"Oh kape" lapag ni wayne sa harap ko ng iced coffee
"Bakit ba kasi puyat?" tanong naman ni seb, andito kami ngayon sa bench nakaupo dahil breaktime na. Si leigh naman ay pumunta sa faculty dahil pinatawag daw ito ng prof namin.
"Napasarap kwentuhan namin ni leigh kagabi eh inabot kami 2am" eka ko
"Ngii, bakit kasi nagpupuyat kayo? Alam nyo may pasok" si seb
"Napasarap nga po nga sa kwentuhan nga ang tao nga"
"Oh tignan mo itsura mo ngayon" si wayne "Mukha kang zombie ang itim ilalim mata mo"
"Idlip muna ako. 2hours naman break natin diba? Gisingin nyo ako pag andyan na si leigh para makabili na tayo food" sabi ko atsaka yumuko.
Naramdaman ko naman sa paligid ko na nag cecellphone lang sila kaya hinayaan ko lang at naka idlip nga ako.
"Love?" gising sakin ni leigh
"Ay sorry,naka idlip ako" sabi ko pagkabangon ko ng ulo. Bumungad saakin na may pagkain na sa lamesa at ako nalang hinihintay nila para kumain.
"Let's eat?"
Atska kami kumain ngayon sa bench sabay sabay nila wayne.
"Tigilan nyo na nga yang pag uusap nyo hanggang madaling araw, hindi maganda sa kalusugan yan." sabi saamin ni seb
"Hindi naman araw araw yun seb, nagkataon lang kagabi" depensa ko naman
"Kahit na, alam nyong hindi maganda yang pag pupuyat lalo kana" parang inis na sabi naman ni wayne.
Kuha ko ang punto nilang dalawa, at hindi narin namin binalak sumagot o dumipensa ni leigh. Dahil sa pagkakataon na to ay mali talaga kami atskaa bawal talaga ako magpuyat.
"Im sorry, love" bulong saakin ni leigh habang naglalakad kami pabalik sa room.
"Its fine" sagot ko skaanya at binigyan sya ng ngiti.
Umandar ulit ang afternoon class namin ng maayos hanggang sa mag uwian na.
"Ok class, patapos na ang first sem. Your exam day will be on monday, after the exam may 1week kayong pahinga." sabi ng prof namin. "And sa pag start ng 2nd semester ay magkakaroon kayong bagong seating arrangements. That's all and seeyou tomorrow" yun lang at lumabas na si ma'am tsaka kami nag asikaso mga gamit namin para makauwi na.
"Leigh, hindi na kami sasabay sayo muna. Iuwi mo na yan si jeu para makapag pahinga na para hindi naman mamutla yan" si seb "tsaka may susunduin din kami ni wayne sa kabilang building"
"Si therese?" tanong ko
"Oo hahaha ihahatid ko sya pauwi, si wayne naman ihahatid din yung nililigawan nya"
"Ingat kayo ha?pasabi kay therese tsaka sa nililigawan ni wayne na kinakamusta ko sila" eka ko at nauna na kami ni leigh maglakad pababa pagtapos nila mag tapikan ng balikat tatlo.
"Love? Sorry talaga ha? kung nahayaan kong makapag puyat tayo. Promise hindi na mauulit,nawala kasi sa isip ko na hindi ka nga pala pwede magpuyat" sabi nanaman ni leigh habang nasa sasakyan kami at nag mamaneho sya pauwi
"Hala love ok lang talaga, wag kang OA dyan hahahahha"
"Hays nag woworry ako eh"
"Ano kaba, wala naman nangyari sakin no hahaha OA lang kayong tatlo"
"Ay basta! bawal na tayo mag puyat. Mamaya pag uwi magpahinga ka kaagad ha? Makabawi ka ng sleep. Pag nakabawi kana tsaka ka mag review. Ako rin mag rereview ako pag naka idlip na ako"