"Tita, hiramin ko po muna si jeu. Idate ko lang po" paalam ni shawn kay mom
"Sure, we have dinner celebration later. Don't be late" si dad
"Babalik po kami bago mag dinner" shawn
"Okay, mag iingat kayo" si mom
Umalis na rin kami ni shawn at sumakay sa sasakyan
"Saan ba tayo?" tanong ko sakanya pagsakay nya ng sasakyan
"Basta" eka nya at nag drive na "drive thru?" tanong nya
"Akala ko mag didate tayo?"
"Oo sana pero naisip ko na unahin yung gift ko and yung date natin next week nalang after my graduation para buong linggo" sabi nya kaya napatingin ako sakanya
"Saan tayo pupunta?"
"Secret hahaha, drive thru muna tayo" sabi nya at dumiretso kami sa drive thru ng jollibee atsaka umorder." Sa sasakyan nalang rin ako kumain habang umaandar at sinusubuan ko nalang si shawn
Lumipas ang ilang minuto na nag kukwentuhan lang kami about sa struggles ko at struggles nya sa last sem ng college life namin, hindi ko rin namalayan na nandito na rin pala kami.
"Condo?" patanong ko sakanya at nginitian nya lang ako at diretso pasok sa parking lot ng building at bumaba na rin kami tsaka nya iniabot sa vallet ang susi ng sasakyan nya.
"Ginagawa natin dito?" tanong ko
"After you" sabi nya lang at pinauna ako sumakay sa elevator atsaka sya sumunod pumasok. Buti nalang ay naka dress ako ng maayos at naka sandals lang nung bumaba sa sasakyan nya, iniwan ko yung toga ko sa sasakyan nya.
"Huy" kalabit ko dito pero naka ngiti lang ito at nakatingin sa numerong nasa itaas ng elevator, hindi rin nagtagal ay tumunog na ang pinto tsaka ito bumukas. 17th floor? Naglakad kami habang hawak nya ang kamay ko at hindi parin sya nagsasalita kaya hinayaan ko nalang baka may bibisitahin kaming family nya.
Until now kasi ay wala pa ako namimeet na family member ni shawn, sabi nya ay nasa states ang parents nya at busy ang mga ito kaya hindi nakakadalaw dito sa pilipinas. Ganun din ang mga kapatid nya, halos doon na talaga sila nakatira at sya lang daw ang naka interest na dito sa pinas mag aral.
"We're here" sabi nya kaya nawala ang iniisip ko at napatingin sa harap ng pinto 267??room 267. May inilabas si shawn sa bulsa nya na keycard atsaka nya iyon binukas sa pinto "Let's go" alok nya sa kamay nya kaya tinanggap ko iyon atsaka kami pumasok sa loob. Medyo nahihiya pa ako dahil baka parents nya ang nandito at baka hindi maayos ang itsura ko.
"Here" abot nya saakin ng susi
"Ano to?" tanong ko sakanya
"Gift ko sayo"
"Alin?" lutang na tanong ko "OMG!!" reaksyon ko at napatakip pa sa bibig "i-ito??!" turo ko sa kinatatayuan ko at tumango naman sya na nakangiti
"Yes baby, maganda tong unit na to. Ang veranda ay naka centralize sa buwan kaya kitang kita mo ang buwan. Meron na din akong inilagay sa telescope" sabi nya at hindi ko ma digest lahat dahil nabibigla ako. Una sasakyan from dad, ngayon condo?
"OMG!!" at napayakap sakanya
"Malapit na rin to sa place na sinasabi mo na gusto mo pagtayuan ng resto, tatlong spots yun diba?lahat yun malapit dito" dagdag nya pa
"Baby!! Hindi mo naman to kailangan gawin huhuhu"
"Gusto ko" sabi nya pa
"Titirhan ko talaga to promise" sabi ko at naglakad palapit sa veranda at tinignan ang telescope na andun at hinimad himas. Ang mahal nito
"Iloveyou!!" patakbo kong balik sa loob at salubungin nya ako ng yakap atsaka namin sabay na inikot ang buong unit. May tatlong room at isang powder room at may cr sa loob ng master's. Malaki rin ang living area at dining, pang buong pamilya ito pero ako lang ang titira?
"Ang laki naman nito, tapos mag isa lang ako? Malungkot" sabi ko
"Pwede ka naman kumuha ng maid if ayaw mo mag isa" sabi nya
"What if ikaw nalang kasama ko dito?" tanong ko sakanya at nanlaki naman ang mata nya
"No" sagot nya
"Why?" malungkot kunwari na tanong ko "malulungkot ako dito" sabi ko pero hindi sya umimik, dahan dahan ako lumapit sa sofa at pinagpagan iyon tsaka umupo. "Lagi na nga ako mag isa sa bahay,pati ba naman dito?" tanong ko kunyari sa sarili ko
"Baby..." lapit nya saakin pero hindi ko sya pinansin
"Bakit ba ayaw mo? Eh malapit lang rin dito business mo eh" sabi ko at
"Because..." di nya masabi
"Hmm??"
"We're not yet married" sabi nya at nag iwas ng tingin
"Marry me,then." diretsong sabi ko at tinitigan sya sa mata
"Papakasalan mo na ba ako?" tanong nya
"Oo naman no! Anytime."sabi ko "kaya samahan mo rin ako dito, this will be our home!" sabi ko at tumayo at yumakap sakanya.
"Kailangan ko pa mag paalam sa daddy mo" sabi nya
"Papayag yun" ako
"Tignan natin"
Nagtagal pa kami ng ilang minuto doon tsaka namin napag pasyahan na umuwi na at ilang oras nalang at dinner na namin.
"Thankyou baby!" sabi ko ulit dito bago kami lumabas ng mismong unit.
"Anything for you baby" sabi nya atsaka kami sumakay sa elevator pababa sa parking. Pagkasakay namin sa sasakyan ay nagka kwentuhan pa kami about sa paano nya inasikaso or paano nya binili yung condo. Hanggang sa nakatulugan ko na dahil din siguro sa pagod at maaga ako masyado nagising kanina.
"Baby, andito na tayo" gising nya saakin kaya nagising ako agad, bumaba na rin ako ng sasakyan atsaka kami pumasok sa loob ng bahay.
"Oh? Andito na kayo,sakto nag p-prepare na sa garden area." Si kuya
"Hi mom, hi dad" bati ko sakanila na kakalabas lang galing sa kitchen
"Oh? Mag ayos na kayo, dadating na ang bisita maya maya" si mom at humalik sa pisngi ko
Pagtapos nun ay umakyat na ako sa kwarto ko at naligo, nagsuot din ako ng dress at simpleng sandals lang. Nag aayos m-make up lang ako ng konti ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Bukas yan" sabi ko at patuloy pa rin sa pag aayos.
Pumasok doon si shawn na iba na ang suot na polo ngayon compare kanina, mukha na rin syang bagong ligo. Saan naligo to?
"San ka naligo?" tanong ko
"Fix lang yan" sabi nya at lumapit saakin
"Ang ganda mo" sabi nya at nakatingin saakin mula sa salamin "ang ganda ganda mo soon to be Mrs. Villano"