kay mom
"Ah tita si chalzy po" si wayne naman nagpakilala "soon to be girlfriend din po" at bumeso din si chalzy kay mommy.
After magpakilalanan ng mga 'soon to be girlfriend' ay pumasok na kami sa loob tsaka nakipag batian si dad and mom sa mga kakilala nila na parents doon at mga faculties.
Kami naman mga students ay dumiretso sa mga designated area namin at naka alphabetically ang arrangement namin. Pero ako ay nasa harap dahil katabi ko ang mga may award din at si shawn na valedictorian.
"And our first honor...Vargas, Jeuwel Khazandra" tawag ng emcee saakin kaya naglakad na ako paakyat na abot tenga ang ngit at proud. Kasama ko sa kaliwa't kanan ko si mom and dad na nag suot saakin ng medals. After isuot saakin ay nag picture lang kami sa gitna atsaka kami naglakad pababa.
Pero nasa hagdan palang ako ng nag vibrate ang cellphone ko, may kung ano sa sistema ko ang kinabahan nanaman. Napahinto ako sa huling baitang ng hagdan tsaka ko kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko.
Nagtindigan nanaman ang balahibo ko kasabay ng pagtulo ng luha ko ang pagkabasa ng chat nya...
Leighsander Dela fuente sent you a message
"Congratulations my love, i have a gift for you. Im really sorry sa ginawa ko, soon maiintindihan mo rin ako. Mahal na mahal kita jeu at proud na proud ako sayo. Congratulations my luna...I still admiring you from a far"
Nanlambot ang tuhod ko kasabay ng pag iyak ko at pag ikot ng paningin ko nagbabakasakaling makikita ko sya. Nakita kong nilingon ako nila dad at mom kaya lumapit sila saakin.
May tumulong saakin tumayo, kung sino yun at hindi ko alam basta basang basa ang mata ko ng dahil sa luha. Tinulungan ako nito tumayo at hinarap sakanya
"Jeu? what happened?" si shawn, hindi ko sya masagot at panay lang ako iling at iyak, naramdaman ko din na nasaamin ang atensyon ng mga tao kaya iginilid nya ako.
"Tell me what happened jeu, please?" nag aalalang sabi nya saakin pero nahinto ang paningin ko sakanya. Umiiyak parin ako at hindi ko mapigilan ang kamay ko sa panginginig tsaka ko ulit nilibot ang paningin ko.
Nakita kong may lalaking pumasok sa backstage kaya tumakbo ako pasunod dito, inaakalang si leigh ito. Hinabol ko ito hanggang sa makalabas ito at may sasakyan nalang na dumaan sa harap ko. Narinig kong sinundan ako nila mom and dad tsaka si shawn hindi ko sila pinansin at tinignan kong maigi ang sasakyan na umandar sa harap ko na inaakalang sakay si leigh.
"Jeu?bakit?" alalang tanong ni wayne saakin
"Si leigh" sabi ko
"Nakita mo ba sya?" tanong ni seb pero nag kibit balikat ako
"Anak? Let's go?" yaya sakin ni daddy at inalalayan ako
"Hatid ko na po sya sa sasakyan sir" si shawn kay daddy
"Ok sige, salamat. Saglit lang at mag papaalam lang ako sa loob" si daddy at sumunod sakanya si mom.
Si shawn, wayne, seb at kuya ay kasama ko pabalik sa sasakyan.
"Take care" sabi saakin ni shawn nung paalis na kami pagdating nila mom and dad, hindi ko sya sinagot dahil tulala lang ako sa bintana.
"Thanks shawn" tapik ni kuya sa balikat ni shawn, tinanguan lang sya nito atsaka isinara ni kuya ang van. Nakita kong pabalik sa loob sila wayne at seb kasama si shawn.
Ipinikit ko ang mata ko at bumalik saakin ang mga nangyari kanina, naramdaman ko nanaman na namasa ang mata ko pero hindi ko na ito idinilat hanggang sa nakatulog na ako.
"Jeu? We're here." si kuya
"Anak tara na, para mas makapag pahinga kana sa kwarto mo" si mommy
Bumaba ako ng sasakyan at dumiretso na papasok paakyat sa kwarto ko. Naligo lang ako at inilapag ang mga certificates and medals kasama ang diploma ko sa isang bakanteng drawer sa closet ko.
Humiga ako sa kama ko at binuksan ko ang cellphone ko, nakita kong minessage ako nila shawn at mga kaibigan ko para kamustahin ako pero wala akong nireplyan sakanila. Nag off status lang ako atsaka ako nanood ng videos sa facebook pampa antok ko.
Habang nanonood ako at nag message saakin si shawn
Shawn Jasper Villano sent you a message
"How are you?"
Jeuwel Khazandra Vargas
"Im fine shawn, thanks kanina and pasensya na"
Shawn Jasper Villano
"Wag mo na isipin yun, sige nangyari mag pahinga kana wag kama masyado mag isip"
Yun lang ang sinabi nya at hineart react ko nalang at hindi na ako anag reply. Hanggang sa nakatulog na ako, mahaba ang naging tulog ko kaya nagising ako ng 10am.
Pag gising ko ay bumaba ako agad tsaka kumain, wala akong kasama ngayon dito sa bahay dahil balik trabaho na sila mom and dad si kuya naman ay tulog pa daw dahil sabi ni manang ay may tinapos daw na painting kagabi.
"Manang, may tao po sa labas" sabi ko dahil narinig kong may nag doorbell. Lumabas naman si manang para tignan kung sinong tao
"Iha, ikaw ang hanap" sabi saakin ni manang, nangunot naman ang noo ko
"Sino daw po?" tanong ko pero nag kibit balikat si manang
"Delivery lang ata iyon iha" sabi nya atsaka ako tumayo at lumabas.
Nakita ko si kuya na may bitbit na malaking flower bouquet at tatlong paper bag.
"Miss Vargas po?" tanong ni kuya
"Yes po kuya? kanino po galing yan?" tanong ko
"Pinapa deliver lang po ma'am eh, pero tumawag mo kanina ang sabi basahin nyo daw po yung letter sa bulaklak" yun lang sinabi ni kuya tsaka iniabot saakin ang bulaklak at paper bags.
Pumasok ako sa loob atsaka ko nilapag ang mga iyon sa coffee table, naupo naman ako sa sofa at kinuha ang letter na naka ipit sa bulaklak.
My love, im really really sorry for what happened.
I really need to do this for you, for us. Sorry kung hindi ko kinakay ipaalam sayo, ayoko kasi na pati ikaw ay ma stress sa kung ano man ang dahilan bakit ako umalis. My love, gusto ko lang sabihin sayo na you brought so much joy in my life and i promise even the distance will seperate us, my love for you will only grow stronger. Every moment apart will remind me of how much i cherish you. Being apart is hard, but i carry you with me in my heart no matter where i go.
I miss you more than words can say, iloveyou so much! Until we meet again my love🩷- leigh