CHAPTER 25

0 0 0
                                    

"Woah! Nahirapan ako sa test 3 shuta!" sabi ko pagkatapos namin mag exam

"Nasagutan mo yung dulo jeu?" si wayne

"Oo kaso hindi ako sigurado kung tama" sagot ko naman

"Ako hindi tangina"

"La gago?" reaksyon ko

"Oo nga, di ako umabot sa time,kainis. Binasa ko kasi maigi mga questions eh kaya natagalan ako"

"Wow,desidido pumasa hahaha" biro ni seb

"Let's eat lunch?" baling saakin ni leigh after nya ayusin yung mga gamit sa bag nya.

"Tara, san tayo? diretso uwi naman na tayo eh" eka ko. Half day lang kasi kami ngayon simula nung 1stday nung exam.

"Sa mall nalang tayo lunch?" tanong ko sakanya

"Tara dun tayo sa sinasabi kong bagong bukas" si wayne ang nag presinta

"Basta talaga kainan eh no?" sita sakanya ni seb

"Ba't ba? Deserve ko kumain ng masarap after exam hahaha"

Bumyahe kami agad papunta sa mall para mag lunch

"Dito yun! Tara na!" yaya samin ni wayne papasok

"The Grill House Seoul???" tanong ko

"Korean food tayo ngayon huh?" si seb

"Ayan trip nya eh, tara?" baling ko kay leigh na naka tingin lang saakin.

Madalas ko na napapansin si leigh na nakatingin saakin, tss inlove na inlove huh hahaha

"KKB tayo guys hehe di na ako binigyan budget eh, summer na kasi" eka ni wayne, atskaa nag order ng mga meats and beef. Isa kasi ting samgyupsalan at may mga hotpots din.

"Iba trip nito ni wayne, ang init init ang gusto hotpot" sita sakanya ni seb

"Walang basagan,nakaraan linggo ko pa cravings to hahaha"

"Para kang babae mag crave" sabat ko naman

Nag bibiruan pa kaming apat ng dumating na ang order namin at sinindihan na ni kuyang waiter ang griller.

"Ikaw na mag luto tutal trip mo dito" si seb

"Walang problema! Basta wag ka kakain ng lulutuin ko!" ganti ni wayne kaya natawa naman ako

"Tss ako na ang mag luluto..." sabi ko at tinignan lang nila ako "...ng para samin ni leigh, bahala kayo ng sainyo hahaha"

"Lakas mo naman bossing" eka ni wayne atsaka nag simula mag luto. Pati ako ay nag umpisa na magluto kaya inihanda ko na ang mga side dishes at lettuce. Nag mix na rin ako ng sawsawan namin

"Ayoko nito jeu, panget talaga lasa ng kimchi" bigay sakin ni seb ng kimchi sa plate nya

"Akina ako na" inagaw naman ni wayne yon

"Wow? Kumakain kana ng kimchi?" tanong namin sakanya, dahil samin apat ay sya ang nauuna palagi mag reklamo kapag may kimchi sa hapah namin.

"Oo, pinatikim saakin ni Chalzy yung authentic na kimchi, masarap naman sya" sabi nya

"Oo nga pala wayne, matanong ko. May lahi ba si chalzy?" tanong ko sakanya, dahil base sa itsura ni chalzy ay mukhang may lahi ito.

"Oo, pure korean ang mommy nya at half korean half filipino naman ang daddy nya" sabi nya saamin

"Ah kaya pala..." si seb "kaya pala nahihilig sa korean food ang loko, nagkaron ng inspirasyon hahahahaha"

"Wayne, ako nalang mag grilled nito, ikaw na sa hotpot tutal trip mo yan hahaha" sabi ko dito

"Bakit ba, inaano ko ba kayo bakit kayo ganyan sakin huhuhu" panggap na iyak nito

"Tumigil tigil ka baka ipainom ko sayo lahat ng sabaw dyan sa gagawin mong hotpot" banta ko sakanya habang nakatutok sakanya ang hawak kong tong.

Matiwasay kaming kumain habang nag kukwentuhan about sa exam namin kanina at nag aasaran nanaman si wayne at seb.

"So, anong plan? Tagal walang pasok oh" si seb

"Gusto ko mag swimming" si wayne

"Ako gusto ko magwalwal hahaha" ako

"I want to relax" si leigh

"Gawin natin lahat yan hahahaha" sabi ni seb

"Excited na ako hahaha" wayne "Saan tayo mag sstart?"

"Pwede natin gawin sabay sabay yan" sabi ko

"Tara BATANGAS!!!" sigaw ko sakanila, bigla naman ako napatakip sa bibig ko dahil lumingon sa lamesa namin yung ibang customers.

"Batangas??ang layo naman" malungkot na sabi ni wayne

"Sabi mo gusto mo swimming? Doon maraming dagat" sabat naman ni leigh

"Oo nga pero...balak ko kasi yayain si chalzy" sabi nya "bawal sya sa malalayo"

"Awww" reaction ko "oh sige ganito nalang, kelan nyo ba gusto mag walwal?" tanong ko sakanila

"Mas maganda kung mag staycation nalang tayo" suggestion ni seb

"Yeah, pwede natin gawin yang mga sinasabi nyong gusto nyo. At dito tayo sa malapit lang" si leigh at sinang ayunan naman namin sya.

"Bukas na agad? Leigh may contact ka dun sa Condo ng friend ng ate mo diba? Doon nalang tayo sa BGC may mga clubs din naman doon na pwede pag gimikan" dagdag ko pa

"Yeah, ako na kakausap sa friend ni Lylia. Kayo kausapin nyo na mga nililigawan nyo para makapag ready na." si leigh

"3days 2night tayo" sabi ko

"Noted" si leigh atsaka sya tumayo at may kinausap sa cellphone, bumalik din naman agad sya at nag thumbs up sign.

"Ok na,pero ang binook ko is bukas agad" sabi nya kaya tumingin ako sakanya "Love, iaadjust lang daw nya yung dapat naka reserve dun para this week, sinabi ko kasi this week lang tayo free kaya yung isnag client nalang ang mag aadjust for us."

"Ok sige, kausapin nyo na si therese and chalzy for confirmation" ako "after natin kumain mamili na tayo ng dadalhin na food para bukas. Pag nandun na tayo ayoko ng tsaka palang mamimili no" paalala ko saknila dahil malamang sa malamang ako aasahan nila dyan kahit si seb ang nag luluto.

Natapos kaming kumain doon din natapos ang pag p-plano namin,all settled na maski sila therese at chaalzy. Pero sinabi nila na hindi sila makakasama para sa pamimili ngayon dahil may tinatapos pa silang school works na need ipasa agad thru online. Buti nalang kami tinapos namin lahat nung nakaraan pa kaya wala kaming gagawin ngayon at malalakas ang loob namin gumimik.

Pagpasok namin sa supermarket ay naghiwalay kami nila wayne at seb ang magkasama at kami naman ni leigh. Si seb at wayne ang bibili ng meats kami naman ni leigh sa mga needs namin like toiletries and snacks namin.

Habang namimili ako ng mga snacks na chips ay nakita ko si leigh na nakahinto sa kabilang aisle kung saan ang mga diapers and sa kabila at milk ng babies. Nagtataka ko naman syang nilapitan.

"Huy, bat andito ka?" Tanong ko sakanya

"Uhm nothing, you done?let's go" sabi nya

"Ehh? Nagtama ka nanaman hahaha"

"Tss haha im just imagining having a baby and buying diapers and milk hahahaha weird" sabi nya pero naglakad na sya pauna

Ako naman ang napahinto dito sa mga diaper at napatingin...

wala pa nga akong first kiss tapos baby agad???

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon