CHAPTER 53

1 0 0
                                        

"Saan tayo punta love?" tanong ko kay shawn dahil kakagising ko lang at medyo masakit pa nga ang ulo ko dahil sa inuman namin kahapon dun sa party house eh ginising naman ako nito ngayon at aalis daw kami.

"Aalisin natin yang hangover mo" sabi nya habang natatawa

"Bakit ka tumatawa?" ako habang naka pout pa sakanya

"You're so cute hahaha" sya at tinap nya ang ulo ko tsaka kiniss ang naka pout kong nguso "sige na kilos kana para maaga tayo makauwi ulit"

Papasok na sana ako sa CR ng may maalala ako

"Paano pala tayo nakauwi kagabi?" tanong ko sakanya

"Hindi lasing huh,pinipilit mo kagabi na hindi ka lasing kahit kung ano ano na kinakanta mo" natatawang sabi nya

"What?!" ako

"Hahahaha hindi ka naman makulit nahirapan lang ako pauwiin ka kasi gusto mo pa uminom kahit lasing na lasing ka na at pag pasok mo sa sasakyan ay kumanta kanta kapa hanggang sa lumabas ka din agad dahil nagsusuka ka na. After mo sumuka ay kinwento mo na nagkausap kayo ni leigh" sabi nya habang tumatawa pa din

"Huh?ginawa ko yun?"

"Uhmmm"sya atsaka ako pumasok sa CR para maligo na, buti na nga lang at may heater sila dito at lumalamig na din ang panahon dito sa bansa na to. Mabilis lang ako naligo dahil malamang yung isa eh maiinip nanaman dahil mag aayos pa ako.

Lumabas na ako ng CR tsaka kumuha ng damit ko na susuotin, nag leggings lang ako na medyo makapal at nag turtle neck na longsleeve, sa pang ibaba naman ay nag suot lang ako ng boots.After ko mag bihis ay bumaba na kami tsaka nag paalam kila tita

"Mom, we're going out for a date" si shawn

"Sure, take care. Bring her to your favorite coffee shop hihihi" suggestion ni tita

"Sure" atsaka ako nag paalam kay tita at sa mga iilang pinsan nyang natira dito dahil ang iba ay nag si uwi na daw dahil back to work and school ang iba sakanila.

Sumakay kami ng sasakyan atsaka kami umalis, ilang minuto lang ang naging byahe namin at nakarating kami sa isang magandang coffee shop.

Pag pasok namin sa coffee shop binati kami agad ng crew at nakipag batian din sya kay shawn na akala mo matagal na sila mag kakilala.

"This is my bestfriend's coffee shop" sabi ni shawn atsaka kami umupo "this is his last branch of coffee shop before he died"

"Ow sorry" sabi ko nalang atsaka nakinig ulit sa sasabihin nya habang nililibot din ang paningin sa coffee shop

"No, its fine. Kaya itong coffee shop na 'to ang favorite ko dahil itong coffee shop na 'to ang centro dito at mula dito makikita mo ang Statue of Liberty. Yung friend ko na may ari nito eh bestfriend ko since i was in grade school" kwento nya pa "that's why i chose to study sa philippines kasi pag andito din ako ay sya din naiisip ko at nasanay din ako na sya ang kasama ko sa lahat, i need to start again ng wala sya kaya naisip ko na sa philippines mag umpisa"

"Im so sorry for your lost" sabi ko sakaya

"No love, its okay. Naalala ko lang sya dahil dito sa coffee shop na to." sabi nya tsaka naman dumating ang order namin "this coffee shop is the reason bakit gusto ko din mag manage ng business, walang family dito yung bestfriend ko kaya saakin nya din naiwan ito at ito ang binabalik balikan kong negosyo dito."

"Saan sya ngayon naka libing? You want to visit him?" tanong ko

"Is that ok?" tanong nya pabalik

"Yeah sure, anything you want." sagot ko atsaka sya binigyan ng masayang ngiti para ngumiti na din sya.

Nag stay lang kami doon ng halos ilang oras at puro lang kami kwentuhan at sa mga napag kwentuhan namin ngayon dito ay pakiramdam ko ibang shawn ang kaharap ko. Buong akala ko ay kilala ko na sya ng buo pero hindi ko naisip na may ganito pa pala syang side, soft and crying. He missed his best friend so much and nararamdaman ko iyon, kaya after namin mag kwentuhan at mag coffee ay niyaya ko na sya pumunta kung nasan ang bestfriend nya.

Saglit lang din ang naging byahe namin dahil halos kabisado na ni shawn lahat ng pwede daanan dito, bumaba kami ng kotse pagka park nya sa parking lot ng isang columbarium. Dumiretso kami papasok at may kinuha lang syang bulaklak malapit sa entrance atsaka kami tuluyan na pumasok. Hawak hawak nya ang kamay ko at papunta kami sa kung saan ang spot ng bff nya. Huminto kami ng nasa tapat na kami ng bff nya, inalis nya ang nakalagay na bulaklak sa lalagyan na mukang may dumalaw pa dito ilang araw bago kami, atsaka nya inilagay ang bulaklak na dala nya.

Dustine Jhad Hilario
1996-2020

"Mas matanda sya saakin ng 4yrs" sabi ni shawn "Lumaki sya sa isang orphanage sa manila at nagkaron ng mag aadopt sakanya at dito sila tumira kaya ko sya nakilala. Nabubully ako noong elementary ako dahil sobra akong mahiyain at puro lang ako aral, lagi akong sinasabihan na nerd. Dustine was there for me,always. Naging classmate ko sya kahit 4yrs ahead sya saakin kasi nag umpisa sya mag aral ng late" kwento nya habang nakatingin pa rin sa ash ng bff nya at ako ay nakikinig lang sakanya

"After mag elementary doon nasangkot sa isang big car accident ang parents nya, at ako lang din ang nandyan para sakanya noong nga panahon na yun kaya kami naging mag bestfriend. Walang kumalinga sakanya noon wala sya maski isang pamilya o family ng parents nya dito o kahit kaibigan ay wala sya ako lang talaga ang meron sya."

"Kanino galing yung flowers na 'to?" turo ko sa bulaklak na inalis nya kanina

"Mom, lagi din pumupunta si mom dito at dinadalaw si dust. She always pray for dust kasi tinuring nya na rin itong anak na kapatid ko, hindi tumira samin si dust noong namatay ang parents nya sya lang mag isa sakanila kasama ang nga maids nila. Safe naman sya dahil dumadalaw kami araw araw ni mom sakanya hanggang sa nag highschool kami kaya mas kaya nya na ang sarili nya. Our last year of being highschool noong nag crashed ang eroplanong sakay nya pabalik dito from philippines"

"Alam mo ba bakit sya galing sa pilipinas?" tanong nya sakin

"Bakit?"

"Sinubukan nyang hanapin ang totoong pamilya nya at doon na sya tutuloy mag aral, to be honest dalawa talaga kami dahil nakapag paalam na din ako kay mom at pumayag naman sya. Nahanap ni dust yung tunay nyang magulang pero hindi sya nagpakilala o nagpakita dito, gusto nya eh pag nagpakilala sya ay tapos na sya ng pag aaral...Pabalik na sya nun dito sa states at nag crashed yung sinasakyan nya, sabay na sana kami pupunta ng pinas pero... ako nalang pala ang babalik"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HER FINAL ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon