CHAPTER 19

0 0 0
                                    

"Jeuwel Khazandra! Gising na andyan na ang sundo mo!" sigaw ni kuya sa labas ng kwarto ko.

"Oo, gising na ako." sabi ko at tinignan ang oras sa cellphone ko. Maaga pa masyado pero may sundo na ako agad? Kumpleto kaya ang tulog ng taong to at ang aga pumunta dito sa bahay? Sakto naman ang tunog ng cellphone ko.

Leighsander Dela fuente sent you a message...
"Wake up ganda, wala na si moon. Let's have breakfast"

Napangiti ako sa message nya atsaka ako kumilos papuntang CR. Habang naliligo ako ay inisip ko ang mga nangyari kahapon pagtapos namin mag simba ng hapon at nag dinner kami sa labas buong pamilya.

Pag uwi ko naman at nakachat ko si leigh hanggang madaling araw, hindi ko alam pero natatawa ako sa mga napag usapan namin kagabi like sa mga possible na mangyari sa earth kapag nagka zombies ganun. Napag usapan din namin yung THE WALKING DEAD na napanood na namin pareho at tapos namin lahat ng parts nito.

Natapos na ako maligo kaya nag ayos na ako ng sarili atsaka hinanda ang gamit ko na dadalhin sa school tsaka ako bumaba. Hindi ako nagkamali kasi ko pagbaba ko ay nakita ko si leigh na naka hilig ang batok sa couch namin at nakapikit. Tss ang daldal kasi kagabi.

"Hinayaan ko muna sya dyan kasi nabanggit nya na napuyat sya sa kausap nya kagabi." sabi ni kuya sa likod ko na naniningkit pa ang mata

"Ang daldal kasi hahaha" sabi ko atsaka lumapit kay leigh para titigan ko maayos ang mukha nya dahil tulog na tulog ito.

Mula sa maganda nyang buhok na itim na itim at kintab, sa kilay nyang makapal na kay kurba at sa mata nyang mapungay, bumaba ang tingin ko sa ilong nyang matangos at sa labi nyang mapink . Ang gwapo nya.

"You done?" narinig ko ang boses ni leigh kaya napa igtad ako

"Ahh hehe nagising ba kita?" tanong ko

"Naamoy kita kaya nagising ako" sabi nya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Let's go?" yaya nya atsaka sya tumayo

"Saan tayo?"

"May alam akong coffee shop, along the way sa school. Masarap mga breakfast meals nila doon" sabi nya ng nakangiti.

"Oki, kuya una na kami" sabi ko kay kuya na sumisimsim ng kape at tutok sa cellphone nya.

"Ingat! Leigh ingat sa pag drive ha? Pag nagalusan ang baby ko lagot ka sakin" banta ni kuya na ikinatawa ni leigh

"Uh oh...not anymore" sagot nito kay kuya

"Ya, pasabi nalang kila mom ha?" paalala ko pa dito

"Yeah i will, take care." sabi nya at dumukdok na ulit sa cellphone.

Nasa byahe na kami ni leigh pero ang tahimik namin dalawa at ako na bumasag nun.

"Dadaanan ba natin sila seb?" tanong ko

"No"

"Bakit?"

"I told you jeu, this is breakfast date" sabi nya kaya tumahimik nalang ako. Paano nga ba naging ganito ang sitwasyon namin? Hinayaan ko sya sa ganyang mga actions nya at mga sinasabi nya.

Hindi labag sa loob ko ang ginagawa nya sa totoo lang. Ang pinaka iniisip ko lang ay magkakaibigan kami, paano ang reaction nila seb at wayne kapag ganito sya saakin? Noong umpisa nakakapa ko pa sya kasi knowing leigh? talagang may attitude sya na ganun. Pero tumatagal na nag iiba na ang dating saakin kasi mostly saakin nya ipinapairal ang ganung side nya.

Hindi mahirap magkagusto o magkaron ng interest kay leigh dahil sa angking kagwapuhan nito at talino. Mayaman din ang pamilya nya kaya marami din ang nakaka kilala sakanya kasi madalas din sya isama ng parents nya sa mga meetings or business trips kapag walang pasok.

"We're here!" galak na sabi nya. Huminto kami sa tapat ng isang coffee shop at mukhang walang tao sa loob, kami palang ang magiging tao.

"What's your order? you want light breakfast? or mag rice meals ka?" baling nya saakin habang tumitingin kami sa menu

"Feeling ko masarap mag rice ngayon, gusto ko nitong tapsilog and 1 latte lang" sabi ko t inilista naman iyon bg waiter

"Pakidagdag narin ang 2 slices of this bread and 1 order din ng chicksilog and 1 espresso" si leigh. Inulit naman ni kuyang waiter ang order namin kaya tumango kami.

"Masarap ang food dito jeu, lalo na mga rice meals nila" sabi ni leigh

"Mukha ngang masarap eh haha, kailangan ko mag hard breakfast para naman magka gana ako sa klase. Puyat na nga ako gutom pa ako" sabi ko na ikinatawa nya

"Ang daldal kasi" sabi nya

"Ako pa huh"

"Yeah, ayaw mo magpatalo na dapat hindi pinatulan ni shane yung asawa ni rick"

"Malamang, bestfriend kaya ni rick si shane, tapos nagka zombie lang papatusin na nya?"

"Eh akala nga kasi nila wala na si rick"

"Kahit na nga, hindi parin valid reason yun para patulan ang asawa ng bestfriend mo. Tignan mo nabuntis ni shane si lori na akala nila eh kay rick. Kaya buti nalang namatay si shane kasi balak nya na rin patayin si rick" napipikon ng paliwanag ko.

"hahahaha you're so cute" tawa nya saakin kaya nabigla ako, naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko kaya yumuko ako. Sakto naman ang dating ng waiter para iserved ang mga order namin kaya hindi na ulit kami nagka imikan ni leigh.

"Ang sarap!!" sabi ko pagkalabas namin sa coffee shop, dahil tapos na kaming kumain. Hindi namain naubos ang inorder namin na bread slices kaya tinake out namin para ibigay kila seb at wayne para naman hindi magtampo.

"Babalik balikan ko talaga to" sabi ko pa sa sarili ko habang nasa byahe kami. "The best yung tapsi nila leigh no?shet! dapat pala nag take out tayo para nagbaon ako para sa lunch break mamaya" sabi ko pa

"Gusto mo ba?" tanong nya pa tsaka tingin sa oras

"Sa susunod nalang siguro anong oras na rin eh haha" sabi ko

"Pwede pa naman, kaya naman natin marating ang school within 5minutes" sabi nya pa

"Hindi na, bukas nalang. Maraming beses pa naman ako makaka kain dyan eh. Wag lang sila magsasara" sabi ko sakanya

"Babalik ka dyan na palagi akong kasama" sabi ni leigh kaya ngumiti ako at nilingon sya.

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon