"Salamat nga pala shawn" sabi ko dito nung pababa na ako ng sasakyan nya
"My pleasure, sige na pumasok ka na. Magpahinga kana may reporting pa tayo bukas" sabi nya, bumaba naman ako at kumaway muna sakanya bago sya umalis.
Pagpasok ko sa loob ay bumungad saakin si kuya na nag aalala
"Where have you been??" bungad nya saakin
"Dyan lang" sabi ko at lalagpasan na sana sya, wala ako sa mood makipag talo pagod ako.
"Anong dyan lang? Jeu tumatawag kami sayo hindi mo sinasagot!"
"Sorry, naka silent" sabi ko at pinakita sakanya ang cellphone ko na naka silent "sorry wala ako sa mood, gusto ko na magpahinga. Pakisabi nalang kila mom sorry" yun lang at umakyat na ako
Pagpasok ko ay inihiga ko agad ang sarili ko sa kama atsaka nag umpisa nanaman tumulo ang mga luha ko, naalala ko nanaman si leigh. Ang daming tanong sa utak ko
Bakit hindi ka nag sabi?
Bakit mo ako iniwan?
Kelan ka babalik?
Babalik ka pa ba?
Iyak ako ng iyak hanggang sa nakatulugan ko na ito.
"Jeu? Bakit bigla ka nawala kahapon?san ka pumunta?" si wayne
"Nagpahangin lang" sagot ko
"May balita ka na ba kay leigh? Pinuntahan namin sya sa bahay nila pero wala na daw sya don" si seb
"San ba kasi nag susuot yung kaibigan nyo?" si therese
"Ewan ko ba dun, pag nakausap ko talaga yun malilintikan sakin yun" si seb
"Nasa America sya" sabi ko at tinuon ang atensyon sa bote ng iniinom kong milk drink
"What?!" silang apat
"Nasa America si leigh" ulit ko
"Huh?!paano??" si wayne
"I don't know" ako at nag kibit balikat
"I mean paano mo nalaman? Nag reach out na ba sya sayo? Nakapag usap na kayo?" sunod sunod na tanong nila
"Kay shawn" tanging sagot ko
"Shawn??" si wayne at seb
"He saw sa IG story ng pinsan nya na nakatira sa america na andun si leigh sa isang party house" maikling paliwanag ko
"Baka naman hindi sya yon?" patanong na sabi ni chalzy
"Kabisado ko ang anggulo ng katawan at mukha ni leigh kaya sigurado akong sya yun" ako
"Eh kung sya nga, ano naman ang ginagawa nya don?" si therese, nagkibit balikat lang ako
"Doon nakatira ang parents nya ngayon, kaya pala nabalitaan ko na maski ang ate ni leigh ay umalis din. Puro katulog at guard nalang ang nasa bahay nila nung pumunta kami" si seb, tinignan ko lang sya at iniwas ang tingin ko.
Naramdaman kong nakatingin silang lahat saakin pero hindi ko nalang pinansin yun, tumunog ang bell ay nagpaalam na yung dalawang babae na papasok na at kami din.
Umupo ako agad sa upuan ko na katabi ni shawn, hindi ko sya kinibo at dire diretso lang ako sa pagkakaupo at tumulala sa labas ng bintana.
"Hey, I need you to understand this" abot nya saakin ng bond paper na may laman na report namin
"Alam ko na yan, wag ka mag alala hindi ko ibabagsak grades natin para dito" yun lang ang sinabi ko at hindi na ulit nagpa istorbo.
Natapos ang klase namin ng maayos at diretso akong uuwi, ilang araw,linggo at buwan akong ganon. Papasok at pag uwian ay diretso uwi na, minsna niyaya ako nila seb na makipag hang out sakanila pero tumataggi ako dahil mas gusto ko matulog sa bahay at magpahinga.
May mga oras parin na nasasaktan ako at namimiss ko sya, may mga moment na sinusubukan ko parin na tawagan sya kahit alam kong cannot be reach na. Nag iiwan din ako ng messages sa messenger nya kahit 52days na syang hindi nag oonline. Iniistalk ko parin ang Instagram nya pero wala pa ring bago at picture parin namin ang profile nya doon at pictures din namin ang mga naka post doon.
Lumipas pa ang ilang buwan hanggang sa pictorial na namin ng graduation picture. Nakita ko na nag picture together si wayne at chalzy tsaka si seb at therese. Umiwas ako ng tingin dahil iniiwasan kong makaramdam ng inggit na sana kung andito sya ay meron din kaming picture.
"Jeu!!" tawag sakin ni seb "tara dito! picture tayong tatlo nila wayne" sabi nya at lumapit naman ako
"Kuya picturan nyo po kami" sabi ni seb sa photographer, buti nalang ay mabait ito.
Ngumiti kaming tatlo sa camera at sunod at inakbayan nila akong dalawa habang naka wacky kami. Binuhat pa nila akong dalawa na parang naka sandal lang ako sa sahig.
"Opps! Stop na kayo, kami naman ni jeu at chalzy" pigil samin ni therese
"Kuya isa pa po, kaming tatlo naman hehe" si chalzy sa photographer
Ngumiti din kaming tatlo sa camera atsaka nag wacky. Naramdaman ko na nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko sa bulsa iyon.
Nanlamig ang kamay ko sa pangalan na nag appear sa phone ko.
Leighsander Dela fuente sent you a message
" i miss you, ganda."
Nanginig ang buong kamay ko at namuo ang luha sa mata ko, huminto kami sa pagkuha ng litrato at umalis doon dahil para akong nanghina.
"Jeu? Are you ok girl?" tanong sakin ni therese, lumapit na din saamin si seb at wayne na nag aalala
"Ano nangyari?!" alalang tanong ni seb saakin,inabot ko sakanya ang cellphone ko at pinakita ang message ni leigh saakin. Nag unahan na tumulo ang luha ko.
"Shit! Answer the phone leighsander!!!" inis na sabi na ni wayne dahil sinubukan na nila itong tawagan pero cannot be reach parin sa phone number at nag riring lang sa instagram.
"Shh, its ok girl. Shh andito lang kami" si chalzy na hinahagod ang likod ko
"Nag message din ba sya sayo seb?check mo nga" si wayne na may kinakalikot din sa cellphone.
"Ok lang jeu, inom ka muna water" si therese
Umalis na kami sa gymnasium kung saan naganap ang pictorial namin at umupo kami sa bench na madalas namin tambayan. Nabanggit din ni seb at wayne na walang message sakanila at mukhang ako lang talaga ang sinadya ni leigh na ichat dahil kinumpara nila ang oras ng message ni leigh at kung ilang minutes na itong naka offline.
Lumipas ulit ang araw at nafifeel ko na sa sarili ko na mas nagiging ok na ako compare nung mga nakaraan. Unti unti narin tinatanggap ng damdamin ko yung nangyari.