CHAPTER 18

3 3 0
                                    

"Babe huh" nagulat ako paglabas ko ng pinto at nakasalubong ko si kuya sa hagdan kaya napatalon ako sa gulat.

"Tss. Its leigh" sagot ko at umirap sakanya

"I know haha" tawa nya "ba't pala anjan sya?"

"Edi nag inarte ayaw sabayan sa CR yung dalawa dun sa baba kaya dyan sa CR ko nagbanlaw" iritang sabi ko pero tinawanan lang ako ni kuya.

Pagbaba ko ay dumiretso ako sa sasakyan nya atsaka ko kinuha ang paperbag na may laman na damit nya. Mukhang bagong bili pa ampota nag aaksaya talaga ng pera madami naman syang damit.

"Hoy jeu yung babe mo daw sigaw na ng sigaw sa kwarto mo" bungad sakin ni seb habang tumatawa pa sya pagpasok ko sa main door . Tinignan ko pa sila wayne at kuya na tumatawa rin habang nag lalaro ng ps4

"Alam mo seb kung sinabay mong kunin yung damit ng kupal na yon kanina hindi magkakaganyan yang kupal na yan at uutusan ako dito sa loob ng pamamahay ko" sabi ko sakanya na lalong ikinatawa nya

"Bakit mo kasi sinunod?eh pwede mo naman iutos nalang rin sa maid nyo hahaha ang dami nyong katulong dito" sabi nya na may halong panunukso ang tingin

"Leche!" sabi ko at dumiretso na sa hagdan

"Babe!!" rinig naming sigaw ng kupal na nasa kwarto ko

"Oh babe daw hahahahahaha" si wayne at nagtawanan sila nila kuya

Nairita ako ng sobra at padabog na umakyat na sa kwarto tsaka ko padarag na binuksan ang pinto. Kitang kita bg dalawang mata ko kung anong itsura ngayon ng kupal na to sa loob ng kwarto ko.

Topless at naka takip lang ng twalya ang ibaba nya habang nakaupo sa kama ko at nakangiti sa teddy bear na bigay nya kagabi na nasa tabi ng kama ko. Ang kina badtrip ko pa ay andito palang ako sa pinto ay amoy na amoy ko na ang bodywash ko na ginamit nya, baka hindi lang ginamit. GAMIT NA GAMIT dahil amoy na amoy ko kahit may ilang metro ang layo ko sakanya!!

"Ampotah!" sigaw ko sakanya pero parang wala lang sakanya at ngumiti pa saakin kaya hinagis ko sakanya ang paper bag nya.  Tsaka ako lumabas ng kwarto at padabog na isinara yun.

Dito nalang muna ako sa veranda sa dulo ng hallway sa 2nd floor namin tatambay. Mula dito kitang kita mo ang mga mangilan ngilan na puno at ang view sa bandang ibaba ay ang garden namin at ang pool.

"Babe" rinig ko si leigh sa likod ko kaya nakasalubong na kilay ko syang nilingon

"Babe ka dyan?! Abnormal kaba talaga?"

"hahahaha you look so cute"

"Mukha mo!"

"Yeah I know" sabi nya at nangiti pa habang umiiling

"Tss! Ano ba ginagawa mo dito? Andun sa baba sila wayne at seb naglalaro" sabi ko sakanya

"Yeah, mag papaalam na ako kasi, aalis na kami at may appointment pa kami dun sa gagawa ng suit ko for your debut" malumanay nyang sabi pero tinalikuran ko sya atsaka nauna sakanyang bumaba

"Ayan na pala sila" si kuya na mukhang paakyat na

"Jeu, una na kami may sukatan pa kami ng suit eh" si seb

"Oo sige, ingat kayo ha" sabi ko saknila

"Bye jeu, see you on monday" si wayne kaya tinanguan ko ito

Hinihintay kong magsalita tong lalaki sa tabi ko pero tahimik lang sya kaya nilingon ko sya.

"Oh ikaw hindi ka magpapa alam?" mataray na sabi ko sakanya

"No" eka nya

"Okay" sabi ko naman atsaka naglakad pauna sakanila palabas dahil ihahatid ko sila sa gate.

Diretso na sumakay yung dalawang kupal dahil pinapindot na nila kay leigh yung parang remote na maliit. Habang itong kupal na to ay hindi parin sumasakay.

"Ingat kayo, kitakits sa lunes" sabi ko at papasok na sana sa loob ng hawakan nya ang kamay ko para pigilan

"See you on monday, ganda" sabi nya atsaka tumalikod saakin at sumakay.

-

Maaga ako nagising kinabukasan dahil maaga din ako nakatulog kagabi.

"Goodmorning!" sabi ko sa teddy bear na katabi ko, ano kaya ipapangalan ko dito?hmmm

"Lili" pwede hahaha cutesy name tutal si leigh naman nagbigay kaya lili nalang.

"Jeu?" katok sa pinto ng kwarto ko na malamang ay si dad

"Po?" ako pagkabukas ko ng pinto

"Breakfast na" sabi ni dad at ngumiti saakin habang papasok sa loob ng kwarto ko.  Huminto sya sa harap ng vanity mirror ko at andun naka patong at naka organized ang mga make ups ko and perfume.

Hinawakan nya ang isang liptint ko na ginamit ko lang kahapon. "My baby girl is now a lady" sabi nya habang nakangiti

"Dadddd, im still your baby pa rin po" sabi ko at yumakap sa likod nya

"Palagi, anak ko." sabi nya at humarap saakin tsaka ako niyakap

"Ano meroooon????" silip ni kuya sa kwarto ko

"hahaha hindi ka kasali kuya" biro ko sakanya, ang ganda ng gising ko ngayon grabe. Gumising akong hindi kulang sa tulog at gumising akong kasama ko ang pamilya ko at ganito pa sila ngayon.

"Ito ang binata ko at napaka laki na rin" si dad at niyaya si kuyang lumapit saamin atsaka niyakap rin ito at inakbayan

"Ano ba pinag uusapan nyo dad? Ang aga ah hahaha" si kuya

"Wala naman, sinabi ko lang na dalaga na ang baby girl ko" tingin sakin ni daddy ulit

"Yeah, true dad. May manliligaw na nga" si kuya

"Hoy anong manliligaw? wala no!"

"Weh?" silang dalawa

"Wala nga" sabi ko ulit

"Si leigh?" si dad

"Dad! he's my friend lang po" dipensa ko

"Nako pag narinig ni leigh yan malamang masasaktan yun" si kuya atsaka tumawa dahil inaasar ako. Tsaka bakit naman masasaktan si leigh pag sinabi kong magkaibigan kami eh totoo naman?

"Anong ginagawa nyong mag aama dyan? ang aga nyo naman maglambingan dyan sali naman si mommy" singit ni mom na nasa pinto na rin.

"Wala na tapos na" biro ni dad atsaka inalis ang akbay samin dalawa ni kuya

"Ayy" si mom na kunwaring nalungkot. Nilapitan naman sya ni daddy at hinalikan sa pisngi nya "gusto daw ng bunsong kapatid ni jeuwel" biro ni dad na ikinabilog ng mata ni mommy at hinampas nya si daddy sa dibdib

"hahahahahahah" si dad habang palabas ng kwarto ko

"Mag ready na kayo mag breakfast na tayo" si mom atsaka sya inakbayan ni kuya at hinalikan sa noo. " iloveyousomuch my queen" si kuya at inakay na si mom palabas ng room ko.

"Jeu?" tawag saakin ni mom

"Sunod ako mom, hindi pa ako nakakapag toothbrush at hilamos hehehe"sabi ko tsaka tinakpan bibig ko

"Nakipag bangayan kana sakin hindi ka pa pala nag totooth brush kaya pala ang baho" sabi nya

"Kapal mo" sabi ko

"Baho!" si kuya

"Mom oh!" sumbong ko kay mom

"Shh tama na yan hahaha tara na symon sa baba, sumunod kana agad jeu" si mom kaya tumango ako at pumunta sa CR para gawin ang morning routine ko.

Paglabas ko ng CR at tumunog ang cellphone ko kaya binuksan ko ito at chineck ang messages.

Leighsander Dela fuente
" Goodmorning ganda. Have a blessed sunday"

message ni leigh ba ikina ngiti ko. Nireplyan ko lang ang goodmorning nya tsaka na ako bumaba ng naka ngiti.

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon