CHAPTER 51

3 0 0
                                        

Nagising kaming dalawa ni shawn dahil sa alarm clock sa side table "Goodmorning love" bulong sakin ni shawn atsaka ako niyakap ng mahigpit. Gusto ko pa sana matulog dahil ang sarap sa feeling ng kama na 'to, akala mo eh nasa ibabaw ka ng tubig sa lambot at laki.

"Wake up na mag breakfast na tayo" gising sakin ni shawn at may bigla naman kumatok sa pinto

"Shawn, jeuwel? Nak gising na kayo breakfast is ready" sabi nito samin

"Yes mom, asikaso lang kami"

"Ok, nasa baba na rin sila kayo nalang hinihintay namin" sabi ni tita atsaka ito umalis

"Oh tara na tayo nalang pala hinihintay" sabi ko sabay bangon dahil nakakahiya naman kay tita na kinatok na kami at sa mga nag aantay samin sa baba

"Ayaw mo pa gumising ha" asar nya sakin atsaka ako pumasok sa CR para gawin ang morning routine ko

Pagbaba namin ay kumpleto na nga sila at nag umpisa na din kumain, umupo naman kami ni shawn atsaka nag salin na siya ng pagkain namin.

"Jeu? May swimsuit ka na dala?" tanong sakin ng isang pinsan ni shawn habang kumakain kami

"Wala eh, bakit? May swimming ba na gaganapin?" tanong ko

"Ah yes, later doon sa party house na ni rent namin may pool din doon kaya pwede tayo mag swim" dagdag pa nung isa

"Bibili nalang kami" sabi ni shawn atsaka kami nag ngitian ng mga pinsan nya

"H'wag naman yung swimsuit na balot na balot shawn ha? Baka naman hindi ma flex ni jeuwel ang sexy body nya" biro ng isang pinsan ni shawn

"Im not like that, she can wear whatever she wants" depensa ni shawn

"Is that true?hmmm" asar ng isang pinsan nya

"Oo, hinahayaan nya lang ako sa kung ano trip ko suotin. Kahit nga naka white lang ako na plain ay teternohan nya pa yan ng black din na plain" depensa ko din sakanila

Natapos kami mag breakfast atsaka nagsi pag ayusan na ang mga pinsan ni shawn, yung iba naman ay mauuna na daw dun sa party house at mag reready pa daw sila ng drinks and ibang foods.

"Jeu?nag m-make up ka ba?" tanong sakin ng pinsan ni shawn na sa pag kaka alam ko na pangalan ay tinawag nila kaninang anne

"Minsan lang kapag kaya ng time haha" sagot ko "ikaw ba?"

"Mahilig ako pero hindi kasi ako marunong masyado hehe" nahihiyang sabi nya, lumingon naman ako kay shawn kasi pupunta sana kami sa malapit na mall dito para bumili ng swimsuit ko.

"You can stay here, ako nalang ang bibili ng swimsuit mo" bulong nya sakin

"Sure ka?" tanong ko sakanya at tumango naman sya kaya lumapit na ako kay anne "halika ako mag make up sayo" sabi ko sakanya

"For real?" paninigurado nya at nginitian ko lang sya atsaka ko chineck yung mga make up nya na naka lagay sa lamesa.

"Bago ka maglagay ng kung ano sa mukha mo need mo muna lagyan ng primer para maganda ang pagkakalapat ng make up sa face mo at hindi agad sya masira" sabi ko sakanya atsaka kinuha yung primer nya at nilagyan ang mukha nya.

Hindi naman kami matagal nag make up kaya after nun ay nag curl naman ako ng hair atsaka ako naghanda ng mga damit na babaunin namin papunta dun sa party house. Damit pamalit lang naman ang dinala ko para hindi ako lamigin mamaya if ever na mag swim talaga ako atsaka nag dala na rin ako extra jacket.

After ko mag ayos ay tsaka naman dumating si shawn na may bitbit na paper bag na tatlong piraso atsaka nya ito inabot sakin

"Oh dami naman nito" sabi ko at tinignan ang loob niyon

"I don't know if ano color ang prefer mo kaya kinuha ko yang tatlong color na available na alam kong babagay din naman sayo" sabi nya atsaka tumabi sakin at kiniss ako. Binuksan ko yung paper bag at ang style ng binili nya ay two piece na may pagka high waist ang panty, meron yellow,red and pink ang binili nya na alam kong babagy din lahat sa kulay ko ang mga kulay na pinili nya.

Nag ayos lang si shawn sarili nya atsaka na kami bumaba para pumunta na dun sa party house, sumakay kami sa magandang kotse na sa tingin ko ay Bentley Continental GT ang itsura kasi.

"Sayo to?" tanong ko lay shawn pag sakay namin

"Yup, gift from dad" sabi nya atsaka pina andar ang sasakyan

"Nice car. Btw, where is your dad? Hindi ko pa sya nakita simula nung nakarating tayo dito"

"He's busy, nasa ibang bansa din para sa mga projects nya. Bihira umuwi at puro regalo padala lang"

"Pero nakita mo na sya?" curious na tanong ko

"Oo naman, huling beses nga lang ay nung bago ako mag for good sa pinas. That was the last time na nakita at nakasama ko sya, actually sya pa ang nag enroll sakin doon sa school at sya din ang kumuha ng bahay na tutuluyan ko" kwento nya pa

"Saan bansa ba sya ngayon?" tanong ko

"UAE" sagot naman nya "lagi naman sila mag kausap ni mom at wala naman kami problema sa family namin basta habang nakikita kong buo ang parents ko ok kami magkakapatid" dagdag nya "Dito na tayo" sabi nya at hininto ang sasakyan nya sa garage ng party house atsaka kami sabay na bumaba.

Malaking bahay to at layo layo ang mga kapit bahay, sa labas palang ay dinig ko na ang tugtog sa loob ng bahay.

"You ready?" tanong nya sakin

"Yes, of course" ngiti ko skanaya at sabay na kaming pumasok sa loob habang magkahawak ang kamay, sinalubong naman kami ng mga pinsan nya at ibang friends nya na dito naka lagi sa states.

Ang dami nyang bisita at halo lahat puro bagong muka para sakin dahil hindi ko sila nakita doon sa bahay nila shawn, siguro mga kaibigan sila ni shawn.
Dito ko lang nakita na nakipag socialize talaga ng malala si shawn at nakipag batian at nakita kong nag eenjoy talaga sa circle na meron sya ngayon. Sa school kasi ay hindi sya pala kaibigan, namamansin naman sya at nakikipag usap pero hindi mo makikita na interesado syang kaibiganin yung tao.

"Hey guys. Btw i want you all to meet my girlfriend Jeuwel" pakilala nya sakin sa mga kaibigan nya

"Wow nice"

"Congrats bro"

"I thought you're still single"

"She's gorgeous"

"Hi jeuwel" bati sakin nung isang babae

"Hello, nice to meet you" offer ko ng kamay ko at hinawakan nya yun tsaka sya nakipag beso sakin "Bella" pakilala nya sakin

"Nice to meet you bella, nice to meet you guys" bati ko pa sa iba

"You're so pretty, literally filipina beauty" bati nya saakin na akala mo eh namamangha sa muka ko

"Thankyou, thankyou so much" pasasalamat ko saknaila atsaka nila ako inabutan ng isang baso ng cocktail

"Let's enjoy the party!!!" sigaw ni bella atsaka ko hinatak papunta sa iba pang tao "hey!shawn. She's with me" paalam nya kay shawn kaya tumango nalang ito at nginitian ako.

Habang hawak hawak ako ni bella ay may nabangga kaming tao kaya natapon ko yung cocktail na hawak ko. "OMG im sorry" aligaga na sabi ko sa natapunan ko at aastang pupunasan pa sana yung natapon banda sa laylayan ng damit nya

"Oh! Leigh you're here? Let's go! Party!!!" rinig kong sabi ni bella kaya nagulat ako at di maangat agad ang paningin ko "im sorry, you can clean yourself. And jeuwel won't do that for you" asar nito sa nabanga ko "BTW guys" tawag atensyon ni bella sa mga nasa harap namin "She's jeuwel, shawn's girlfriend" pakilala sakin nito, nahihiya naman akong iniangat at mukha ko para batiin ang mga pinakilala sakin ni bella ng makita ko ang mukha ni leigh sa harap ko mismo.

"Hi jeuwel, you're so pretty" sabi nung isa

"Asian"

"Pretty"

"Walang nagbago, apaka ganda pa rin" rinig kong sabi ni leigh at umatras ito ng bahagya, napatingin naman ako sakanya at nakatingin lang din sya sakin.

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon