CHAPTER 27

0 0 0
                                    

Nagising kaming dalawa ni leigh dahil sa dahan dahan na pag pasok nung apat sa unit.

"Jeu, 5pm na. Langoy kayo?" tanong sakin ni seb nung nakitang tumayo na ako

"Oo, magpapalit lang ako" sabi ko atsaka punwesto sa kabilang side ng sofa bed para gisingin si leigh. "Love?gising na 5pm na, langoy tayo." sabi ko sakanya, nagising naman sya agad atsaka ngumiti saakin. Inginuso pa nito ang labi nya na nanghihingi ng kiss.

"Tumigil ka nga" naiilang na sita ko sakanya,ngunit hinatak nya ako kaya napaupo ako sa gilid nya at malapit ang mukha namin sa isa't isa.

"Kiss lang ang hinihingi ko jeuwel" sabi nya at hinalikan ako, hindi matagal yun.

"Ehem" napatayo ako agad sa narinig ko. Shet oo nga pala andito yung apat, pag lingon ko sakanila ay wala yung dalawang babae. Malamang ay pumasok sa kwarto para mag asikaso, si wayne at seb lang ang nandito.

Tinignan ko ang mga reaksyon nila pero si wayne ay may kung anong kinakalikot sa kurtina kahit wala naman syang makikita doon, halatang iniiwasan akong tignan. Si seb naman ay may kinukutkot sa kuko at sabay titignan sa malayuan ang kamay nya. Tss hahahaha ok lang yan mga trusted friends ko naman sila, tsaka anong mali dun? Boyfriend ko si leigh.

Iniwanan ko na silang tatlo sa labas dahil nag ligpit pa si leigh ng sofa bed. Dumiretso ako sa kwarto at naabutan ko yung dalawa na naka swimsuit at may cover up lang na suot.

"Ang gaganda at sexy nyo naman" bati ko sakanila

"Thanks jeu!" si therese

"Thankyou jeu, bihis kana para sabay sabay na tayong bumaba." si chalzy

"Sige" sabi ko at nag halungkat sa cabinet ng swimsuit na susuotin ko, nagbaon talaga ako ng swimsuit kasi alam ko mag swimming talaga kami. Ang kaso...wala akong cover up, puro swimsuit ang nadala ko.

Nagbihis na ako sa CR atsaka ako lumabas, nasa loob parin ng room namin sil therese and chalzy dahil nag aayos pa sila ng sarili nila.

"Ang sexy mo jeu!! bagay na bagay sayo!" bungad saakin ni therese

"Talaga?thankyou, kaso nakalimutan ko magdala cover up hays" ako

"Huh? bakit mag cover up ka? bagay naman sayo yung swimsuit mo" si therese

"Therese is right jeu! Bagay sayo. Yellow fits you well" si chalzy, napatingin naman ako ulit sa body mirror na nasa kwarto para pagmasdan ang kabuoan ko. Bagay nga,kaso nahihiya ako.

"Kung nahihiya ka na naka swimsuit ka agad habang papunta sa pool area, mag tshirt ka nalang muna oversized." suggestion ni therese

"Wala din ako oversized, halos dala ko is croptops and sweaters" sabi ko

"Ah wait" si chalzy, tsaka sya lumabas ng kwarto. Pagbalik nya ay may dala syang white oversized shirt.

"Oh?kay leigh to ah" sabi ko

"Yeah, nang hihiram kasi ako kay wayne,sabi ko para sayo and bigla nalang inabot ni leigh yan" paliwanag nya

Sinuot ko yun at sakto lang pagiging oversized nya para matakpan ang suot ko sa loob. Lumabas na kami ng kwarto pagtapos ko mag liptint ng kaunti.

Lumapit saakin agad si leigh at hinawakan ako sa bewang. "You look gorgeous" bati nya saakin

"Always" sabi ko sakanya at naunang lumabas sakanilang tatlo dahil nauna na din lumabas yung dalawa.

Nasa pool area na kami at kakaunti nalang ang taong narito dahil pagabi na rin. Umupo muna kaming tatlo nila therese and chalzy sa upuan para umorder ng drinks namin at snacks, dahil yung tatlo ay nauna na sa pool.

"Gusto ko 'tong margarita" si chalzy

"Yun nalang rin sakin" sabi ko sa staff

"Me too" si therese din

Umalis na yung waiter, atsaka nauna na lumapit si chalzy at therese sa pool pagkahubad nila ng cover up nila. Ako naman ay nag picture muna saglit tsaka nag lagay ng story sa facebook. Hinubad ko na rin ang tshirt na suot ko kaya bumalandra ang swimsuit na suot ko, apaka stunning talaga kapag yellow. Paglapit ko sa pool ay niyakap agad ako ni leigh at hinalikan, kaya nag tilian naman ang mga kasama namin habang hinahampas kami ng tubig. Kaya nauwi sa laro namin habulan at kampihan ang ginawa namin.

Lumipas ang oras at nasa pool lang kami at nag kukwentuhan, tuwing aahon kasi kami ay lalo kaming nilalamig kaya nag stay nalang muna kami sa pool habang wala pa kaming plano umakyat.

"Tara na, para makapag dinner na tayo" yaya ko sakanila

"Magluluto ba?ano trip nyo ngayon?" tanong ni seb

"Sinigang" sabay sabay na sagot namin lima

"Ay wow" gulat nauna sabi ni seb na may pahawak pa sa dibdib nya "hindi nyo pinag usapan yan ha"
Nagtawanan naman kami atsaka umakyat.

Pag akyat namin ay kanya kanya kaming pasok sa CR, sa CR namin sa unit ay tatlo tig isa sa dalawang room at isang room sa labas. Ako na ang nag cr sa kwarto nila seb at si chalzy naman sa room namin, si therese naman ay sa powder room.

Natapos kami lahat maligo ay sakto din tapos ng pagkulo ng sinigan na niluluto ni seb.

"Leigh! abot mo yung sili at patis dali!" utos ni wayne kay leigh na excited na kumain.

"Bakit hindi mo kunin?" nang aasar na tinig pa ni leigh, kahit sakanya malapit ang patis at sili. Pero inabot nya rin iyon kay wayne.

After mag dasal ay tsaka kami kumain at halos lahat kami ay busog na busog sa sarap ng luto ni seb.
Ako na rin ang nag presintang mag huhugas ng plato,lahat naman sila ay nagsipuntahan sa living area para maglaro ng ps4.

Mabilis ko lang hinugasan ang mga plato dahil kakaunti lang naman iyon, tsaka ako dumiretso sa room namin para mag toothbrush na at skincare.

Lumabas din ako sa room at naabutan silang lahat na nagtitilian dahil sa nilalaro nila, nakita ko naman na nakatingin saakin si leigh na katabi ni wayne. Wala na ako mauupuan doon at wala din ako balak makipag laro sakanila dahil tinatamad ako.

Dumiretso nalang ako sa veranda para tignan ang buwan, ang ganda ng view dito. Dahil nasa taas ng mga building naka pwesto ang buwan base dito sa pagkaka pwesto ko. Ang ganda at ang kinang nito, naramdaman ko nanaman ang kapayapaan sa dibdib ko. Ang sarap huminga ang gaan...

"My luna" si leigh at niyakap ako mula sa likod, naramdaman ko na sya na sumunod saakin pero hindi ko nalang pinansin dahil masyado ako inakit ng buwan.

"Ang ganda" manghang sabi ko ulit

"Yes ang ganda" ulit ni leigh kaya tumingin ako sakanya, pero saakin sya nakatingin at naka ngiti. "Apaka ganda" ulit nya pa.

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon