CHAPTER 39

4 3 0
                                        

"Jeu? Are you ok?" tanong saakin ni chalzy

"Yeah, of course." sagot ko sakaniya

"Ano sayo jeu?" tanong sakin ni seb, umoorder na kasi sila at ako nag cecellphone lang pampawala ng laman sa isip ko.

"Gusto ko mag sabaw, may bulalo po ba kayo dito?" tanong ko

"Meron po ma'am"

"Isa po saakin" sabi ko at dumutdut ulit sa cellphone "inom tayo?" tanong ko sakanila pagka alis ni ateng kumuha ng order namin

"Tara!"

"G!"

"Bili tayo alak bago umuwi"

"Ay kala ko mag bar"

"Sa bahay nalang tayo, may bar area doon. Pero bili parin tayo alak" sabi ko atsaka kami kumain pagkadating ng order namin. Naka kwentuhan pa namin si tatay at nabanggit nya na nakapag tapos na daw ng senior high ang panganay nya at nasa college na ito ngayon na engineering student.

Pagkauwi namin ay nag paalam na si tatay na papasok na sa loob ng bahay nila at baka daw hinihintay na sya ng nga anak nya, nagpasalamat naman kami dito sa pagsama nya saamin. Pag pasok namin sa bahay nagsipag diretso kami sa kwarto namin atsaka kami naligo, nag aayos na ako ng sarili ko ngayon at naglagay lang ako liptint at nagpabango. Nag suot na rin ako pantulog ko na pajama at longsleeve dahil malamig.

Bago ako lumabas ay binuksan ko na ang heater ng kwarto para pag pasok ko mamaya ay hindi ako mahirapan matulog. Kahit kasi nakasara ang pinto at bintana sa veranda eh malamig parin sobra, buti nalang may heater dito sa kwarto maski sa CR.

Paglabas ko at bumaba na ako ay kumpleto na silang lahat sa bar area at namimili ng alak

"Oh jeu, ano kaya masarap dito?" tanong sakin ni wayne sa pamimili ng alak

"I dont know, kay leigh yang mga yan"

"Hindi naman siguro magagalit si pareng sander kung babawasan ko ang collection nya" sabi ni seb at kumuha ng isang kakaibang alak at nagsalin ng kaunti sa baso

"Ampoutah!!" dura ni seb sa alak "ano to lason?" tanong nya sa alak, kaya nag tawanan kami sa reaksyon nya

"Wag kana kasi makielam dyan" sabi ni therese at tumabi saakin at iniabot saakin ang isang san mig ligh

"Paano kinakaya ni leigh tong mga alak nya??" di mapinta ang mukha ni seb dahil lasa nya parin ang pangit na lasa ng alak ni leigh.

"Ah jeu, yung isang room doon na naka lock? Ano meron dun?" tanong ni wayne saakin, tukoy nya sa kwartong katabi ng master's. Naalala ko nung pumunta kami ni leigh dito, isa yong maliit na kwarto na puro relo at pabango nya. Siguro ayun na din ang ginawa nyang walk in closet or office.

"Mga collection ni leigh ang nandon at mini office nya" sagot ko sakanila habang pinapanood sila mag biruan lahat.

"May mga importante pala dito, dapat lagyan ng cctv kahit na may care taker ang bahay since laging walang tao." si wayne

Naalala ko si shawn kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may message sya. Nag message sya saakin at tumawag din, pero hindi ko nasagot kaya nag message nalang ako pabalik.

Jeuwel Khazandra Vargas
" Sorry late reply, andito na kami nila seb sa baguio kanina pa. Nabusy lang mag asikaso ng gamit atsaka nag dinner kami sa labas"

Shawn Jasper Villano
"Okay, take care ok? napa call ako kanina to remind your dinner"

Jeuwel Khazandra Vargas
"Ok na po hahaha, ikaw nag dinner kana?"

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon