Nagising kami nila chalzy at therese dahil pumasok sa loob ng kwarto namin ang amoy ng tapa at nilulutong sinangag.
"Mukhang masarap niluluto ni seb ah" sabi ko atsaka ako kumilos at dumiretso sa CR para gawin ang morning routine ko.
Nauna na akong lumabas ng room dahil kumalam na ang sikmura ko sa amoy ng niluluto.
"Goodmorning love" si leigh, hindi ko sya napansin dahil kakalabas nya lang rin at ang atensyon ko ay nasa amoy talaga ng pagkain.
"Goodmorning" bati ko sakanya atsaka nya ako hinalikan sa pisngi.
"Goodmorning sainyo ha, aga aga dessert agad" bati saamin ni seb na kakalabas lang ng kusina at dumiretso katok sa room namin ng mga girls.
"Gising na sila, nag aasikaso lang" sabi ko tsaka kami dumiretso ni leigh sa table.
"Ano oras ka natulog love?" tanong sakin ni leigh, halos araw araw na rin nya ako tinatanong sa oras ng tulog ko kahit gabi gabi kami magkausap bago matulog.
"Mag 10 na ata ako nakatulog, nanood pa ako reels sa facebook kagabi" sabi ko
"Late ka nanaman natulog tss"
"Na home sick lang ng slight hahaha"
"Goodmorniiiiiing!!!"malakas na bati ni wayne pagkalabas ng kwarto "goodmorning my chalzy" soft na bati nya dito
"Goodmorning din wayne" bati nito sakanya
"Tara na!kain na" sabi ni seb
"Masarap yung luto ni seb sa tapa" sabi ni leigh kaya nilingon ko sya. Ampotah na nguya na, iisa pa sana sya kumuha ng tapa sa plato pero hinampas ko ang kamay nya.
"Magdadasal pa" sabi ko at turo kay wayne na nakatingin din sakanya atsaka dinuro pa sya.
Sabay sabay kami nag agahan atsaka kami nag bonding sa living area, naglaro kami ng mga board games. Sa paglilibang namin ay hindi namin napansin lahat ang oras at mag 12 na pala kaya mag tatanghalian na.
"Ako naman mag luluto" presinta ko sakanila
"Sure ka?" tanong ni wayne saakin kaya tinaasan ko sya ng kilay
"Tingin mo sakin? Hindi marunong magluto?"
"Ano lulutuin mo?"si leigh
"gusto nyo ba mag seafoods? mag buttered shrimp sana ako" eka ko sakanila
"May mga scallops and crabs din dyan jeu, sabay mo na. Bala masira lang" si seb
"Yeah, alright! Dito na kayo maglaro magluluto muna ako"
Inumpisahan ko na kaagad ang mag luto, madali lang naman sya maluto kasi mabilis lang maluto ang seafoods. Pagkatapos ko magluto ay tinawag ko na sila, si chalzy at therese ang naghanda ng mga plato dahil pahirapan na pakilusin yunh tatlong lalaki porket ps4 na ang nilalaro.
Dumaan ang mahabang oras pero hindi kami na bored dahil ang dami namin ginawa, nagpatuloy kami sa paglalaro ng boardgames at nag karaoke din kami. 5pm na nung nagsipag tigil kami kaya nag iisip nanaman kami ngayon kung ano kakainin namin.
"Order nalang tayo?" tanong ni wayne
"Ano pa ba meron sa ref?" si seb
"Pang chopseuy pa ata andun" sabi ko
"Sige ako na magluluto nun, bili nalang kayo chicken wayne, mag piprito din ako pang partner sa chopseuy"
"Sige, tara chalz" yaya nya kay chalzy
"Tulungan na kita mag luto seb" presinta din ni therese
"Sure ka?" kumpirma ni seb
"Oo naman haha"
At dumiretso na silang dalawa sa kusina, si wayne at chalzy naman ay lumabas na para bumili ng chicken.
Kami nalang dalawa ni leigh naiwan sa living area.
Nag ring ang cellphone ni leigh kaya tumayo ito at nagpaalam na sasagutin ang phone nya, doon sya sa veranda pumunta.Ako ay pumasok naman sa kwarto namin para maghanda ng damit na susuotin ko dahil mag babar daw kami, marami daw kasing bar dito kaya mag iikot kami. Hindi naman namin first time dito dahil may condo din dito si kuya noong nag aaral pa sya. Pero hindi ko rin ganung kagamay ang pasikot sikot dito, baka si leigh oo.
Lumabas na ako dahil narinig ko na may mag uusap na sa labas, pagkita ko ay si therese at seb parin ang mag uusap banda sa dining at nag tatawanan pa. Nilingon ko ang veranda andun pa rin si leigh at may kausap. Ang tagal naman nila mag usap? Sino ba yun?
Lumapit ako sa glass door na hindi naman masyadong nakasara.
"Basta, hindi ako pupunta dyan. Dito ako magtatapos" yun ang huling narinig ko na sinabi ni leigh at ibinaba nya na ang cellphone nya. Atsaka humarap sa pinto, kita ko ang gulat sa mata nya ng makita ako.
"Kanina ka pa dyan?" tanong nya
"No, halos kakarating ko lang. sino pala kausap mo?" tanong ko,hindi ko kasi talaga maintindihan huling sinabi nya eh
"Ah its mom, she wants me na umuwi sa LA kahit hindi pa ako tapos mag aral" walang atubili nya namang sabi kaya tumango nalang ako.
Inalis ko sa isip ko yung narinig ko dahil alam ko naman nagsasabi ng totoo si leigh kung sino ang kausap nya. At kung bakit?ay hindi ko alam at hindi ko na inalam pa.
Dumating na rin sila wayne at chalzy kaya inasikaso na rin ni seb yung chicken, tinulungan ko na rin sya sa pag luluto dahil dalawang ulam ang niluluto nya. Ako na ang nag luto sa air fryer ng manok pagtapos niya itong timplahan.
Lahat sila ay nakaupo na sa dining habang hinihintay ang niluluto namin habang nag kukwentuhan kami.
"Inuman na after!!" si wayne
"Walwalaaaaan malala!!" Si seb
"After natin mag walwal relax naman tayo, pa massage tayo hahahaha" eka ko
"Yan ang trip!" si wayne kaya nag tawanan kami hahaa akala ba nila nag jojoke ako? haha seryoso ako dun. After mag walwal mag papamper ako.
"Let's eat!" Sabi ko pagkalapag ko sa lamesa nung fried chicken, naglapag na rin ako iba't ibang sauce na ginawa ni seb.
"Sarap!" si wayne
"Yeah, ang sarap seb" si chalzy
"Ang sarap nito!" puri din ni therese kaya parang nagyabang ng tingin si seb
"Masarap to and it cooked perfectly, pwede kana mag asawa" si leigh sabay tingin sakin.
"Hindi ako nag timpla nyan,taga luto lang ako. Anong pwede na mag asawa ka dyan" sabi ko sakanya
"Yeah, you cooked it perfectly kaya pwede kana mag asawa." sabi nya pero tinarayan ko lang sya dahil kinililig ako sa sinabi nya, maski mga kasama namin ay inaasar kami.
"Pakasalan mo na ako jeu" sabi nya pa, kaya nahinto ako sa kain tapos tumingin sakanya. Seryoso ampotah