"Solid tong week na 'to, thanks" sabi ko kay leigh.
Nasa loob kami nang sasakyan at andito na kami sa tapat ng bahay namin.
"Thankyou love, mahal na mahal kita" sabi nya atsaka yumakap saakin. Matagal na yakap yon tila ayaw nya ako pakawalan sa sobrang higpit.
"Sige na, umuwi ka na at magpahinga. May pasok na bukas" sabi ko sakanya at hinalikan ang tungki ng ilong nya.
"Last minute, mamimiss kita sobra eh" sabi nya na natawa ako
"Magkikita pa naman tayo bukas ano kaba hahahah"
"Just a minute" sabi nya at siniksik nanamn ang mukha nya sa leeg ko, hinayaan ko lang sya hanggang sa sya na ang kusang humiwalay saakin.
Grabe naman to, magkasama na kami buong lingho tapos magkikita naman kami bukas eh pero yung lungkot sa mata nya eh kitang kita ko.
"Nag enjoy ka naman diba?" tanong ko
"Sobra"
"Bakit malungkot ka?"
Hindi nya pinansin ang tanong ko at binigyan nya ako ng malalim na halik.
Pagkahiwalay ng halik namin ay nakita ko na malungkot parin sya, pero bumaba na sya ng sasakyan at binuksan ang pinto sa tabi ko.
Lumabas ako ng sasakyan atsaka sya hinarap
"Wag kana malungkot, agahan nalang natin magpahinga ngayon para maaga tayo magkasama bukas ok?" sabi ko sakanya
"Sorry, but i need to do this love" pagkasabi nya nun ay bigla nya akong hinalikan ng mariin,naramdaman ko sakanya na tumulo ang luha nya. Hindi ko magawang mahinto ang pag halik nya dahil ayaw nya ihinto yun, kaya sinabayan ko nalang.
Pagtapos nun ay pinaulanan nya ng halik ang noo ko tsaka nag paalam at sumakay sa sasakyan nya. Tulad ng nakasanayan nag iwan muna sya ng tatlong busina bago nya pinaharurot ang sasakyan.
Pagpasok ko sa loob ay nakita ko sila mom and dad na nasa dining, wala pa si kuya baka nasa itaas pa.
"Hi mom, hi dad!" bati ko sakanila sabay halik sa pisngi nila
"Oh andito kana pala, tara dinner na" si daddy, kaya umupo na ako sa dining
"Kamusta naman ang baby ko?" si mom
"Happy ako mom, of course." sabi ko sakanya, sakto naman pag sandok ko ay bumaba na si kuya
"Wow, fresh from baguio!" si kuya
"Nyenye" sabi ko dito
"So? How's vacation?" tanong nya
"Ok lang naman, masaya. Sa baguio kami pumunta ni leigh eh, kaso konti lang ang naikot namin dahil kulang sa araw" sabi ko
"May next time pa naman para maglibot ulit don baby" sabi ni mom.
Kumain kami at nag kwentuhan about sa bakasyon ni leigh pati nung kami nila seb, puro kami tawanan dahil sa mga kwento ko lalo na yung napilit ko sumakay si leigh sa kabayo. Kinwento ko sakanila ang masaya kong experience sa baguio, except don sa nangyari saamin ni leigh.
Until now may pain parin sa akin dahil doon sa nangyari saamin, jusko po! Hindi naman inexpect ng eabab na ito na ganun pala kalaki ang kalaban ko!
Natapos kami mag dinner at umakyat na ako dahil need ko na magpahina at maaga pa ang pasok ko bukas, naligo lang ako at nag skincare. Tsaka ako humilata sa kama ko, at kinuha ang cellphone sa bag na gamit ko kanina. Lowbat pala hays,panay kasi ang kuha ko ng pictures kanina kaya nalowbat.
Ichinarge ko nalang yon at nakatulugan ko na ang paghihintay.
Kinabukasan ay nagising ako ng mag 5am na kaya kumilos na ako agad kasi baka nasa baba na si leigh, after ko maligo ay sinilip ko ang cellphone ko pero walang message sakin si leigh kahit isa maski sa text. Tinignan ko rin ilang oras simila last online nya eh 1day ago na.
Tinignan ko rin kung anong petsa ngayon pero malayo pa ang susunod namin na monthsarry dahil kaka monthsarry lang namin last last week.
Bumaba ako nag baka sakali na baka andun sya nag hihintay pero wala din sya, kaya dumiretso ako sa lamesa para makapag breakfast habang inaantay sya.
"Manag hindi pa po ba dumadating si leigh?" tanong ko habang kumakain
"Hindi pa iha, wala pa naman ako naririnig na busina sa labas. Kada darating iyon kasi ay nag bubusina eh ngayon wala pa" sabi nya kaya tumango lang ako at chineck ang oras 6:14 am
Araw araw andito na yun before palang mag 6am,ngayon wala pa sya. Hays baka napasarap ang pahinga dahil sobrang pagod.
"Kuya, papasok kana? sabay ako sayo daan mo ako sa school" sabi ko kay kuya na nag aayos ng necktie nya
"Sure, hindi ka ba sunduin ni leigh?" tanong nya
"Ano oras na eh baka nga tulog pa yun, ilang beses ko na tinawagan nag riring lang. napasarap ata tulog" sabi ko
"Ok sige, mag coffee lang ako tapos alis na tayo" sabi nya atsaka ko rin tinapos ang kinakain ko.
-
"Ingat kuya" sabi ko pagkababa ko ng sasakyan nya
"Sige, tawagan mo ako mamaya pag papasundo ka. Maaga naman out ko" sabi nya pa
"Hindi na, andito naman na si leigh non. Ihahatid namin ako non" sabi ko at kumaway na sakanya habang nag lalakad palayo.
Tanaw ko sila seb,therese,wayne at chalzy sa bench kaya lumapit ako sakanila
"Oh?nasaan ang boyfriend mong masungit?" bungad sakin ni seb
"Wala pa nga eh, napasarap ata ang tulog"
"Huh? Eh sino nag hatid sayo?" si wayne
"Si kuya" wala sa mood na sabi ko
"Paanong napasarap ang tulog eh nag call saakin kaninang 5am yon?" si seb
"Huh?" ako
"Oo tumawag sakin kaninang 5am yon, hindi ko lang nasagot dahil sana CR ako, nung tinawagan ko anamn pabalik eh nag riring nalang" sabi nya.
May kung anong sumibol na kaba sa dibdib ko kaya kinuha ko ang cellphone ko tsaka chinat sya ng chinat, maski sa text ay tinadtad ko na sya at tinawagan ko din sa messenger pero hindi nag ring at nung tawagan ko sa phone number nya ay cannot be reach.
Chineck ko yung facebook account nya pero walang bago puro pictures namin na kakapost lang kahapon ang nandon, maski Instagram nya ay tinignan ko pero wala din bago doon maliban sa last story nya kahapon nung pauwi na kami.
asan ka ba leigh?bakit hindi mo sinasagot ang calls and chats ko?