CHAPTER 22

0 0 0
                                    

"Ahhh inaantok pa akoooo" sabi ko dahil tumunog na ang alarm ko.

Lunes ngayon at nung sabado ang debut ko, nung sabado rin ako tinanong ni leigh kung puwede nya raw ba ako maging girlfriend. Hanggang ngayon pakiramdam ko ay panaginip lang talaga.

"Ay pota!" gulat na balikwas ko sa kama dahil biglang nag ring ang cellphone ko.

Babe is calling you...

"Goodmorning jeu" si leigh

"Goodmorning"

"Bitin ang tulog?"

"Malamang ikaw ba naman puyatin eh"

"Madaldal ka kasi hahaha"

"Wow parang sya hindi, dami mo nga kwento"

"Ikaw nga kinukwento mo parin kahit alam ko na"

"Hahahaha sige na kikilos na ako at makapasok na"

"Me too, sunduin kita."

"Okay see you"

"Iloveyou"

"Ehhh hahahaha iloveyou ingat ka mamaya"

At binaba ko na ang linya, tsaka ako nag asikaso ng sarili ko.

Pagkatapos ko mag asikaso ay bumaba na ako para makapag breakfast.

"Goodmorning mom" bati ko kay mom na kakalabas lang sa kitchen

"Goodmorning love" kiss nya sa pisngi ko "Sige na umupo ka na diyan at kumain tatawagin ko lang ang kuya at daddy mo."

Sumunod naman ako sakanya at naupo na para kumain, 6:20 am na at medyo maaga pa naman kaya kumain na rin ako ng rice.

"Goodmorning" si dad

"Goodmorning dad" bati ko atsaka humalik din sa pingi nya

"Oo nga pala anak, may dadating dito mamayang regalo for you. Mula iyon sa business partner namin ni mommy mo sa korea. Hindi sya nakapunta nung debut mo kaya nagpadala na lamang sya ng regalo" si dad

"Ok po" sabi ko atska kumain na ulit. Tsaka naman may nag doorbell at binuksan iyon ni manang.

"Goodmorning po tito,tita and jeu" si leigh

"Goodmorning iho" si dad

"Goodmorning handsome" si mom

"Join us" alok ni daddy sakanya

"I already ate breakfast na po sa house, thankyou po"

"Ay nako leigh, paghihintayin ka lang ni jeuwel. Look at her plate hahaha kaya sabayan mo na sya" si mommy naman kaya napa pout ako

"Hahaha sige na iho at baka matagalan pa si jeu maubos yang pagkain nya hahaha" si dad na nang aasar din kaya napa irap ako.

Umupo si leigh sa tabi ko kaya binigyan sya ng plate nila manang. "Thankyou po" sabi ni leigh kay manang kaya ngumiti ito sakanya.

"Kumain kana jeu, wag mo ako tignan hahaha" bulong nya saakin kaya napa balikwas ako at balik sa pagkain. Napatingin naman ako kila mom and dad na nakangiti habang kumakain.

"Wow ang love birds nandito pa" si kuya na kakababa lang

"Goodmorning" bati ni leigh kay kuya

"Goodmorning leigh"

Umupo si kuya sa tapat ni leigh na katabi ni mom

"Mom,pasok na po kami." sabi ko kay mommy,waley talaga ako sa huwisyo ngayon kasi inaantok pa ako.

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon