CHAPTER 20

1 0 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas at palapit na rin ng palapit ang debut ko, maski kami ni leigh ay mas lalong nagiging malapit sa isa't isa.

"Tara na jeu!" si wayne na niyaya na ako papuntang canteen dahil lunch break na.

"Saglit naman!" sigaw ko pabalik sakanya

"Tagal tagal eh! ganyan ba pag inlove??" biro ni wayne saakin na pinaglikan ko naman sya ng mata.

"hahaha yes she is" sabat ni leigh kaya inambahan ko naman sya ng hampas pero tinawanan lang nila ako.

Alam nila seb at wayne ang saamin ni leigh, wala silang naging problema doon dahil ang sabi nila ay umpisa palang na nahuhulog ang loob saakin ni leigh ay alam na nila base sa mga kilos nito. Ako lang ata talaga ang hindi naka pansin.

Sinabi pa nila na plinano daw pala talaga nila na tanggihan ang pagiging escort nila sa debut ko para si leigh ang mapili ko. Noong una akala ko magagalit sila kay leigh kasi magkakaibigan kami tapos may ganong nararamdaman pala sya.

Andito na kami ngayon sa canteen at nakaupo. Si leigh at wayne ang pumila para umorder ng pagkain habang kaming dalawa ni seb ang naiwan dito, ayaw kasi nito sumama dahil naiigayan sya sa bibig ni wayne at malamang ay magtatagal daw sila sa pila dahil marami nanaman bibilhin si wayne.

"Jeu, pa hotspot ako. Na expired load ko" si seb saakin

"Luh, uubusin mo nanaman data ko" reklamo ko naman sakanya

"Hindi naman ako mag i ML, may ichecheck lang akong message" sabi nya kaya tumingin ako sakanya

"Hmm, smell something fishy ha. Nakaraan ko pa napapansin yang ganyan mo ha! Hindi kana nakikipag 5man samin nila kuya sa ML" sabi ko

"Dali na kasi baka magalit si Therese pag hindi ako naka reply agad" sabi nya

"Ahh Therese" sabi ko tsaka ko binuksan ang hotspot ko para maka connect sya. Medyo ilang linggo ko narin napapansin na parang nahuhumaling si seb sa babae. At sa isanv babae lang.

"hehe thanks jeu! bawi ako sayo pwamis! papakilala ko na sya sainyo. Malapit na" excited na sabi nya pa.

"Siguraduhin mo lang ha! Para naman makilala ko ang dahilan bakit ang nagiging tanga ka mag tank lately hahahaha"

"Gago! hahaha" sabi nya tsaka tumutok na sa cellphone nya na sakto naman dating nung dalawa na may dalang tray.

Inilapag ni leigh ang isang tray sa harap ko na may laman na 1rice,1 pork adobo, 1 palabok , chocolate chips atsaka pineapple juice "dami naman nito" sabi ko sakanya "pinapataba mo ba ako?alam mo di ako pwede tumaba ngayon eh. Sukat na ang gown ko sa saturday baka hindi pa magkasya sakin bigla" sabi ko

"Pwede mo kainin mamayang 2nd break yang matitira mo jeu, wag kang OA" sabi ni leigh na tumatawa pero inirapan ko lang ito.

"Ah jeu" si wayne

"hmm?" tugon ko habang kumakain

"Ano kasi hehe ahh" di nya masabi yung sasabihin nya saakin mukhang may request ang loko.

"Ano yun wayne?" sabi ko ulit

"Ano jeu, nakakahiya kasi pero pwede ba ako magdala ng plus one ko sa debut mo?" dire diretso nyang sabi sabay yuko at subo ng pagkain nya.

"Oo naman haha bakit hindi?" sabi ko

"Ako din jeu ha?ha?ha?" si seb na tumataas baba pa ang kilay saakin habang naka ngiti.

"Yeah sure, hindi pa naman kami nakakapag distribute ng invitation cards. Damay ko mga plus one nyo bukas pag namigay ako sa room." sabi ko atsaka bumalik sa pagkain

"May gusto ka pa ganda?" bulong saakin ni leigh

"ito naman hahaha ano pa gugustuhin ko eh di na nga ako magkanda ugaga sa pagkain na binili mo" sabi ko sakanya

"Ako hindi mo gusto?" sabi nya sakin sabay ngiti, kaya napa ngiti din ako at nahampas nalang sya sa braso dahil sa kilig ko hahaha

"Eh kung isuksok ko lahat to sa kalamnan mo?" tukoy ko sa mga pagkaing nasa lamesa

Pagkatapos namin kumain ay tumambay muna kami sa bench para makapag palipas oras, may 20 minutes pa kami bago mag start ang next class namin. Sa canteen sana namin balak mag palipas ng oras pero ang init na dun dahil sa daming estudyante.

-

Lumipas pa ang mga araw at hanggang sa dumating na ang araw ng debut ko.

"Smile ka jeu pero wag ka tumingin sa camera" sabi ng photographer na hinire nila mommy. Andito kami ngayon sa garden kung saan ang place na gaganapin ang debut ko. Mas pinili nila mommy na kumuha ng events place kesa sa bahay dahil pinapagawa nila mommy ang garden namin.

"Ok nice shot jeu! Retouch please kay jeu" sabi nito sa mga make up artist ko "Ok na to jeu, mamaya naman kukunan ko pag entrance mo sa venue, pahinga ka na muna" sabi nya kaya pumasok muna ako sa loob ng room kung saan ako inayusan kanina.

Nag open muna ako ng facebook ko atsaka nag scroll dahil ang daming nag post sa timeline ko para bumati pedo hindi ko an sila maisa isa pa dahil ngarag din ako ngayon. Maski yung mga nasa messenger ay hindi ko na naisa isa.

Sa text naman ay chineck ko, nag text saakin yung tatlong ugok

Sebby❤️
"Ma memeet mo sya later jeu! Kita kits! Happy birthday. love u!"

Waynetot❤️
"Hi jeu! Happy birthday! kita kits mamaya! iloveyou talagaaaa bebe"

Leigh na kupal❤️
" Hello ganda, happy birthday! This will be the most memorable moment in your life. I promise.
As long as wala pa tayo sa kasal hahaha see you later my luna❤️ Mahal kita palagi "

Napangiti ako sa message ni leigh, he's so pure.
May kilig pero walang label
May "mahal kita" pero walang "mahal din kita"
Label talaga kulang.

To Sebby❤️:
"Thanks seb! see u later. Excited to meet her!"

To Waynetot❤️:
"Thankyou bebe! See you latuuuur"

To Leigh na kupal❤️
"Thankyou bii, see you later."

Ayun lang ang nireply ko kay leigh dahil baka humaba nanaman ang message namin at makalimutan kong may event pala ako.
Pag naumpisahan pa naman ng message si leigh eh asahan na matagal kayo mag uusap. Kung ano kinatahimik nya sa personal ayun ang kinadaldal nya sa chat at call hahaha

"Jeu, delivery daw sayo" sabi nung make up artist ko na halos kakapaasok lang dito sa room

"Galing daw kanino?" tanong ko pero nag kibit balikat sya at iniabot saakin ang isang bouquet ng pink tulips at may sulat doon na nakalagay.

Happiest birthday mahal ko.
You're my luna, when i'm with you. I feel safe.
Mahal kita palagi. see you later.

-Leigh na kupal

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon